Drizella Genet's POV
Nasa harapan ko lang pala ang kilalang loko-loko sa Escajeda. Kilala ko lang ang pangalan niya at hindi ang mukha kaya laking gulat ko talaga ngayon.
"Sakay na," sambit ko at pinagsawalang bahala ang pag-aalinlangan.
Kaibigan siya ng Kuya ko kaya hindi naman siguro siya magiging loko-loko sa akin. Mukha naman siyang mabait dahil tinulungan niya si Kuya.
"Ako na ang magmamaneho," sambit nito.
Umalis siya sa pagkakasandal sa hilux at inilahad niya ang bukas palad niya sa harapan ko.
"Sumakay ka na," sambit ko sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse. "Hindi ka pwedeng magmaneho dahil nakainom ka."
Pumasok ako sa kotse at sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim at napahawak ng mahigpit sa manibela ng kotse. Narinig ko ang pagbukas ng kotse kaya agad kong ipinasak ang susi.
"Hindi mo gusto ang presensya ko," aniya. "Hindi na ako sasabay."
Lalabas na sana ulit siya ng hawakan ko ang jacket niya. Tumaas ang isang linya ng kanyang kilay.
"What?" he asked.
"Isasabay na kita." Napatingin ako sa back seat kung nasaan ang Kuya ko na mukhang tulog na.
Hindi ko pwedeng hayaan ang kaibigan niya lalo na at ito pa naman ang tumulong sa kanya. Magagalit sa akin ang Kuya ko.
"Nakainom ka na rin kasi..." pahina nang pahina na saad ko.
Binitawan ko ang jacket niya pero magkasalubong pa rin ang tingin namin.
"Isang oras ang layo ng club na 'to sa Escajeda. Sumabay ka na—"
"Sigurado ka?" natatawang tanong niya sa akin. "Magtitiwala ka sa akin? Isasabay mo ako dahil lang sa sinabi ng Kuya mong lasing na kaibigan niya ako?"
Tumango naman agad ako sa kanya.
"Liar."
Naiwang buka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Naiwan din na bukas ang pinto sa gilid niya.
"Alam ko naman na hindi ka nagtitiwala sa akin. Nang marinig mo ang pangalan ko, alam kong iniisip mo na ako ang pinakasiraulong Aceves."
Napatango na naman ako sa kanya. Ayoko ng magsinungaling sa kanya dahil nahuli niya na rin naman ako. Gusto ko lang naman masigurado na walang mangyayari sa Kuya ko.
"Bakit mo pa rin ako pinapasakay sa kotse mo kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan?"
"Para sa Kuya ko," agad na sagot ko sa kanya. "Ayokong magalit ang Kuya ko kapag nalaman niya na hindi ko sinabay sa pag-uwi ang kaibigan niya. Kahit lasing si Kuya, kilala niya pa rin kung sino at hindi niya kaibigan."
Ilang beses ko nang nakita na lasing ang kapatid ko. Ako palagi ang nag-uuwi sa kanya sa tuwing natutuwa siya sa pag-iinom. Ako rin ang nagtatago kila Mommy at Daddy tungkol sa ginagawa ni Kuya dahil ayokog ma-disappoint sila kay Kuya.
Naiintindihan ko rin naman kung bakit siya naglalasing. Ito ang bagay na naglalayo sa kanya sa stress at nagpapasaya.
"Kaya sumabay ka na sa amin, Pierre. Madilim na rin at baka mahirapan ka sa pag-uwi. Nakainom ka rin," sambit ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at sinara niya ang pinto ng kotse. Napangiti ako at kinambyo na ang kotse. Nagmaneho ako paalis sa club.
"Ano nga pala ang nangyari kay Kuya? Bakit siya napaaway?" tanong ko kay Pierre.
Ayokong maging tahimik lang ang sasakyan habang nasa isang oras na byahe kami. Kaibigan siya ng Kuya ko kaya dapat na itrato ko siya na parang kaibigan rin katulad ng iba. Lahat ng kaibigan ng Kuya ko ay parang kaibigan ko na rin. Sa tuwing pumupunta sa bahay ang mga kaibigan ng Kuya ko, palagi silang welcome.
Napalingon ako kay blonde hair at bumalik din agad sa daan ang tingin ko dahil nakatingin pala siya sa akin. Pinapanood niya ang pagmamaneho ko. Hindi ko tuloy mapigilan na tignan siya mula sa gilid ng mata ko at mas maging maingat sa pagmamaneho.
"Kung wala kang gana na sagutin, okay lang. Mukhang pagod ka rin dahil napaaway ka para sa Kuya ko."
Masaya ako na may kaibigan si Kuya na handang mapaaway para lang sa kanya.
"May nabangga ang kapatid mong grupo sa club kaya napaaway siya," sagot niya.
Napatango-tango naman agad ako sa kanya.
"Are you a model?" he raised a question.
"Yes," I answer proudly. "Part time model."
Part time model lang ako dahil ang focus ko ay nasa pag pra-practice para sa darating na pageant ng Escajeda. Gusto kong manalo sa Ms. Escajeda, makasali sa Binibining Pilipinas at manalo. Higit sa lahat ay maging Miss Universe.
"Bakit mo naitanong?" Sinulyapan ko siya nang panandalian.
Mabilis ang takbo ng sasakyan dahil wala naman akong kahit na sinong kasabay. Maluwag ang kalye at malinis.
"Halata lang," sagot nito sa akin.
Matangkad nga ako. Maganda rin ang hubog ng katawan ko kaya siguro niya naisip.
"Ikaw? Anong trabaho mo?" tanong ko sa kanya.
Aceves siya at baka tungkol sa paggawa ng sikat na wine ng mga Aceves ang trabaho niya. Doon naman sila kilala.
"Magpunta sa club at uminom. Makipag-away sa kung sino ang maghahamon."
Bumuka ang labi ko pero walang salita ang naisip kong sasabihin. Isinara ko na lang ulit. Nakalimutan ko agad na siya nga pala ang loko-lokong Aceves.
Mayaman kami at may negosyo rin pero hindi kasing yaman ng mga Aceves na halos kalahati ng Escajeda ay pag-aari nila. Kahit hindi siya magtrabaho siguradong mabibili niya pa rin lahat ng gusto niya dahil Aceves siya.
"Siguradong marami kang oras sa babae," pabirong sambit ko.
"Wala akong babae."
Alam kong may mga pangangailangan ang mga lalaki. Imposible na wala siyang babae. Ang Kuya ko nga, iba-iba ang babae.
"Mukha ba kong babaero, Drizella?"
Lumingon muli ako sa kanya. Maangas ang dating niya lalo na at may ear piercing pa siya. Nakababa ang sabog na buhok pero gwapo pa rin.
"Medyo," tuwirang sagot ko. Humarap ako sa kalye.
Ang gwapong tulad niya parang imposible na hindi mahilig sa babae.
"Wala akong kahilig-hilig sa mga babae," pagpapaliwanag nito sa akin.
Mukhang ang hilig niya lang talaga ay ang uminom nang uminom ng alak hanggang sa malasing.
"Oh, kaibigan mo ang Kuya kong napakababaero kaya akala ko babaero ka na rin," pag-aamin ko sa naisip ko. "Sorry sa naisip ko."
"What about you? You are a part-timer model, so it means you have plenty of time for a guy."
My mouth curved into a smile.
"I don't have a guy." I giggled. "I am a busy person."
I don't have time for a man. I am too young to be in love. At the age of twenty-two, all I want is to pursue my dream to become a Miss Universe.
"That's good."
"Ang alin?" mabilis na tugon ko. "Na busy akong tao?"
"Na wala kang lalaki."