Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Vivian na makikita niya mismo sa kaniyang harapan ang lalaking nakita niya noon sa opisina ni Kuya Hendrix at sumagot sa tawag niya. He was the least person that she was expecting to see. At hindi rin siya makapaniwala na hindi hamak na mas magandang lalaki pala ito sa personal. Napakurap-kurap ng mga mata si Vivian habang nakatitig siya sa lalaki. Ngayon na sa personal na niya ito nakita, mas lumakas ang pakiramdam niya na pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Pati na rin ang tindig at bulto ng katawan. Kaya lang, kahit anong pilit niya ay hindi niya talaga maalala kung saan ba niya ito nakita o kung paano ito naging pamilyar sa kaniya. Ang guwapo sana ng taong ito kaso mukhang masungit talaga. komento ng isip ni Vivian. Nanlalaki p