Drizella Genet’s POV “Bababa lang ako saglit,” paalam ko sa kanya nang iparada ko ang sasakyan sa tapat ng butika ng gamot. Ito naman talaga ang dahilan kaya ako lumabas. Baka mamaya hinahanap na ako ni Kuya Damien dahil masyado akong nagtagal. Hindi ko naman bibilhin ang buong butika pero ang tagal ko. Napatingin ako kay Pierre na nakakadena pa rin ang kamay sa itaas ng kotse. Sa hawakan nito. Napailing na lang ako dahil ako ang nahihirapan sa pwesto niya. “Okay ka lang diyan? Alisin ko na kaya ‘yang posas mo—” “Ayos lang,” nakangiting sambit niya. Parang wala siyang nararamdaman na hirap kahit na ang tagal ng nakasampay ang kamay niya diyan. “Sige na. Bumili ka na ng gamot tapos bumalik ka na agad sa akin.” Napatango ako sa kanya at dinampot ang wallet