Drizella Genet's POV
"Manang, paki gising na po si Kuya," wika ko sa kasam-bahay namin na inaayos ang mga niluluto ko. "Patapos na rin po ako e."
Kinuha ko gamit ang spatula ang isa pang hot dog na piniprito ko at inilagay sa pinggan. Pinatay ko ang stove at inalis na ang apron na nakasukbit sa leeg ko.
"Sige po, ma'am. Ilagay ko lang ho lahat ito sa hapag-kainan—"
"Good morning, Miss Universe!"
Napatingin ako sa nakasilip sa kusina. Si Kuya Damien.
"Good morning," masayang bati ko.
Hindi na pumasok si Kuya sa kusina at sigurado ako na dumiretso na agad 'yon sa dining room. Sumunod na rin ako sa kanya dahil kanina pa ako natatakam sa niluto ko.
"Ngayon ang uwi nila, Mommy?" tanong sa akin ng kapatid ko pagpasok na pagpasok ko sa dining room.
Nakita kong nakaupo siya sa kabisera kaya naupo ako sa unang silya sa kanan.
"Yup!" sagot ko.
Wala talagang alam si Kuya kahit tungkol sa mga magulang namin. Mas gusto niya na ubusin ang oras niya sa pag-inom ng alak o kaya naman ay pagsusugal sa Arena namin. Arena kung saan ang karera ng mga kabayo sa Escajeda na dinadayo ng lahat.
"Darating na sila, Kuya, kaya sana naman mag behave ka na muna," pagpapaalala ko sa kapatid ko.
Mahirap pagtakpan ang mga kalokohan niya kapag narito na ang mga magulang namin sa bahay.
"Yeah! Yeah!" natatawang saad nito sa akin.
Inabot ko sa kanya ang fried rice at pinauna na siyang kumuha.
"Ang bango! Masyadong talented ang Miss Universe namin," pagpuri sa akin ni Kuya.
"Binobola mo lang ako!" bulyaw ko sa kapatid ko at humuha ng dalawang hot dog para sa pinggan ko. "Gusto mo lang naman na ako ang araw-araw na magluto ng breakfast para sa ating dalawa."
Ito ang araw-araw naming breakfast.Fried rice, egg and hot dog. Wala siyang kasawa-sawa na ito ang inaalmusal. Hindi rin naman siya palagi nag-aalmusal dahil kapag lasing siya, madalas na tanghali na siya kung magising.
"Nope! Masarap talaga ang luto mo," nakangiting saad ni Kuya at ginulo pa ang buhok ko. "Anyway, may practice ka ba ngayon?"
Tumango agad ako sa kanya at kumuha ako ng kanin para sa akin. Konti lang ang kinuha kong kanin dahil hindi ko rin naman mauubos.
"Kailangan kong mag practice nang mag practice dahil hindi naman basta-basta ang sasalihan ko. Magagaling din ang mga kalaban ko roon."
Sasali ako sa darating na Ms. Escajeda. Gusto kong manalo bilang Ms. Escajeda para ako ang ilaban sa Binibing Pilipinas.
"Magaling ka rin naman. Maganda ka, sexy ka at matalino pa! Hindi lang 'yon at mabait ka pa," puri sa akin ni Kuya na punong-puno na ang bibig sa kinakain niya.
Napailing na lang ako dahil parang mas matanda pa ako sa kapatid ko.
"Sir Damien, nandito po ang kaibigan niyo," biglang saad ng kasam-bahay namin.
Nagsalubong agad ang kilay ni Kuya habang nakalobo ang magkabilang pisngi dahil sa pagkain.
"Kaibigan?" tanong nito na muntik ng hindi maintindihan. "Wala akong pinapapuntang kaibigan—"
"Ako na lang ang titingin. Kumain ka na lang para hindi ka mabitin," natatawang saad ko sa matakaw kong kapatid.
Tumayo ako sa silya ko at sinamahan ang kasam-bahay namin na palabas ng dining room. Hindi na ako naiilang na magpakita sa mga kaibigan ng kuya ko kahit na naka-crop top na spaghetti top at cotton short lang ako sa bahay namin.
Hindi naman bastos ang mga kaibigan ng Kuya ko at confident ako sa suot ko na walang nakakabastos.
"Oh..." Naiwang bukas ang labi ko nang makita ko sa sala ang isang lalaking may hawak-hawak na helmet habang pinagmamasdan ang malaking portrait picture ko.
Nakilala ko agad ito kaya agad kong itinago ang pag kagulat bago pa ako lingunin ni Pierre.
You're so pretty, especially with this picture," muttered and gave a peek again at my portrait.
A portrait of me that I am wearing a black satin cowl ruched mini dress while I am holding my toga uniform. That's my one of graduation pictures.
"Indeed, an actual gorgeous woman."
"Thank you for the compliment, Pierre."
Humakbang ako palapit sa kanya. Bumuka muli ang labi niya at may sasabihin sana ng mapatingin siya sa suot ko. Sa mismong bewang ko na nakalitaw dahil sa crop top ko.
"Oh curve!" Sinalubong niya ang tingin ko. "Kahinaan ko 'yan."
Napailing na lang ako sa kanya. Hindi raw siya mahilig sa babae pero sa sinasabi niya mukha siyang babaero sa club na naghihintay na may lumapit na manok para tukain niya.
"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan. "Nasa dining room si Kuya. Sumabay ka na sa amin."
Tumalikod ako sa kanya at narinig ko naman ang pagsunod niya. Hindi niya hilig ang pumunta sa bahay ng kaibigan niya pero ngayon nasa bahay na naman namin siya.
"Kuya, si Pierre," sambit ko pagpasok na pagpasok ko.
Nasamid naman si Kuya kaya agad kong inabot sa kanya ang isang apple juice. Bumalik ako sa silya ko.
"Si Pierre?!" gulat na tanong ni Kuya matapos makabawi sa pagkakasamid.
"Oo," tumatangong sagot ko at napatingin sa kakapasok lang na si Pierre.
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kuya ng makita niya ang kaibigan niya. Mukhang hindi niya inaasahan niya.
"Yow, Pre..." nag-aalangan na saad ni Kuya. "Anong mayroon?"
Naupo si Pierre sa katabi kong silya, "Wala akong magawa sa bahay kaya pinuntahan kita. Ikaw ang pinakamalapit," dahilan ni Pierre.
Umarko ang kilay ni Kuya sa sagot ng kaibigan. Kinuha ko ang isang basong lemon juice at napasimsim.
"Hah? 'Di ba si Dexter ang malapit sa bahay mo?" nagtatakang tanong ni Kuya.
"Wala, tulog pa," sagot ni Pierre na si Dexter ang tinutukoy.
"Ito pa po ang isang pinggan," saad ng kasam-bahay namin na inilapag ang pinggan sa tapat ni Pierre.
"Salamat, Manang," nakangiting saad ko. Tumingin ako kay Pierre. "Kumain ka na."
"Patapos na pala kayo," bigkas ni Pierre na nakatingin sa pinggan ko.
Tumingin din ako sa pinggan ko na hindi ko pa naman nagagalaw kahit isang subo.
"Ah, hindi pa. Magsisimula pa nga lang akong kumain—"
"Hindi mo pa nagagalaw 'yang pagkain mo sa lagay nan 'yan?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Oo—"
"'Yan lang ang kakainin mo? Hot dog tapos tatlong kutsarang kanin?" gulat na gulat na tanong niya sa akin. "Mas marami pa 'yong ketchup na nilagay mo kumpara sa kanin mo."
Laglag ang panga ko sa kanya dahil parang may nagawa akong mali. Hindi lang naman talaga ako sanay na kumakain ng marami sa umaga. Isa pa, may katawan akong dapat na alagaan. Model ako.
"Hayaan mo siya," singit ni Kuya. "Ganyan talaga siya kumain. Masasanay ka rin kung dito ka kakain sa bahay namin palagi."
"Kung nasa bahay kita, hindi ako papayag na ganyan lang ka konti ang kinakain mo," iritadong saad nito.
Hindi ko na lang pinansin ang boses niya na parang galit sa akin. Kinuha ko ang kanin at nilagyan ang pinggan niya.
"Kumain ka na lang," kalmadong saad ko.
Hindi ko na siya narinig muli na nagsalita kaya nagsimula na akong alisin ang balat ng hot dog. Ayoko ng balat ng hot dog kaya palagi kong inaalis.
"What are you doing?" walang katapusan na tanong ni Pierre.
Akala ko na nanahimik na siya pero hindi pa rin pala. Hindi niya kasi ako kilala at ngayon ko lang siya nakasabay na kumain kumpara sa iba pang kaibigan ni Kuya.
"Binabalatan ang hot dog," sagot ko naman. Nasa hot dog lang ang tingin ko.
"I know," matigas na saad nito.
Maikli ang pasensya niya base sa observation ko.
"Hindi niya kinakain ang balat ng hot dog," wika ni Kuya.
Inilalagay ko naman lahat sa gilid ang balat ng hot dog ko. Bata pa lang ako, hindi ko na talaga type ang balat ng hot dog.
"Tsk," singhal ng katabi ko at kinuha ang hot dog papunta sa pinggan niya. "Pihikan ka masyado sa pagkain."
At ikaw, maikli naman ang pasensya mo. Ang dami mo pang napapansin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya 'yon pero ayokong bastusin ang kaibigan ng Kuya ko. Ganoon lang siguro talaga ang ugali niya. Aceves eh.
"Mas pihikan 'yan noon," mangangatyaw pa ni Kuya. "Kaya mas patpatin 'yan ng bata siya e—"
"Kuya naman," nang hihinayang na saad ko.
Ayokong balikan pa ang dati kong katawan. Hindi ko gusto kasi dahil doon kaya ako inaasar noong elementary ako.
"Sorry, Miss Universe," nakangiting sambit sa akin ni Kuya at pinisil ang pisngi ko.
Kumain na ako matapos kong balatan lahat ang hot dog sa pinggan ko. Mukha man na maikli ang pasensya ng Aceves na loko-loko, wala naman siyanag arte sa pagkain. Kinakain niya kasi 'yong balat ng hot dog na kinuha niya sa pinggan ko.
"Magpupunta na naman ba kayo sa club?" tanong ko.
Nandito si Pierre kaya posible na pumunta na naman sila roon.
"Oo—"
"Hindi, Drizella," putol ni Pierre sa sagot ni Kuya.
Nalilito akong napatingin sa dalawa. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ng Kuya ko na gulat na gulat at kay Pierre naman na normal na pinagpatuloy lang ang pagkain niya.
"Are you serious?!"
Napailing na naman ako sa kawalan dahil sa biglang pagsigaw ni Kuya.
"Oo," blangkong sagot ni Pierre.
"Ikaw? Ayaw mong pumunta ng club? Anong mayroon? Putragis! Nagbabagong buhay ka ba?" tanong pa ni Kuya.
"Mas okay na 'yon," sang-ayos ko sa gusto ni Pierre. "Umiwas ka na rin muna sa pagpunta mo sa club, Kuya. Darating na sila Mommy, tandaan mo. Maging mabuting nilalang ka muna."
"Yeah," labas sa ilong na sagot niya.
Narinig ko naman ang sunod-sunod na tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay namin.
"Speaking of..."
Tumayo na agad ako sa silya ko at nagmamadali na lumabas ng dining area. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil alam kong sila Daddy at Mommy na 'yon.
"Mommy! Daddy!"
Sinalubong ko agad sila sa pinto pala ng bahay. Isang mahigpit at mainit na yakap mula sa mga magulang ko.
"Miss na miss mo kami masyado hah," natatawang wika ni Daddy Duncan.
"Kumusta kayo rito?" tanong naman ni Mommy Rizelle.
Humiwalay ako sa kanilang dalawa pero hawak nila ang tig-isang kamay ko.
"Okay na okay naman po kami ni Kuya, Mom. Inaalagaan ko rin po ang Kuya."
"Mabuti naman," nakangiting saad ni Daddy at napatingin sa mga tauhan niyang ipinapasok ang mga gamit nila. "Idiretso niyo na 'yan ssa kwarto naming mag-asawa," utos ng Daddy.
"Mom, Dad, may pasalubong po ba ako?" masayang tanong ko.
Ito ang pinakagusto ko sa lahat kapag nag tra-travel sila. Ang pasalubong.
"Of course, Miss Universe namin," nakangiting saad ni Daddy at hinalikan ang noo ko.
"Oh, Pierre, Iho! Mabuti naman at nagawi ka sa bahay namin!"
Napatingin ako kay Mama na nakatingin sa likod ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita k si Pierre at Kuya na nakatayo.
"Welcome back, Tito Duncan and Tita Rizelle." Tumaas ang sulok ng labi ni Pierre.
"Magkakilala kayo?" tanong ko sa mga magulang ko at kay Pierre.
Never naman na nagawi si Pierre sa bahay namin noon. Hindi ko nakikita na nakasalamuha nila Mommy si Pierre.
"Anak siya ng Aceves kaya kilala namin siya," nakangiting saad ni Mommy at lumapit siya sa dalawa.
Hinalikan niya sa pisngi si Kuya at si Pierre na parang sobrang close nila.
"At kaibigan din siya ng Kuya mo," masayang saad ni Mommy at kinawit ang braso niya sa braso ni Pierre.
Hindi ako na inform sa bagay na 'yon. Sa nakikita ko, hindi lang din basta magkakilala si Mommy at Pierre dahil mukhang malapit sila. Kung makakapit si Mommy kay Pierre parang anak niya na rin ito.
"So, ako lang pala rito ang kakikilala pa lang kay Pierre? Nitong nakaraang araw niya lang din ako nakilala. May event ba akong nalagpasan?" naguguluhang tanong ko.
Alam ko naman na hindi na importante kung kailan kami nagkakilala ni Pierre pero nagtataka lang ako. Ako ang mas madalas na makasama ni Kuya kumpara sa parents namin.
"Kilala na kita, Drizella, bago mo pa ako nakilala."