Drizella Genet’s POV “Isang oras na tayong nasa kalye. Hindi pa ba tayo naliligaw?” nag-aalalang tanong ko kay Pierre. Madilim na ang kalye at may mga ilang sasakyan na rin kaming nakakasabay. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami manonood ng fire works na sinasabi niya. “Malapit na tayo,” nakangiting sambit ni Pierre na saglit pa akong nilingon. Isinandal ko ang ulo ko sa salamin at natanaw ko ang isang tore na gawa sa bato. Parang sa tangled pero hindi ito ganoon kataas. Mga pitong palapag lang sa tantsa ko. Sa tabi ng tore may mga sasakyan na nakaparada. “Dito na siguro ‘no?” excited na tanong ko sa kanya. Nakalabas na kami ng kaming dalawa lang noon ng nasa France pa kami pero iba ngayon. Dagdag pa ang nararamdaman ko na ibang-iba na ngayon. Ang bilis-bilis