Drizella Genet’s POV “Pierre, bumangon na tayo.” Niyugyog ko ang braso ni Pierre pero hindi man lang siya gumalaw mula sa pagkakayakap sa akin. Alam niyang morning person ako pero nine am na nakahiga pa rin kami at wala pa akong nagagawa kahit na ano. “Pierre, ‘di ba magluluto ka pa ng breakfast? Inaantay ka na ng mga kaibigan mo sa baba. Alam mo naman na ikaw lang ang inaasahan nila sa breakfast nila,” paalala ko pa sa kanya. Gusto ko man na ako na lang ang magluto pero hindi naman ako makaalis sa bisig ni Pierre na nakabugkos sa akin. Hindi rin naman ako hahayaan ni Pierre na magluto. Simula nang malipat ako rito, hindi na ako nakapagluto ulit. “Hayaan mo siya. Dito muna tayo,” nakangiting sambit niya. Gumapang ang palad niya pababa sa puson ko. God, wala kaming