Drizella Genet's POV
"Kuya!"
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa tapat ng club. Nakita ko ang Kuya ko na nakasalampak sa lupa at may dugo sa gilid ng labi.
"Kuya Damien, narito na ako," nag-aalalang sambit ko at dinaluhan ang kapatid kong lasing na lasing na naman.
Isang oras akong bumyahe para lang mapuntahan ang club na 'to. Nalaman ko lang sa mga kaibigan ni Kuya na naglalasing na naman 'to kaya pumunta na ako rito kahit na hating gabi pa.
"Drizella..." anito at amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya.
Inakay ko ang braso niya sa balikat ko pero masyadong malaki ang kuya ko kaya napasalampak na lang din ako sa sahig.
"Ang beauty queen kong kapatid," tuwang-tuwa na saad nito na may konting pagkabulol pa dahil lango na sa alak.
Napahilot ako sa sintido ko at hinawakan sa magkabilang pisngi ang kuya ko na pumipikit-pikit na. Kapag nakita nila Mommy na ganito ang itsura ni Kuya siguradong mapapagalitan siya. Mahal na mahal ko ang kuya ko kaya ayokong pagalitan siya ng parents namin.
"Kuya, bakit ka naman nakipag-away?" mahinahon na tanong ko sa kanya.
Hindi ako kinibo ni Kuya kaya napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo. Natatakpan ang noo niya ng magulo niyang buhok na blonde. Nakita ko ang kamay niyang duguan.
"Bakit mo sinaktan ang kuya ko?" mahinahon na tanong ko sa kanya at tumayo.
Five-eight and height ko kaya hindi ako nahirapan kahit na gaano pa siya katangkad.
"Bakit mo siya sinuntok?" ulit ko sa pagtatanong sa kanya ng seryoso.
Walang mahinuha na ekspresyon sa mukha niya.
"Kung may problema ka sa kapatid ko o may nagawa man siya sa'yo." inilabas ko ang wallet ko at kinuha ko ang calling card ko. Inilahad ko ito sa harapan ng nanakit sa kuya ko. "Tawagan mo family number namin o ang number ng lawyer ko na nakalagay diyan. Siya ang bahala sa'yo."
Kinuha niya ito sa akin at saglit niya pang nahawakan ang kamay ko. Ibinaba ko rin agad ang kamay ko. Ayoko ng gulo lalo na ang Kuya ko. Ayokong napapasok siya sa gulo lalo na at nasasaktan siya. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid.
"Sana huwag na maulit ang p*******t mo sa kuya ko," sambit ko pa sa tahimik na lalaking nasa harapan ko.
"Drizella..."
Napatingin agad ako sa kapatid ko na umuungot. Napaupo ulit ako para magpantay ang mukha namin ni Kuya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"Kuya, uuwi na tayo hah. Hindi kita kayang buhatin kaya tulungan mo ang sarili mo—"
"Ganyan ba magalit ang babaeng Balenciaga?" putol ng isang boses lalaki sa sinasabi ko.
Nagtaas ako ng tingin sa lalaking sumapak sa Kuya ko.
"Ganyan ka magalit sa sinasabi mong nanakit sa kapatid mo?" Tumaas ang sulok ng labi nito.
Mukhang mayabang at halata na may pagkasira ang ulo ng lalaking naka-away ni Kuya Damien ngayong gabi.
"Parang hindi ka naman galit. Hindi nga ako nasindak," saad pa nito.
Napatango na lang ako at hindi na siya pinatulan dahil muhang nakainom din siya. Hindi rin naman away ang pinunta ko rito.
"Kuya, halika na—"
"'Yong kaibigan ko. Isabay natin," sambit ni Kuya ng hindi natatapos ang sasabihin ko.
Napatingin ako sa paligid namin. Maingay at magulo dahil sa mga lasing na galing sa loob ng club. Kilala ko lahat ng kaibigan ng Kuya ko dahil nagpunta na ang mga 'to sa bahay namin pero wala akong makita na kaibigan niya ngayon.
"Kuya, wala naman—"
"Pierre," sambit ni Kuya sa pangalan ng isang lalaki.
Itinaas pa ni Kuya ang kamay niya at kinaway ito. Sinundan ko ng tingin kung nasaan nakatutok ang mga mata ni Kuya na namumungay na. Napaawang ang labi ko dahil nakita ko na nakatingin siya sa lalaking nanuntok sa kanya.
"Pre, tara na. Isasabay na kita pabalik ng Escajeda," saad ni Kuya.
Sinundan ko ng tingin ang lalaking tinawag ni Kuya na Pierre. Lumapit ito sa amin at hinawakan sa kanang braso ang Kuya ko. Nabitawan ko ang kapatid ko at napatayo.
Naguguluhan na napatingin ako kay Kuya na naitayo na ng lalaking na ngangalan na Pierre.
"Kaibigan?" naguguluhang tanong ko.
"Oh yeah!" natatawang saad ni Kuya at kinagat pa ang tenga ni Pierre. "That's my friend!"
Hindi ako nakapagsalita. Magkaibigan pala sila. Nagkamali yata ako na pinagbintangan ko siya.
"Nasaan ang sasakyan mo?" tanong nito sa akin na parang wala lang.
"Ayon." Tinuro ko ang white na hilux ni Daddy na ako ang gumagamit.
Agad akong dumalo sa isang braso ni Kuya para tulungan siyang akayin. Naglakad kami papunta sa kotse na may pagtataka sa mukha ko. Saan galing ang dugo sa kamay niya?
"Sa likod na ako mauupo. Gusto kong mahiga," saad ni Kuya.
Hindi ako sumagot at binuksan ko na lang ang back seat ng kotse. Ipinasok siya ni Pierre at nahiga si Kuya. Sinara ko ang pinto ng back seat at napatingin kay Pierre.
"Kaibigan ka talaga ni Kuya?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Kilala ko talaga lahat ng kaibigan ni Kuya at kahit minsan hindi ko pa siya nakita na pumunta sa bahay namin.
"Narinig mo naman ang sinabi niya," nakangising saad ni Pierre at napasandal siya sa pinto ng kotse.
Mukhang kaibigan nga siya dahil proud na proud pa ang Kuya ko na sinabing kaibigan siya. Hindi rin naman papayag ang Kuya ko na hawakan siya ng lalaking nakaaway niya. Kahit na lasing pa ang Kuya ko.
Napatingin ako sa kamay niya na may dugo. Akala ko talaga dugo ng kapatid ko 'yon kaya inakala ko agad na siya ang nanakit sa Kuya ko.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya napataas ang ulo ko sa blonde hair na binata.
"Inisip mo na ako ang nanakit sa kapatid mo dahil dito?" natatawang tanong niya habang nakataas ang kamao na may dugo.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Masyado niyang nahahalata ang ekspresyon sa mukha ko.
"Napakadaling basahin ng isang babaeng Balenciaga," wika niya pa. "Sinapak ko 'yong kaaway ng kapatid mo kaya may dugo ang kamay ko."
Napatingin agad ako sa kanya. Mali nga talaga ako ng inisip.
"Bakit ba nagpapaliwanag pa ako sa'yo?" inis na tanong nito.
"I'm sorry," nahihiyang sambit ko at naglabas ng isang panyo. "Ipunas mo sa kamay mo."
Tinanggap naman niya agad ang offer kong panyo at pinunas sa puro dugo niyang kamay.
"By the way I am Drizella Genet Balenciaga. Thank you sa pagtulong mo sa Kuya ko."
"I am Pierre Auguste Aceves. Call me Pierre, Miss Mapagbintang."
Awkward na napangiti ako sa kanya. Hindi ko kasi talaga siya kilala siguro bagong kaibigan lang siya ni Kuya.
"Sorry talaga, Pierre—" Naputol ang dapat na sasabihin ko pa nang pumasok sa isip ko ang buong pangalan niya.
Pierre Auguste Aceves... Ang pangalan na usap-usapan sa Escajeda dahil sa pagiging Aceves nito. Hindi lang 'yon dahil kilala siya bilang loko-lokong Aceves. Ganyan siya ka gwapo?
"Pierre Aceves?"
"Yes, I am."