Maagang nagising si Vivian dahil kagabi pa lang ay may usapan na silang dalawa ni Stephen na mag-mountain hiking. Medyo malapit lang daw sa kanila ang bundok kaya balak na rin nilang mag-overnight camp. Akmang tatayo na sana mula sa higaan si Vivian nang matigilan siya. May naramdaman kasi siyang parang mabigat na bagay na parang nakadagan sa tiyan niya. Nagulat lang siya nang kaunti nang sa pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya na braso pala iyon ni Ice. Nakayakap ang loko sa katawan niya. Habang ang mukha naman ay halos bumaon na sa leeg niya. Sa tabi pa rin pala niya ito natulog! Akala kasi niya ay sa sahig ito matutulog kagabi pagkatapos niyang ihagis doon ang unan at kumot nito dahil sa pagtatalo nila. Maaga rin siyang nakatulog at ito naman ay nagbabad sa laptop, kagaya ng mad