Hindi na namalayan ni Vivian kung gaano na katagal ang lumipas simula nang lokohin siya nina Clinton at Jessica. Maybe one month? Two months? O baka higit pa. Masiyado niyang inabala at minadali ang sarili para makapag-move on agad. At aminado ang dalaga na hindi iyon naging madali para sa kaniya. Halos wala na siya gaanong namalayan sa paligid simula nang pagtaksilan siya ng dalawa. Inilayo niya ang sarili sa lahat ng mga nakasanayan na niya na puwedeng makapagpapaalala sa kaniya sa nakaraan. Kahit ang kaniyang wedding shop ay pinasara na niya. Dahil pakiramdam niya, kinakaawaan siya ng lahat ng mga nakakaalam sa nangyari. Bumubuo siya ng kasal ng iba pero ang sariling kasal sana niya ay nawasak na. Ibinenta rin ni Vivian ang bahay niya na binaboy nina Jessica at Clinton at bumili ng ba