Pierre Auguste’s POV “Nasaan si Drizella?” I can't see her in my room—all I can see in my parents that I don't want to see right now. Dahan-dahan kong itinaas ang kama ko para makaupo. Kailangan ko si Drizella ngayon. Nasaan ang babaeng ‘yon? “Nasaan si Drizella?” Kailangan ko siyang makita. Paulit-ulit akong nagtanong sa mga tao sa harapan ko pero parang mga wala silang tenga. Hindi makabasag pinggan! Lumapit sa akin ang ina ko. Kinamusta ako pero wala sa kanya ang isip ko. Hindi siya ang kailangan ko at hinding-hindi ko siya kakailanganin sa buhay ko. Tapos na ko sa kanila. Hindi ko nga sila naisip nang maaksidente ako. Naramdaman ko nga ang bigat sa mukha ko pero wala akong pakialam sa natamo kong sugat. Kahit tignan ‘to, wala akong balak. Mas gusto kong tignan si D