Drizella Genet’s POV “Isama niyo na ako o kahit isa sa mga lalaki rito.” Hindi ko pinansin si Pierre na kanina pa ungot nang ungot sa akin. Gusto niyang sumama sa lakad naming magkakaibigan. “Magbibihis na ako. Sasama ako sa’yo—” “Huwag na,” putol ko sa kanya at hinarap siya habang tumatama ang pwetan ko sa vanity table ko. “Maiinip ka lang doon. Salon ang pupuntahan namin. Magpapagupit lang kami saglit tapos uuwi na rin kami agad. Last day na rin ng mga kaibigan ko rito sa bahay kaya hayaan mo na kami.” Mamayang gabi, aalis na rin ang mga kaibigan ko pabalik sa probinsya ng Escajeda kung saan matayog ang mga puno ng ubas at ang mga burol. “Bakit hindi na lang kayo mag pa home service? Pupuntahan ko ‘yang salon para dalhin sila rito.” Ayaw niya talagang pumaya