"I hate you!" mangiyak-ngiyak na hiyaw ni Vivian sabay hampas ng bag kay Ice, "so much!" Pagkatapos niyang hampasin uli ito sa hindi na mabilang na beses ay padabog na siyang lumabas ng bar. Kanina pa man nang sabihin nito na grounded siya for two days dahil sa pagyoyosi niya ay nagwala na ang dalaga. Wala siyang pake kung nakita o narinig man sila ng mga kaibigan niya. Basta sa sobrang inis ay nag-walk out talaga siya. Kahit pa medyo umeekis-ekis na ang lakad niya dahil sa kalasingan. "Ano ba ang problema mo?" tanong ni Ice habang humahabol sa kaniya. "Maang-maangan ka pa!" "Ikaw pa ang galit? Eh, ikaw nga 'tong naglasing, nagsigarilyo at lumagpas sa curfew. Tapos hindi pa kita nakita agad sa loob. Saan ka ba nagpunta?" "Wala ka nang pake kung saan man ako nagpunta kanina. Ikaw n