CHAPTER 1

2210 Words
EXCITED na bumaba ng sasakyan niya si Vivian pagkatapos niya iyong iparada sa garahe ng kaniyang bahay sa Washington. Birthday kasi ng kaniyang high school best friend na si Jessica. Katulad niya ay Pinay din ito at ilang buwan pa lang sa nasabing bansa kaya nakikitira muna sa kaniya. At wala itong kamalay-malay sa surprise birthday niya. Ang buong akala nito ay bukas pa siya makakauwi dahil sa pag-aasikaso ng kaniyang negosyo na Miss V Wedding Shop. Maingat na pumasok sa automated main door si Vivian na dala-dala ang cake at wine. Pagsasaluhan nila iyong magkaibigan mamaya at saka niya tatawagan ang ina ni Jessica na ilang taon na nitong hindi nakakausap. Tatawagan din ni Vivian ang kaniyang boyfriend na si Clinton para samahan silang mag-celebrate. Medyo close na rin ito sa best friend niya. Tahimik sa sala nang pumasok si Vivian, pati na rin sa kusina. Nasa kuwarto niya siguro ang bruha! Tahimik din ang bawat hakbang na ginawa ng dalaga habang paakyat siya ng hagdan. Malapit na siya sa kuwarto ni Jessica nang makita niyang nakaawang ang pinto. Pero may naririnig siyang lagaslas ng tubig. Siguro ay naliligo ang kaibigan. Sinamantala iyon ni Vivian para pumasok. Ilalapag na sana niya sa ibabaw ng kama ang hawak na cake nang may marinig siyang sunod-sunod na ungol mula sa bathroom na hindi rin gaanong nakalapat ang pinto. At boses iyon ni Jessica. "Oh, baby... Yes! More! F*ck me more!" Natutop ni Vivian ang sariling bibig nang umalingawngaw sa kaniyang pandinig ang nasasarapang ungol ng best friend niya. Kumunot ang noo ng dalaga. Ang alam niya ay no boyfriend since birth ang kaibigan niya. Bukod doon ay medyo conservative din ito at pati ang pananalita ay mahinhin din. Kaya parang hindi siya makapaniwalang si Jessica ang naririnig niya ngayon na umuungol at hinihingal. Naabot din ng matalas na pandinig ni Vivian ang tila pagsasalpukan ng dalawang katawan. She hasn't had s*x in all her life. Pero paminsan-minsan ay naliligaw siya sa mga porn site at nanonood ng mga erotic movies. Kaya hindi siya tang* para hindi mahulaan ang nangyayari sa loob ng banyo. Pero sino ang ka-s*x ni Jessica? Wala pa naman siyang ibang kaibigan o kakilala rito sa Washington maliban sa'min ni Clinton. "Ah, baby... You're driving me crazy." Nanlaki ang mga mata at nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Vivian nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Katulad ni Jessica ay sarap na sarap din ang bawat ungol nito. Hinahapo ito na tila may hinahabol. Kumabog ang dibdib ni Vivian. Clinton! Nagpanting ang tainga ng dalaga, kasabay nang pagkuyom niya ng mga kamay. Gusto niyang umiyak habang patuloy na pinapakinggan ang paghalinghing ng dalawa. Pero hindi niya magawa. Nawiwindang siya. Nanatili lang na nakabuka ang kaniyang bibig. Ang kaniyang mga labi ay nag-uumpisa nang mangatal. "Ah, Clinton! Ang sarap... Sige pa!" pahiyaw na wika ng kaibigan ni Vivian. Para itong nababaliw na hayop na walang tigil sa pag-atungal. Para nitong pag-aari ang buong bahay kung makasigaw. "Yes, oohh! Clinton!" "F*ck, Jessica! Ang sarap mong gumiling..." Pakiramdam ni Vivian ay sasabog na ang kaniyang dibdib sa mga naririnig na salita. Sa halo halong emosyong nararamdaman ay hindi na niya magawang umiyak. But she could hear her heart slowly ripping into pieces. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang kaniyang best friend at boyfriend ang naririnig niyang nagniniig sa loob ng banyo. Sa banyo ng sarili niyang pamamahay! Mga walang hiya! gusto sanang isigaw ng dalaga pero hindi iyon lumabas sa kaniyang lalamunan. Humahapdi na iyon sa kapipigil niya sa sarili na umiyak. Hindi makapaniwala si Vivian na nagawa siyang traidorin ni Jessica. High school pa lang ay mag-best friend na sila. Ni minsan ay wala silang pinag-awayan. Kung nagkakatampuhan man ay agad na naayos. At pagkatapos niya itong patirahin sa bahay niya? Pero ang hindi matanggap ni Vivian ay ang panloloko sa kaniya ni Clinton. Sh*t, ang sakit-sakit! They have been engaged for three years now. Inaantay na lang ng dalaga na puwede na siyang umuwi sa Pilipinas para maipakilala ito nang pormal sa kaniyang pamilya. At sa loob ng mga taong magkasintahan sila, isang beses lang siyang inalok ni Clinton na mag-s*x sila. But she refused. Hindi dahil hindi niya ito mahal. Gusto lang ni Vivian na iregalo sa nobyo ang kaniyang virginity sa mismong araw ng kasal nila. Para kasi sa kaniya, isa iyon sa pinakamahalagang bagay na maibibigay niya sa magiging asawa asawa. And Clinton respected her decision. Kaya nga lalo niya itong minahal at pinangarap na maging asawa. Dahil kahit sunod-sunuran siya sa halos lahat ng gusto ng nobyo, ibinalato nito sa kaniya ang bagay na iyon. Pero ano itong natuklasan niya ngayon? Gaano na siya katagal niloloko ng nobyo niya? At ni Jessica? Kailan pa siya nagmukhang tang* sa tuwing magkakasama silang tatlo? Ni minsan, hindi naghinala si Vivian sa closeness ng dalawa. "Let's go back to the bedroom. There, I can f*ck you even harder," narinig ni Vivian na wika ni Clinton na lalong pumunit sa puso niya. Sa bawat minutong lumilipas ay lalo siyang nasasaktan. At hindi na niya alam kung saaan itutumbas ang sakit na nadarama. Kaunting-kaunti na lang ay bibigay na ang mga tuhod niya at sasabog na ang kaniyang emosyon. Akala noon ng dalaga ay sa mga palabas lang nangyayari na ang fiance ng bidang babae ay inahas ng sarili niyang best friend. Heck, cheating is real. And it's f*cking hurt! Sa kabila ng panginginig ng katawan ay natatarantang nagtago sa loob ng built-in cabinet si Vivian, dala-dala ang cake at wine, nang marinig ang mga yapak na papalabas ng bathroom. Inilapat niya ang pinto para tuluyang itago ang sarili. Ayaw niyang panoorin ang dalawa. Hindi niya kaya. Ngunit parang tukso naman na bumukas nang bahagya ang cabinet na pinagtataguan ni Vivian. Mula roon ay nakikita niya ang kawalanghiyaan ng dalawa. Clinton was lying in bed and Jessica was on top of him. They were both naked. May mga butil pa ng tubig ang tumutulo sa katawan ng mga ito habang nagbubungguan. "Yes, that's it, baby. Ride me harder," wika ng Filipino-American na kasintahan ni Vivian. Kitang-kita niya sa mukha nito ang sarap at matinding pagnanasa na nagpatindi sa galit at sakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Mariing ipinikit ni Vivian ang kaniyang mga mata, habang tahimik na umaagos ang mga luha niya. Hindi na kaya ng dalaga na pagmasdan ang pagtatraidor at kahalayan ng dalawang taong itinuring niyang bahagi na ng kaniyang buhay. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Vivian ay ngayon lang niya naramdaman ang sakit na animo'y tumatagos sa kailaliman ng puso niya. At sa unang beses din ay nakaramdam si Vivian nang klase ng galit na kapag lumabas siya sa pinagtataguan at sinugod ang dalawa, baka makapatay siya. God, ganoon ba ako katanga para harap-harapan na lokohin ng sariling boyfriend at best friend ko? NAPAKISLOT si Vivian nang biglang mag-ring ang cellphone niya, dahilan para matigil sa pag-replay sa isip niya ang pinakamasakit na parte na iyon ng kaniyang nakaraan. Tatlong taon na rin ang nakalilipas. At proud ang dalaga na kahit kaunting kirot o paninibugho ay wala na siyang nararamdaman sa tuwing aksidente iyong sumasagi sa alaala niya. At hindi rin hinayaan ni Vivian na lamunin siya ng galit. "Hi, Dad. How are you there? How was your birthday party last night?" sunod-sunod na tanong ng dalaga sa kaniyang ama nang sagutin niya ang tawag nito. "The celebration could have been happier if only you were here," matamlay na tugon ng ama niyang si Don Herardo. "I miss you so much, my little one." She smiled sweetly. Hanggang ngayon na twenty-seven years old na siya ay hindi pa rin niya mapigilan ang ama na tawagin siyang "little one", lalo na kapag naglalambing ito sa kaniya. Para sa daddy niya, si Vivian pa rin ang pinakamakulit pero pinakaiyaking bunso nito. Kahit ang nag-iisang kapatid niyang si Kuya Hendrix ay napapangiti na lang kapag tinatawag siya ng kanilang ama na batang-bata pa rin. "Kailan ka pala talaga uuwi dito sa Pinas? Malapit na akong mag-retired as CEO sa company natin," dagdag pa nito. Nahaluan ng lungkot ang kanina'y matamis na ngiting nakaguhit sa mga labi ni Vivian nang marinig ang sinabi ng ama. Kabaligtaran iyon ng mga sinasabi nito sa nakalipas na mga taon. "Mas makabubuti sa'yo ang manatili diyan sa Washington, katulad nang gusto ng iyong ina. Ayokong madamay ka sa hirap na pinagdadaanan ko sa pagpapatakbo ng kompanya natin," sabi noon ni Don Herardo nang tanungin ni Vivian kung kailan siya puwedeng umuwi ng Pilipnas. Kaga-graduate lang niya noon ng college. "Just enjoy your life there. Ipaubaya mo na sa amin ng Kuya Hendrix mo ang lahat dito." Pagkatapos niya noong mag-high school ay ipinadala si Vivian ng kaniyang ama sa Washington para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Iyon daw kasi ang pangarap ng kaniyang yumaong ina na isang American. At doon din daw nababagay ang pangarap ng kaniyang mga magulang para sa kaniya na maging isang well-known fashion designer. Ayaw man ni Vivian na mawalay sa pamilya ay napilitan siyang manatili sa Washington. Malaki ang tiwala niya kay Don Herardo na kapakanan lang niya ang iniisip nito. Bagaman at hindi niya ito maintindihan kung bakit sa sampung taon niya sa abroad ay dalawang beses pa lang siya nito pinayagang umuwi. Madalas ay ang ama at kapatid ng dalaga ang dumadalaw sa kaniya. Pero nitong mga nakaraang araw ay pinipilit siya ni Don Herardo na umuwi na. Gusto raw nito na mabuo na uli ang kanilang pamilya. At iyon din naman ang pangarap ni Vivian, noon pa man. Pero hindi na iyon ganoon kadali ngayon. Masiyado nang komplikado. "Don't be sad, Dad. Uuwi ako diyan sa death anniversary ni Mommy," pang-aalo ng dalaga sa kaniyang ama. "For good?" She heaved a deep sigh. "Saka na po natin pag-usapan pag-uwi ko diyan. For now, hayaan n'yo muna akong batiin ko ng happy birthday ang pinakamabait na ama sa buong mundo," masuyong saad niya. "I love you so much, Dad." Ngayong araw talaga ang kaarawan ni Don Herardo. Na-advance lang kagabi dahil isinabay na sa anniversary ng Mejica Corporation, ang kanilang family business. Pinaghirapan itong itayo ng kaniyang ama na dating sidewalk vendor lang pero ngayon ay isa na sa pinakamayamang tao, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong Asya. Bahagyang natawa ang ama. "Thank you so much, hija. And I love you, too." Sandaling tumahimik sa kabilang linya. "Hindi kita masisisi kung ayaw mo nang bumalik dito sa Pilipinas. Ako ang nagtulak sa'yo palayo. And for that, I'm so sorry. Pero umaasa ako na balang araw ay maiintindihan at mapapatawad mo rin ako.". "Dad..." Pakiramdam ni Vivian ay may bumara sa kaniyang lalamunan nang marinig ang malungkot at nagsisising boses ng ama. "'Wag mo na lang intindihin ang daddy. Pagod lang ako sa dami ng files na hinarap ko sa maghapon," kapagkuwan ay sabi ni Don Herardo na halatang pilit pinapasaya ang boses. "Bakit kasi hindi pa kayo magpapalit kay Kuya Hendrix, Dad? You're already sixty-five," pag-aalala ni Vivian. "I will really do that when he's ready." Napailing na lang ang dalaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit palaging sinasabi ng kaniyang ama na hindi pa handa ang kapatid niya na palitan ito. Kuya Hendrix was already thirty-one. Nakapagtapos ng kursong business management sa prestihiyosong eskuwelahan sa Pilipinas at mula pa pagkabata ay tinuruan na ni Don Herardo sa pamamalakad ng negosyo. May sarili ng business at maunlad na rin. "Pasensiya ka na, hija. Pero may naghahanap daw sa'kin sa ibaba. I will call you again as I get back," mayamaya ay paalam ng ama. "It's okay, Dad. Naghahanda na rin ako para bumalik sa shop. Happy birthday again and I miss you," paglalambing ni Vivian. "Miss na rin kita. Mag-ingat ka diyan palagi. I love you, my little one." Napangiti na naman ang dalaga. "I love you too, Dad. Mag-ingat ka rin diyan palagi. Please say 'hi' to Kuya Hendrix." Ilang sandali pa ay nawala na sa kabilang linya si Don Herardo. Bumalatay ang lungkot sa magandang mukha ni Vivian. Kung puwede lang sana niyang sabihin sa ama ang lahat-lahat... ILANG minuto pa lang ang dumaan nang matapos ang pag-uusap nilang mag-ama nang tumunog uli ang cellphone ni Vivian. Awtomatikong nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang mabasa ang text message. Pagkatapos niya iyong basahin ay nag-ayos ng sarili ang dalaga. Nang lumabas siya ng bahay ay nakasuot na siya kulay-pulang halter mini-dress na may plunging neckline. Sa laki ng kaniyang dibdib ay halos lumuwa na iyon. At lalo pang inihantad ni Vivian ang cleavage nang makarating siya sa dapat puntahan. Kinapalan din niya ang paglagay ng pulang lipstick sa mga labi. Halos ipaligo na niya ang mamahaling pabango bago bumaba ng sasakyan. Suot-suot ang kaniyang kulay-itim na boots, pa-sexy na naglakad ang dalaga papasok sa isang mamahaling bar. Bago pa man siya makapasok sa isang VIP room ay sinalubong na siya ng isang kuwarenta anyos na Mexican guy. Kasunod nito ang anim na bodyguards. "Hola cariño, como estas?" Hello my dear, how are you? Mula sa seryosong mukha ay ngumiti nang matamis si Vivian. Tinanggap niya ang yakap na isinalubong sa kaniya ng Mexicano. Ngunit hindi niya hinayaang mahalikan siya nito sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD