Drizella Genet’s POV “Hindi talaga nila ako titigilan hangga’t hindi ko sila hinaharap?!” Nagtago agad ako sa likod ng pintuan at hindi tinulok ang paglabas ng kabahayan. Sinilip ko ang magkakaibigan na patagong naninigarilyo sa likod ng bahay. “Pierre, baka kailangan mo na silang kausapin,” saad ni Kuya. Hindi ko alam kung sino ang pinaguusapan nila pero sigurado naman ako na may koneksyon ito sa nangyari kagabi. “Baka kapag pinuntahan ko sila at kinausap, hindi sila matuwa,” malamig na saad ni Pierre. Humithit siya sa sigarilyo niya habang nag-iigting ang panga sa inis. Nagising ako na wala na siya sa tabi ko kaya hinanap ko agad siya. Dito ko lang pala siya makikita at naninigarilyo pa. “Kapag hindi ako pinatahimik niyan, hindi talaga nila magugustuhan. Pa