Drizella Genet’s POV “Lumayo-layo ka nga sa akin, Aljin!” Iratadong sigaw agad ni Kuya ang narinig ko pagpasok ko sa dining area. Kumakain na sila sa mahabang lamesa. Mukhang si Geriane ang nagluto. Siya lang naman ang marunong sa mga ‘to. “Oh, kumain ka na rin,” sambit ni Kuya at biglang nawala ang pagkairita sa mukha. Tumango ako kay Kuya at naupo sa unahan sa kanang bahagi ng mahabang lamesa. Napatingin ako sa kabisera ng lamesa. Walang kahit na sinong nakaupo rito dahil nasa taas pa. Nauna lang akong bumaba. “Nasaan na si Pierre?” Biglang natahimik si Geriane at Aljin na kinukulit si Kuya. Buong lamesa ay parang dinaanan ng anghel dahil sa tanong ni Marky. “Oh, may mali ba sa tanong ko?” nagtatakang sambit ni Marky. Napatakip bigla sa bibig si Marky at