CHAPTER 5

1927 Words
Pagdating ni Vivian sa kuwarto niya ay maghuhubad na sana siya ng damit nang biglang mag-ring ang mamahaling cellphone niya. At nakita niya na nagre-request ng video call ang Kuya Hendrix niya. Kahit ligong-ligo na ay hindi niya natiis na hindi ito sagutin dahil miss na miss na rin niya ang kapatid. "Hi, Kuya!" masiglang bati rito ni Vivian nang pindutin niya ang "Accept" button. "How are you na?" Sumampa siya sa kama at dumapa roon habang hawak ang cellphone. "Hey, sis," bati rin nito sa kaniya. "I'm fine. Ito, sawa na sa pagiging mayaman." Tumawa si Kuya Hendrix, senyales na binibiro lang siya. "Kidding aside, I'm happy and satisfied with my life now. Hindi katulad noong nasa poder pa ako ni Daddy na bantay-sarado ang bawat galaw ko." Natawa si Vivian sa tinuran ng kapatid. Knowing him, he hates being told what to do. Kaya nga kahit alam nito na balang araw ay ito ang magmamana sa lahat ng negosyo ng kanilang ama ay nagtayo pa rin ito ng sariling negosyo. To prove to their father that he can also be a leader in his own way. Pareho silang independent sa magkaibang dahilan. Iyon ang rason ni Kuya Hendrix. Samantalang si Vivian naman ay napilitan na tumayo sa sariling paa dahil mas pinili ng kaniyang pamilya na sa ibang bansa niya ipagpatuloy ang buhay. Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya lubos maintindihan pero pilit na lang niyang inuunawa na baka nga ayaw lang ng mga ito na madamay siya sa stressful na buhay ng mga ito sa Pilipinas. "How about you?" Sumandal si Kuya Hendrix sa inuupuan nitong swivel chair. "Kumusta ang business? Kailangan mo ba ng additional fund? Or allowance?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Itong mukhang 'to?" Natatawa na itinuro ni Vivian ang sarili. "Kinakapos sa pera?" Sabay silang natawa na dalawa. "Thank you, Kuya. Pero so far, okay naman ang business ko. I'm also happy and satisfied like you. Pero siyempre, hindi ko kayo ipagpapalit. Kapag sinabi n'yo na puwede na akong umuwi diyan, iiwan ko rin 'to." "Mas okay kung nandiyan ka, sis." Her face fell. "Why naman? Ayaw mo akong makasama diyan?" "Alam mong hindi totoo 'yan," paglalambing nito sa kaniya. "Ayoko lang na makita mo kung gaano ka-stressful ang buhay dito sa Pinas." She sighed. Iyon na lang ang palaging rason ng mga ito sa tuwing binabanggit niya ang pag-uwi. Hindi na siya nakipag-debate pa. "Anyway, nasa baba nga pala si Clinton, Kuya Hendrix," pag-iiba ng usapan ni Vivian. "You want to talk to him?" Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Clinton?" "My fiance. Don't tell me na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tanda ang pangalan ng lalaking pakakasalan ko, Kuya," paghihinampo ng dalaga. "Bakit feeling ko, hindi kayo interesado ni Daddy sa future husband ko?" "Hindi porke't hindi ko matandaan ang pangalan ng boyfriend mo ay wala na akong pake sa'yo, sis. I just trust you. As long as he doesn't hurt you. Dahil kilala mo ako kapag nagalit." Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Vivian. Ngayon ay ramdam na niya na talagang nay concern ito sa love life niya. "Don't worry, Kuya Hendrix. Clinton loves me so much. To hurt me was the last thing he would do. I assure you that." "Dapat lang. Kung ayaw niyang pasagasaan ko siya sa mga sports car niya." Ikinangiti lang iyon lalo ni Vivian. Natatandaan pala nito na isang car racer ang nobyo niya. Patunay lang iyon na hindi totoong hindi ito interesado kay Clinton. At alam niya na kahit matapang ang kapatid niya simula pa lang noong bata sila ay hindi nito kayang manakit. Puwera na lang kung may umapi sa kanila at handa talaga itong lumaban. "I miss you, Kuya. I love you--" Natigilan si Vivian nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Kuya Hendrix at pumasok doon ang isang lalaki na naka-rugged outfit. Seryoso lang itong tumayo sa likuran ng kapatid niya. Mukhang may sasabihin ito pero halatang naghihintay lang na matapos ang pag-uusap nilang magkapatid. Ni hindi ito nag-abalang tapunan siya ng tingin. Malaya tuloy niyang napag-masdan ang kabuuan nito. He stands six feet and one inch with an athletic body, brown complexion, and black hair. He was wearing a bomber jacket with three-button Henley inside, distressed black denim, and Chelsea boots. He perfectly looked like a badass. But what caught her attention was his red lips and his dark brown eyes. Pamilyar kay Vivian ang mga iyon. Hindi lang niya maalala kung saan niya nakita. Napakurap ang dalaga nang biglang tumingin sa kaniya ang lalaki. Perfect set na sana ang mga mata nito kung hindi lang kasing lamig ng yelo ang pagtingin nito sa kaniya. Daig pa ang mga mata ng isang bampira. Lifeless. Emotionless. Gayon pa man ay hindi pa rin napigilan ni Vivian ang sarili na ngitian ito. She didn't know why. Parang may bumulong lang sa kaniya na dapat niya itong ngitian. Ngunit sa pagkadismaya ng dalaga ay hindi pinansin ng lalaki ang pagngiti niyang iyon. Parang hindi siya makapaniwalang inisnab siya nito. Samantalang isa sa best assets niya ang kaniyang "killer smile". Sa mga ngiti nga niya unang nahulog si Clinton, eh. Pero itong lalaking ito, napakatigas yata ng puso para dedmahin ang palakaibigang ngiti niyang iyon. Basta lang ito nakatitig sa kaniya. Walang kakurap-kurap. And jeez, she cannot take her eyes off him, too! Pakiramdam tuloy ni Vivian ay kinapos siya ng hininga habang nakikipagtitigan sa lalaki na hanggang ngayon ay matiim pa rin ang titig sa kaniya. Hindi niya maalis ang tingin sa guwapong mukha nito na parang pamilyar talaga sa kaniya. Parang nang-aakit ang itim na itim na mga mata nito, ang matangos nitong ilong na mas nagpakisig pa rito at ang makapal pero perpektong hugis ng mga kilay nito. "Sis, ang sabi ko, tatawag na lang uli ako mamaya at may importanteng gagawin pa ako. Okay?" Napakisap si Vivian nang maulinigan niya si Kuya Hendrix. Kanina pa niya ito naririnig na nagsasalita pero hindi niya gaanong maintindihan at naka-focus siya sa lalaking hindi niya alam kung kaano-ano ba nito. Alam niyang maraming bodyguards ang Kuya Hendrix niya pero malabong isa sa mga iyon ang lalaki. Isa pa, halos lahat sa mga iyon ay nakita at nakilala na niya sa video call. Ang iba nga ay sa personal pa kapag sinasama ng kapatid niya sa pagbisita sa kaniya sa Washington. Pero itong guwapong lalaking ito, sigurado si Vivian na pamilyar sa kaniya pero ngayon pa lang niya nakitang kasama ni Kuya Hendrix. Bakit ba kasi hindi na lang niya itanong sa kapatid? "Sino--" "Bye, sis! I'll call you later. Ingat ka diyan. Tell Clinton not to hurt you or else I will skin him alive." Pagkatapos nitong mag-flying kiss ay namatay na ang cellphone ni Kuya Hendrix at nawala na rin sa screen ang guwapong lalaki. Hindi naman maintindihan ni Vivian kung bakit may panghinayang siyang naramdaman. Stop it, self. Have you ever forgotten that you are already engaged? Kaya hindi ka na dapat na humahanga at lumalandi pa sa iba. saway sa kaniya ng isipan niya. Nang mapagtanto iyon ay muntik na niyang kastiguhin ang sarili. Lalo na nang maalala niyang nasa ibaba lang ang fiance niya at ipinaghahanda siya ng almusal. Pagkatapos maligo ni Vivian ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Naabutan niya si Jessica na kumakain ng jumbo hotdog. "Sorry kung nauna na akong kumain, girl, ha? Ang sarap-sarap kasi nitong hotdog. Over sa haba at laki." Bumungisngis si Jessica habang nilalantakan ang hotdog na hawak. Kumunot ang noo niya dahil dati pa naman nila iyon kinakain pero ngayon lang ito todo puri sa pagkaing iyon. "Okay lang. Sorry din kung natagalan ako sa itaas. Kausap ko pa kasi si Kuya Hendrix." Nagpatingin-tingin sa paligid si Vivian. "Where is Clinton nga pala?" Nasagot ang tanong ni Vivian nang lumabas mula sa banyo ang nobyo. Base sa hitsura ay mukhang katatapos lang nitong magpunas ng malapot na pawis. "P-pasensiya ka na, Hon. Napadami kasi ang kain ko sa tinapay na may peanut butter. Kaya medyo nasira ang tiyan ko," Clinton explained. "Okay lang ba kung uuwi muna ako?" "Oo naman. Pero bago ka umalis uminom ka muna ng gamot at bago sumakit ang tiyan mo sa biyahe." Aktong kukuha ng gamot sa medicine kit si Vivian nang pigilan siya ng nobyo. "'Wag na, Hon. Kaya ko na 'to..." Hinagkan siya nito sa noo. "Bawi na lang ako sa'yo mamaya pagbalik ko." Pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong lumabas ng kusina na hindi man lang nagpaalam kay Jessica o kahit tapunan man lang ng tingin ito. "Kain ka na, Vivz. Sige ka, mauubusan kita ng hotdog," alok sa kaniya ni Jessica nang marinig nila ang ugong ng papaalis na sasakyan ni Clinton. Noon lang niya muling nilingon ang kaibigan. "Thanks, Jes. Pero kumain na nga kasi ako sa venue kaya magkakape na lang ako." "Oo nga pala. Sige, akin na lang lahat 'tong hotdog. Nabitin kasi ako." Ngumisi ito na para bang nakaisa dahil napunta rito ang lahat ng hotdog. "Bukas pala baka umaga na uli ako makakauwi, ha?" mayamaya ay sabi ni Vivian. "Ikaw na lang uli ang bahala rito. Pasensiya ka na at sobrang hectic lang talaga ng schedule ko ngayon. Sunod-sunod ang wedding..." "No problem, girl. Basta ako bahala rito sa bahay mo. Iyon na nga lang ang ambag ko dito, eh." "Malaking bagay kaya na nandito ka." She smiled. "Kahit papaano ay may tao kapag wala ako. Nakakahiya na nga sa'yo at lagi ka na lang naiiwan dito." "Wala 'yon... Ako nga ang dapat mahiya sa'yo." Tumikhim ito kapagkuwan. "Ahm, Vivz..." Mula sa pagsimsim ng kape ay nag-angat ng ulo si Vivian para harapin ang kaibigan. "Hmmm?" "I have a question but hope you won't mind." "Come on. What is it?" "Ano, medyo personal, eh. Kaya okay lang kung sasagutin mo o hindi. I'm just... I'm just curious..." "Saan?" "Tungkol sa inyo ni Clinton." Lalong napuno ng pagtataka ang mukha ni Vivian. "What about us?" Napakagat-labi si Jessica. "Nakakahiya, eh..." "Para kang sira, Jes." She softly laughed. "Sige na nga. Promise, hindi ako magagalit." Inubos muna kain ni Jessica ang hawak nitong hotdog bago muling bumukas ang bibig. "May nangyayari na ba sa inyo?" kapagkuwan ay walang ligoy na tanong nito. She was surprised of course. Pero hindi niya iyon binigyan ng malisya. "Bakit mo naman naitanong?" "A-ano kasi..." Parang nahihiya na napakagat-labi na naman si Jessica. "Gusto ko lang malaman kung required ba 'yon para tumagal ang isang relationship. Nakikita ko kasi na going strong kayo kahit matagal na kayo..." "Honestly, I'm still a virgin." She winked at her. "Shock ka, 'no? Pero for me kasi, kasal muna bago s*x. That's my rule as a woman. Kaya ang sagot ko sa tanong mo, for me, it's a no. Hindi basehan ang s*x para tumagal o hindi ang isang relasyon. As long as na mahal n'yo ang isa't isa..." Tumango-tango si Jessica. "Ah, I see..." "Bakit? Don't tell me na may napupusuan ka na rito sa Seattle?" tudyo niya rito. "Wala, ah." Umiling-iling si Jessica. "Na-curious at and the same time, humanga lang talaga ako sa relasyon n'yo ni Clinton." "Basta kapag may nanligaw sa'yo rito ay sabihin mo agad sa'kin. Iba dumiskarte ang mga lalaki dito," aniya at inubos na ang laman ng tasa. Tinawanan lang siya ni Jessica. "Mukha namang mababait ang mga lalaki dito, eh. I like it here na kaya..." "That's nice to hear," she said and smiled. "Pero 'wag ka rin agad-agad maniwala. Some men are experts in flirting."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD