Drizella Genet’s POV Mabilis akong napabalikwas sa kinahihigan ko ng makamalay ako. Pinagmasdan ko ang paligid ko. Hindi ko alam kung nasaan ako pero sa tingin ko kwarto ni Pierre ‘to. May portrait niya sa taas ng kama. Dali-dali akong tumayo sa kama at sinuot ang sapatos ko. Hindi pwede. Hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to. Si Mrs. Lady Aceves! Kinuha niya ako! Si Pierre? Baka nag-aalala na siya sa akin? “Oh, bakit nagmamadali ka?” Mabilis akong tumayo sa kama kahit hindi ko pa naaayos ang sapatos ko. Napaharap ako kay Lady Aceves na nakangiti na naman sa akin. Mas lalo akong hindi na niniwala sa ngiti niya dahil ganyan din siya kanina. Sobrang gaan ng pakikitungo niya sa akin pero pinadakip niya pa rin ako. Napatingin ako sa relo sa bisig ko. Sampung oras na ang naka