Drizella Genet’s POV “Honey…” Mahigpit kong niyakap ang unan na nasa gilid ko habang ramdam na ramdam ko ang init ng kawan ni Pierre mula sa likuran ko. Kung gaano kahigpit ang pagkakayakap ko sa malambot na unan ay ganoon din kahigpit ang pagkakayakap ni Pierre sa akin mula sa likod. Hubad ang mga katawan namin sa ilalim ng puting kumot pero hindi ko ‘yon inintindi. Nilalamon ako ng antok. “Honey…” muling tawag sa akin ni Pierre. Unti-unting lumilinaw sa aking pandinig ang paligid. Nanatiling pikit ang mga mata ko at walang kaalam-alam kung anong oras na ba. “Drizella, ako naman ang yakapin mo. Drizella... Tama na ang kakayakap sa unan.” Umiling ako at nanatiling nakatalikod sa kanya. Sobrang bango ng unan ko at ang lambot pa pero siya mabango lang dahil matigas ang katawan niya.