Drizella Genet’s POV “Hindi ko talaga akalain na mababaliw sa’yo ng husto ‘yan si Pierre.” Napalingon ako kay Kuya na bulong nang bulong sa tabi ko habang pinapanood namin si Pierre na magluto sa harapan namin. Dito kami sa kusina nag-uusap ni Kuya. Gusto kasi ng kapatid ko na magluto si Pierre at para pumayag si Pierre kailangan na sasama rin kami sa kusina. Naninigurado talaga si Pierre na hindi ako itatakbo bigla ni Kuya Damien. “Matagal ko ng kilala si Pierre, Drizella,” bulong na mukhang bubuyog ni Kuya. “Puro lang siya alak kaya nagulat ako na bigla na lang bumaliktad ang mundo niya. Kapatid ko na ang kinaadikan ng loko.” “Pero gusto mo naman siya ‘di ba?” agad na tanong ko kay Kuya. “Gusto mo naman siya para sa akin.” Ginulo ni Kuya ang buhok ko bago tuman