"My name is Emmanuel Roque and Emman for short. I'm thirty years old, a commercial and runway model, and single," pagpapakilala ni Emman sa sarili pagkatapos magpakilala ng mga kasamahan nito. "And I believe in a saying," humarap ito kay Vivian nang nakangiti, "To me, you are perfect." Kumindat pa ito sa kaniya kaya muli na naman silang inulan ng tukso at pinamulahan na lang ng mukha ang dalaga. "It's your turn, baby girl." Pasimpleng napasulyap si Vivian sa gawi ni Ice dahil simula kanina ay hindi na niya narinig na nagsalita ito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-i-drawing ang mukha nito at nanglalamon pa rin ang tingin sa kaniya. Tumikhim muna si Vivian bago ipinakilala ang sarili, baka kasi bigla siyang madulas at masabi niya na isa siyang INTERPOL agent. "I am Vivian Mejica, twe