Drizella Genet’s POV “Ang tita mo ang nagturo sa’yo mag pinta pero ngayon mo na lang ulit ‘yon ginagawa? So, tumigil ka na pala sa pagpipinta?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Bigla na lang akong naging interesado ng husto sa buhay niya kumpara noon naman hindi ako nagtatanong sa kanya. Nasa kanya lang ang tingin ko na sa kalsada ang tingin. Pabalik na kami sa arena. Hindi rin naman kami pwedeng magtagal sa bahay niya dahil may mga bata pa na darating. “Yeah, mas gusto ko ang lumabas ng Escajeda at magwaldas ng pera sa club. Nawalan ako ng dahilan humawak ng bagay na konektado sa pagpipinta. Limang taon na rin yata nang huli akong nagpinta.” Limang taon na pala pero kung magpinta siya ngayon pulidong-pulido talaga. Wala kang mahuhusgang pangit sa gawa niya. “Mabuti naman at pinagpatu