Drizella Genet’s POV Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatiling mag-isa sa lugar na hindi ko man lang alam kung nasaan ba ako. Sumakay ako ng bus at dinala ako sa lugar na sobrang tahimik. Puro bahay-kubo ang bahay dito. Wala rin kahit na isang modernong bahay-kubo o kahit malaking bahay na gaya ng sa amin. Apat na araw ko ng pinipilit na makipaglaban sa madilim at tahimik na apat na sulok ng nakuha kong upahan. Maliit na kubo. Halos mas malaki pa ang kwarto ko sa nakuha ko. Walang kusina, kainan at mas lalong walang kwarto. Sa isang manipis na banig lang ako nakahiga at manakit-nakit na ang likod ko gaya ngayon. Anong oras na pero gising na gising pa rin ang buong diwa ko at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Ganito rin kaya ang pakiramdam ni Pierre noong m