Inaninag mabuti ni Vivian ang anino ni Stephen at walang duda na kasingtangkad lang ito ni Ice, pati na rin ang bulto ng katawan. Kahit ang pananamit ng dalawa ay halos pareho rin. Kaya sigurado siya na iisang tao lang ang mga ito. Bagaman at magkaiba ng boses ang dalawa. Pero may mga kakilala siya na kayang magpalit-palit ng boses. Marahil ay iyon ang ginagawa nina Stephen at Ice para linlangin siya. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng mga ito para paglaruan at lokohin siya? Ginugulo na nga ang isip niya sa pagkakaroon ng dalawang character, tapos malalaman pa niya na niloloko lang pala siya ni Ice. Napatiim-bagang si Vivian. Paano kung ang totoo ay hindi pa talaga nakalimutan ni Ice ang pamamahiya at pananakit sa damdamin nito na ginawa niya rito noong mga bata pa lang sila? At ganoon