Drizella Genet’s POV Naglakad kami papasok ng isang five start hotel habang parehas kaming nakahawak ni Pierre sa kanya-kanya naming bagahe. “Maupo ka muna.” Napatingin ako sa lobby hall ng hotel. Tumango ako sa kanya at naupo sa pang-isahang sofa ng lobby. Masakit ang ulo ko dahil sa jet lag. Kailangan ko nang magpahinga dahil hindi naman ako nakapagpahinga sa eroplano. Nag-usap kami nang nag-usap ni Pierre sa eroplano. Pinag-krus ko ang hita ko habang sinunsundan si Pierre na maglakad hila-hila ang maleta niya papunta sa front desk. Nawala lang ang tingin ko kay Pierre dahil sa isang banyaga na humarang sa paningin ko kay Pierre. “Hello,” bati nito sa akin. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko para hind imaging bastos sa kulay berdeng mga mata ng banyaga. "Hello, how may I help