“Anong gusto mong hawakan, Pierre? Ang ubasan? Ang isla? O ang kumpanya sa Maynila? Sabihin mo kung ano at ibibigay ko.”
I ignored my Father's question to me. It’s a new year today, but he asked me that kind of question. Hindi niya muna itanong sa akin kung gusto ko ba na hawakan ang negosyo ng pamilya namin. Nakakasuya.
Kahit ano pang pwesto sa negosyo ang ialok niya sa akin, wala akong gusto kahit isa. Wala akong plano na magtrabaho para sa pamilyang ‘to
“What do you want, Pierre?” he asked again. Nakabibingi na.
I don’t want anything. Ang gusto ko lang ay matahimik ang buhay ko. Manirahan ng ako lang at malayo sa kanila. Ayokong ipagpilitan nila sa akin ang walang kwentang negosyo nila.
“Leave me alone, Dad—“
“Pierre, hindi porket mayaman ka, hindi ka na kikilos para kumita ng pera.”
Salita nang salita ang ama ko pero hindi ko na siya pinakinggan. Ilang beses na niya kong kinompronta tungkol sa negosyo ng pamilya pero ayaw niya pa rin tumigil kahit na pinamumukha ko na sa kanilang lahat na wala akong pakialam.
We are here in Sydney to be happy and celebrate New Year but what the f*ck is this? Hindi niya ba kayang pigilan ang sarili niya na tanungin ako tungkol sa negosyo?
Ni hindi ko nga kinikilala ang sarili ko bilang Aceves. Ayoko ng ganito. Ayokong maging Aceves kung ganito lang. Hindi para sa akin ang pagiging negosyante.
I want something more.
My Father left me alone on the boat deck. I prefer this. Alone, and no one talks to me. I also don't need someone to talk to. Hindi ko kailangan ng tao sa tabi ko na magiging mabait lang at kauusapin ako nang maayos dahil may kailangan sa akin.
But then… In the middle of the our sailing boat, I found something beautiful. I saw a gorgeous girl beside our boat. She gets my full attention. Her smile makes me wonder what the sound of her laugh is. This girl has a perfect pointed nose.
She was leaning against the railing of their ship while smiling in front of the man who’s capturing her smile— I think it’s her brother. Sigurado ako na kapatid lang.
Mukha rin siyang bata pa para magka-boyfriend. Hindi bagay sa kanya na magkaro’n ng ganoon. Sa sobrang ganda niya, walang lalaking bagay sa kanya.
Kapag lumingon sa’kin ‘to hahanapin ko siya. Hahanapin ko lang naman… Kapag nahanap ko na, ‘yon na.
Ang ganda ng ngiti niya. Mestizang babae.
Sige, kapag lumingon ka sa akin, hahanapin kita ay kakaibiganin. Kaibigan lang naman. ‘Yon lang. Pagkatapos, wala na. Last call na. Lumingon ka na!
Wala rin naman akong kagaguhan na gagawin sa kanya. Sa sobrang ganda niya, hindi bagay sa kanya na pinapahamak at pinapasok sa gulo. Dapat sa kanya palaging sineseryoso. Alagaan ko pa siya eh.
Lumingon sa akin ang babae. Natagpuan ko ang sarili ko na parang g*go na nababaliw sa mga abo niyang mga mata. Para kong naging utusan ng mga matang ‘yon! Gusto ko biglang tumalon papunta sa barko nila. Para lapitan siya.
This is so fvcking weird! Mukha talaga akong tanga sa mga naiisip ko.
Wala na. P*ta ang ganda nito. Perpekto ng mukha. Nakakabaliw. Iba talaga kapag nakikilala sa ibang bansa. Tinamaan ako nang husto sa isang babae na nakita ko lang sa barkong katabi namin.
Sinong siraulo ang tatamaan dahil sa isang magandang babae na hindi naman niya kilala? Ako lang yata.
Anong pangalan mo? Gustong-gusto kong malaman ang pangalan niya pero ang hina ko! Hindi ko nakuha! Pumasok siya sa loob ng barko nila ng hindi ko nalalaman ang kahit na ano tungkol sa kanya. Ni hindi nga rin ako kinausap. Parang hindi ako papatulan.
Gusto ko siyang makausap pero wala. Saan pa ko makakahanap ng ganyan kagandang babae? Saang bansa ko makikita ang ganoong mukha? Baliw na baliw ako sa mukha niya. Kung masungit siya baka i-tolerate ko pa.
Sa ganda niya, dapat binibigay sa kanya ang lahat.
“Pierre.”
Hinarap ko ang ama ko na pumasok na naman dito sa deck. Ito na naman siya. Hindi ba pwedeng hayaan niya muna ako? Regalo niya na kahit ngayong bagong taon lang.
“What?” padaskol na tanong ko.
“Let’s eat.” Pagtapos akong pagalitan, yayayain ako bigla kumain.
“Mamaya na ko.” Ayokong umalis dito. Hihintayin ko muna ‘yong magandang babae.
“Pumasok ka sa loob kapag nagutom ka.”
Tumango lang ako sa ama ko at umalis na rin siya agad sa deck. Mabuti naman. Hindi ko masikmura na malapit lang siya sa akin.
Sumandal ako sa barandilya ng barko. Pinagmasdan ko ang kabilang barko na halos kadikit lang namin. Hinihintay ko na lumabas ulit siya para makita ko ang mukha niya.
Sobrang amo ng mukha niya. Turista kaya siya? O taga rito lang din? Kung dito lang siya sa Sydney baka hindi na ko umuwi sa Pilipinas.
Kapag ako naging boyfriend ng babaeng ‘yon, ako na magpapatalo kapag nag-aaway kami. Ako na rin ang mali kahit siya naman talaga ang mali sa aming dalawa. Hahayaan ko siya sa kahit anong gusto niya at magiging sunod-sunuran pa ko sa kanya. Kung gano’ng mukha ang magiging babae ko baka pumayag pa ko na magkanda kuba-kuba sa pagtratrabaho.
“Labas na, honey. Lumabas ka na ulit…”
Mukha akong tanga na paulit-ulit hinihiling na sana lumabas na siya ng barko. Gusto ko lang titigan ang mukha niya. Ang ganda kasi talaga.
Her lips are like a red flower that I want to see again. I want her. Pero paano?
Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Kung anong pangalan niya. O kahit ang edad niya. Ang alam ko lang ay ang mukha niya na nakakaulol.
Normal lang ba na maulol ako sa kanya dahil sa maganda siya? Para akong aso na nauulol ngayon na kailangan ng gamot.
She’s the first girl that I adore.