Sa kabila ng sumusunod at nagmamanman kay Vivian ay sinikap ng dalaga na sundin ang lahat ng mga sinasabi ni Ice. Katulad na lang ng huwag daw siyang magpahalata na napansin na niya ang mga ito at dire-diretso lang siya sa pagda-drive. Mag-focus pa rin daw siya sa pagmamaneho at sa pag-iisip sa magiging clients niya mamaya. Dapat daw ay hindi maapaektuhan niyon ang magandang mood niya. Umakto daw siya na parang normal lang. Dahil si Ice daw ang bahala sa mga ito kung sakaling kalaban man. Bukod sa napansin din naman nila ang mga tauhan ni Kuya Hendrix na aali-aligid din sa kanila at mukhang alerto na rin at naramdaman nang may sumusunod sa kaniya. "Nasaan ka ba talaga at parang ugong ng sasakyan ang naririnig ko at hindi motorsiklo?" mayamaya ay wika ni Vivian. "Nag-aalala na ako." "'