Episode 05

2025 Words
Drizella Genet's POV   Hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko noong panahon na dapat kilala ko si Pierre. Ito ang iniisip ko, pag gising na pag gising ko pa lang.   Hindi ko naman na dapat pa pinoproblema 'to dahil kilala na namin ang isa't isa. Ewan ko ba.   "Naglilinis ka na naman ng kuko mo?" natatawang saad ni Daddy na napadaan sa harap ko.   "Saturday, Dad," sambit ko habang nakatingin sa paa ko na nililinisan ko.   Tuwing Saturday, naglilinis ako ng kuko at nagpapalit ng cuticle. Ayaw ko naman na ipagawa ito sa iba dahil sensitive ang kuko ko at ang ingrown ko.   "I know," natatawang sambit ni Daddy na natunugan ko na paakyat sa hagdan.   Hindi talaga ako mapakali na hindi pinapalitan ang kulay ng kuko ko tuwing Sabado. Gusto ko rin na palaging palinis ang bawat sulok ng kuko ko. Kaya nga nag-aral ako tungkol sa paglilinis ng kuko.   "Lalabas muna ako, Drizella."   Napataas ang tingin ko kay Kuya Damien na bihis na bihis. Nabitawan ko agad ang nipper at napatayo mula sa carpet.   "Saan ka na naman pupunta, Kuya?" mahinang tanong ko.   Baka mamaya marinig ako nila Mommy at Daddy. Hindi kasi nila alam na madalas si Kuya sa club. Ang alam lang nila nag c-club lang ito kapag may event.   "Club," maikling tugon nito.   Mabilis akong napatakbo sa kanya at hinawakan ang braso niya bago pa siya makaalis.   "Hindi ka ng pwedeng umalis," paalala ko sa kanya. "Nandito sila Mama. Malapit na rin tayong mag hapunan. Siguradong hahanapin ka nila."   Ala-sais na ng gabi. Siguradong bababa na ulit sila Mommy.   "Ikaw na lang ang bahala na magpaliwanag kung nasaan ako." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko kay Kuya.   "Stay here," pakiusap ko sa kanya.   Hindi ko na alam kung ano pa bang idadahilan ko sa mga magulang namin. Palagi ko siyang pinagtatakpan at nauubusan na rin ako ng dahilan.   Kapag nahuli pa ako ng mga magulang namin sa ginagaw ko, siguradong ako naman ang lagot.   "Drizella, please," pakiusap niya rin sa akin pabalik.   Talo ako. Hindi ko siya kayang tiisin kapag siya na ang nakikiusap.   "Okay..." mahinang saad ko at pinakawalan ang braso niya. "Stay safe. Ingat ka sa byahe at huwag ka na makikipag-away."   Nag-aalala ako kapag nakikipag-away na siya. Isang oras pa naman ang byahe mula sa bahay namin papunta sa club.   "Thank you, Miss Universe!" tuwang-tuwang na saad ni Kuya at hinalikan ang noo ko.   Kasiyahan niya 'yon. Masyado kong mahal ang kapatid ko kaya kahit na nahihirapan na akong mag-isip ng idadahilan ko, pagbibigyan ko pa rin siya.   "Sige na. Umalis ka na bago ka pa maabutan nila Mommy—"   "Watzup, Balenciaga!"   Napatingin ako sa mga kaibigan ni Kuya na nagsisimigaw papasok. Feel at home talaga.   "Hey," saad ko sa kanila at sinenyasan na tumahimik. "Nasa taas lang sila Mommy. Nandito na sila ulit."   Sabay-sabay na napatakip sa bibig ang tatlo. Si Dextex, Marky at Marlo. Sila lang naman ang sobrang dalas na pumunta sa bahay lalo na kapag wala ang parents namin.   "Walang sinabi si Pierre na nakabalik na pala si Tita."   Napatingin ako kay Pierre na nasa suot ko na naman ang tingin. Hindi lang pala sa suot ko kundi sa balakang ko.   "Anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni Kuya. "Sa club tayo magkikita-kita hah."   Sabay-sabay naman na itinaas ng tatlo maliban kay Pierre ang hawak nilang tig-dadalawang supot. Narinig ko ang pagtunugan kaya sigurado ako na alak na naman.   "Dito na lang daw tayo uminom sabi ni Pierre eh," saad ni Marky.   Napangiti ako kay Pierre. Save by the bell! Mas okay 'yon kaysa ang uminom sila sa club dahil delikado.   "Pierre, alam mong nandito na ang parents namin," kunot noong saad ni Kuya.   Hinawakan ko naman agad sa braso si Kuya.   "Ako na ang bahala," nakangiting sambit ko. "Ako na lang ang magpapaliwanag kay Mommy at Daddy. Mas okay na rin 'yon na nasa bahay lang kayo nag iinuman. Knowing all of you, masyado kayong malakas ang tama kapag lasing na lasing. Siguradong mapapaaway at mapapaaway na naman kayo. Hindi niyo na rin kailangan na lumabas ng Escajeda at bumyahe ng malayo. Nandiyan ang roof deck at pwede kayo roon."   Maluwag ang roof deck namin at para talaga siya sa mga simple gathering ng pamilya.   "Yow!" masayang sigaw ni Marlo.   "Thank you, Miss Universe!" si Dexter.   Ngumiti ako sa kanilang apat lalo na kay Pierre. Ang ganda ng idea niya.   "Ilagay niyo na muna 'yang mga drinks niyo sa ref. Sumabay na rin kayo maghapunan sa amin. Mas maganda na maghapunan kayo bago uminom."   Nagtanguan silang tatlo sa akin maliban na naman kay Pierre na nakangising tingin lang sa akin. Lumapit si Pierre sa kuya ko at inabot niya ang supot na bitbit.   Walang sabi-sabi naman na umalis si Kuya kasama ang tatlo niyang kaibigan. Naiwan kaming dalawa ni Pierre.   "Mabuti naman at naisipan mo na rito na lang sa bahay namin uminom," nakangiting sambit ko.   Alam ko na hilig niya ang malakas na tugtog ng club at maingay na napakaraming tao pero hindi ko lubos akalain na siya pa. Siya pa talaga ang mag su-suggest na rito sa bahay namin mag inuman.   "Maganda ang ambiance ng bahay niyo," pagdadahilan niya.   Tumango na lang ako sa dahilan niya at tatalikod na sana ng hawakan niya ang siko ko.   Bumaba ang tingin ko sa braso niya papunta sa kamay niyang sinakop ang maliit kong siko.   "Drizella..." he called my name in a very husky voice.   I feel a shiver on my body with that. Pierre is too soft for that. A bad boy in the club giving me husky voice vibes makes me tremble.   "What?" I asked with my weak voice.   "Nothing."   Bigla niyang pinakawalan ang hawak niyang siko ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at kagat-kagat ang labi.   Nakita ko sa mata niya kanina na may gusto siyang sabihin sa akin. Naduduwag din pala na magtanong ang isang loko-loko ng mga Aceves. Good to know.   "Manang," tawag ko sa dumaan na kasam-bahay namin. "Paki-ayos naman po ng mga lamesa sa roof deck at upuan. Doon po kasi sila Kuya tatambay mamaya," nakangiting sambit ko.   "Sige po, Ma'am Drizella." Nag-iwas sa akin ng ngiti ang kasam-bahay bago ito umalis sa living room.   Muli akong humarap kay Pierre at nagsalubong agad ang mga mata namin. Nasa akin na ulit ang nag-iwas niyang tingin kanina.   "Sige na. Pumunta ka na sa mga kaibigan mo," nakangiting saad ko sa kanya.   'Yon naman talaga ang pinunta niya rito. Ang mga kaibigan niya at si Kuya.   "Gusto kong makita ang roof deck," aniya.   "Makikita mo mamaya kapag umakyat kayo nila Kuya—"   "Gusto ko ngayon," aniya.   Napatingin naman ako sa gawi ng kusina kung saan ko naririnig ang tawanan nila Kuya na parang wala ng bukas.   "Oh, sige. Puntahan mo sila sa kusina tapos sabihin mo para makaakyat na kayo—"   "Samahan mo ako."   Napaturo ako sa sarili ko. Hindi naman ako ang pinunta niya rito pero ang lumalabas ngayon parang ako ang binibisita niya.   Kailangan ko pang tapusin ang paglilinis ng kuko ko pero ayoko naman na hindi samahan ang kaibigan ng Kuya ko. Bisita siya at para ko na rin siyang naging kaibigan.   May mga kaibigan akong babae pero pagdating sa mga kaibigan ng Kuya ko, parang nagiging kaibigan ko na rin ang mga 'to.   "Sige, sasamahan kita," sambit ko at lumapit sa center table ng living room kung saan nagkalat ang mga gamit ko panlinis ng kuko.   Isa-isa ko itong sinilid ng maayos sa transparent box. Napatingin naman ako kay Pierre ng bigla itong lumuhod sa tapat ng center table at tinulungan ako.   Napatulala ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Marunong pala siyang magligpit huh.   "Let's go."   Natauhan ako ng marinig ko ang pagsara nng transparent box ko. Sabay kaming napatayo ni Pierre mula sa pagkakaluhod sa tapat ng center table.   "Sige," sambit ko at naglakad kami paakyat sa hagdanan ng bahay.   Iniwan ko lang ang transparent box ko sa living area.   "Makikita mo rin naman ang roof deck mamaya—"   "Gusto ko na ngayon," mabilis na sagot niya sa akin.   Pagkarating sa ikalawang palapag, lumiko agad ako kasabay siya. Nadaanan namin ang saradong kwarto ni Mommy at Daddy.   "Sa fourth floor pa 'yon," paalala ko sa kanya at umapak sa panibagong hagdan papunta sa ikatlong palapag kung nasaan naman ang kwarto ko at ni Kuya.   Mukha naman wala siyang balak na mag reklamo dahil tahimik lang siya.   "Gusto kong magbanyo," biglang saad niya pagkarating namin sa ikatlong palapag.   Napakamot ako sa ulo ko. Siya yata ang kakaiba sa lahat ng bisita ni Kuya. Nagsabi kung kailan nasa ikatlong palapag na kami.   "Uh, dito ka na lang sa banyo ng kwarto ko," saad ko dahil ayoko ng bumaba na naman sa unang palapag.   Binuksan ko ang unang pinto na malapit sa hagdan. Nilakihan ko ang bukas nito at naunang pumasok sa kanya.   "'Yon ang banyo." Turo ko sa transparent na sliding door na nagiging tinted kapag ni-lock sa loob. "I-lock mo ang pinto," paalala ko sa kanya at naupo sa gilid ng kama ko.   Tumango naman siya sa akin at pumasok na sa banyo. Napatingin ako sa paa ko na hindi pantay ang kulay. Ang apat kong daliri sa kanang paa ay may cutics. Ang kaliwang paa ko naman ay wala pero malinis na.   Malalim akong bumuntong hininga at napating sa pinto ng banyo ko. Natunugan ko na lalabas siya.   ""I like your room," he said.   Naglakbay ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko na halos puro kulay puti at wooden ang ginamit.   "Maliwanag," aniya pa.   Hindi siya nauubusan ng pupurihin sa mga nakikita niya tungkol sa akin. Maliban na lang pagdating sa pagkain na parang may malaki akong kasalanan sa kanya.   "Ayoko sa madilim at masyadong makulay. Masakit sa mata," sagot ko sa kanya.   Kaya nga ni minsan hindi ko naisipan na pumasok sa club. Nasa pinto pa lang ako ng club, napapaatras na agad ako.   Napatango siya at humakbang siya ng walang katunog-tunog papunta sa dingding sa tapat ng kama ko. Nakalagay roon lahat ng picture namin na polaroid ng mga kaibigan ko, kuya ko, parents namin at ako.   Tumayo ako at pinagmasdan ang kamay niyang hinaplos ang isang larawan. Kabisado ko ang mga larawan sa pader ko kaya kahit malayo ako, alam ko kung anong picture ito.   "Masyado kang masaya rito."   Lumapit ako sa kanya at tumayo sa tabi niya.   "Noong new year 'yan," masayang saad ko. "Dapat lang talaga na maging masaya lalo na at sasalubong ako sa bagong taon."   Tumango siya at kinuha naman sa pagkakaipit ang isa pang polaroid picture ko.   "Too hot," he whispered.   Hindi ako nahihiya kung nakita niya man ang bikini photo ko.   "Thank you—"   Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung paano niya titigan ang polaroid picture ko na hawak niya. Ang bikini photo ko na nakadapa ako sa isang puting tela na nakapatong sa buhangin.   Ano mang oras parang matutunaw na ang larawan ko dahil sa klase ng titig niya na parang kinakabisado ang larawan ko.   "Pierre?"   Mabilis niyang ibinalik ang polaroid picture ko sa pagkakaipit sa clip wood.   "Kailan ka ba naging pangit?" tanong niya.   Napataas ang dalawang kilay ko sa kanya dahil ang seryoso ng tanong niya sa akin. Wala akong makita na pagbibiro sa mga mata niya.   "Anong tanong 'yan?" natatawang wika ko.   Ilang beses na akong nakaharap sa mahihirap na tanong dahil sumasali na ako noon pa lang sa mga beauty contest. Pero ang tanong niyang 'to ang pinakamahirap na natanggap ko.   "Kahit sa mga stolen picture mo, maganda ka. Kahat na magulo ang buhok mo, maganda ka." Nakatingin siya sa nakatali kong buhok na magulo ngayon.   Sinalubong niya ang tingin ko.   That teak wood eyes owned by a blonde hair man is so mesmerizing. He is the most beautiful eyes I ever saw.   "Siguro kung sino man ang babaeng nasabihan at sasabihan mo pa lang... Lalaki na ang ulo," pagbibiro ko at mahinang natawa. "Galing ba naman sa isang gwapong Aceves—"   "Ikaw lang ang sinabihan ko na maganda. Ikaw lang naman ang maganda sa paningin ko."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD