Drizella Genet’s POV “Kuya, bumangon ka na diyan.” Niyugyog ko ang kapatid ko na lasing na lasing na naman. Tapos na kong maligo lahat-lahat pero siya tulog pa rin. Alam na aalis kami ngayong araw pero uminom pa rin talaga. “Kuya, mahuhuli tayo sa flight natin ngayon.” Pero wala pa rin talaga. Ayaw niya pa rin bumangon. Napaupo ako sa gilid ng kama ni Kuya at napatingin kay Pierre na nakasandal sa gilid ng pintuan ni Kuya. Suot niya ang pantalon at putting t-shirt na pinatungan ng lether jacket. “Mauna na tayo,” sambit ni Pierre. “Tulog pa rin ang tatlo sa guess room pero ang maleta nila handa ng umalis.” Ayokong nasisira ang plano at oras ng alis naming. Napatayo ako sa kama at tumango. Mukhang wala kaming ibang gagawin kundi ang mauna na lang sa pag-alis. Pwede n