Drizella Genet’s POV “Thank you for today, Judy,” nakangiting sambit ko sa trainor ko. “Ayos lang, beh! At tsaka bayad ni sir Pierre ang oras ko ‘no,” natatawang sambit ni Judy. Tulad ni Miley, isang babae rin na nasa katawan ng lalaki. Ayaw din kasi ni Pierre na isang babae ang maging trainor ko. Magaling din naman si Judy. Sa totoo lang mas Magaling pa siya kay Miley. “Ayos lang ba na umalis na ako?” tanong ni Judy habang naglalakad kami pababa ng bahay. “Wala pa si sir Pierre. Ayos lang na iwan na kita rito?” tanong niya pa sa akin. “Oo naman. Parating na rin siguro ‘yon,” sagot ko. Namili rin kasi si Pierre ng mga kailangan namin. Hindi rin naman mahirap sa akin na ako lang ang mag-isa sa bahay. Wala namang magnanakaw na magtatangka na pasukin ang bahay ni Pie