"Ayaw mo ba talagang sumama sa'kin sa bahay? Sa anniversary celebration ng parents ko?" Napangiwi si Vivian nang marinig ang tanong na iyon ng bagong ka-date niyang si Hob. Sa unang kita pa lang niya rito kanina ay hindi na niya gusto ang hilatsa ng pagmumukha nito. Mukhang playboy na f*ckboy. Biruin mo, isang oras pa lang sila nagkakilala sa personal ay niyayaya na agad siyang sumama sa bahay ng mga ito. At doon pa raw sila magpapalipas ng gabi. Para namang hindi niya nahahalata na kanina pa ito atat sa kaniya. Puwes, sorry na lang ang Hob na ito! Dahil hindi ito ang lalaking papayagan ni Vivian na makaka-score sa kaniya. Hindi niya papayagan na masira ang tatlong taon na pag-iingat niya sa sarili, simula nang mabuo niya itong muli pagkatapos siyang wasakin noon ni Ice. "I'm sorry b