Drizella Genet’s POV “Salamat po, Ate Ganda!” Parang hinahaplos ng batang babae ngayon ang puso ko. Ginulo ko ang buhok niya at umalis na siya sa pila. Sunod kong inabutan ng envelope ay ang batang lalaki naman. “Mag-aaral mabuti hah,” sambit ko. Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat sa akin. Kanina pa kami rito sa Arena para sa pamimigay ng school supplies sa buong kabataan ng Escajeda. Hindi ko man lang maramdaman ang pagod ko. “Wala na bang ibang bata?” tanong ko kay Aljin na na patapos na rin sa pamimigay ng mga uniporme ng mga bata at si Geriane ay sa mga pagkain. Nakaalalay naman sa akin si Kuya at si Pierre. Sila Dexter, Marlo at Marky ay kina Aljin at Geriane naman. “Baka mamaya. Oras na rin kasi nang pananghalian,” sagot ni Aljin. Tama siya. Alas-dose na rin ng tanghali. H