Episode 06

2009 Words
Drizella Genet's POV   "Mabuti naman at dito niya naisipan na mag dinner," nakangiting sambit ni Mommy sa mga kaibigan ni Kuya. "Masaya ang lamesa kapag mas marami ang kumakain rito."   Kung ituring ng parents namin ang mga kaibigan namin ni Kuya parang mga anak na rin nila. Ganoon ka welcome sila Mommy at Daddy basta huwag lang gagawa ng kalokohan na ikakagalit nila   "Mom, mag iinuman po sila sa taas for celebrating kaya po sila nagawi rito," nakangiting saad ko at napasubo sa dinner ko.   Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Mommy sa kaliwa ko. Nginuya ko ang pagkain ko at napatingin sa mga kaibigan ni Kuya na nakapwesto naman ng hilera sa harapan ko.   "Oh, ganoon ba," si Mommy. "Kung kulang pa ang drinks niyo, sabihan niyo lang ang kasam-bahay para mabilhan pa kayo."   Sabay-sabay na may mga ngiting loko ang magkakaibigan. Hindi ko man tignan ang nasa kanan ko, alam kong nakangiti rin si Kuya.   "Saan ba kayo mag-iinuman, boys?" tanong naman ni Daddy.   Ganyan sila. Maluwag sila sa amin ni Kuya sa kung ano man ang gusto naming gawin. Palagi nila kaming pinagbibigyan sa lahat.   "Sa roof deck, Dad," sagot ni Kuya.   Tumango naman si Daddy. Kung alam lang nila Daddy na halos araw-araw na laman ng club si Kuya kapag wala sila, ewan ko na lang. Madalas pa na mapasali sa away ang Kuya ko roon.   Kung alam lang nila Daddy 'yon baka hindi na sila ganito kaluwag sa amin.   "Maiba ako," biglang saad ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya na nasa kabisera. "Kinausap ako ng kumpare ko, Drizella. May two VIP ticket ang anak niya sa Runway sa Paris. Niyayaya ka ng anak niya."   "Talaga po?!" masayang tanong ko. "Sige po. Next-next week na 'yon hah."   Matagal ko ng gusto na manood ng Runway at makaupo sa front row per hindi ako nagkakaroon ng pag-asa.   "Aayusin ko na po ang passport ko, Daddy," masayang saad ko.   Dream come true na 'to. Isa sa mga pangarap ko 'to.   "Lalaki ba ang anak ng kumpare niyo?"   Dahan-dahan na nawala ang ngiti ko dahil sa biglang pagsasalita ni Pierre. Nasamid naman ang katabi niya na si Dexter dahil sa tanong niya.   "Hoy!" sigaw ni Marky kay Pierre na nakatingin sa Daddy ko. "Bakit mo tinatanong 'yan? Mas mahigpit ka pa sa kapatid ni Drizella hah."   Hindi ko maalis ang tingin ko kay Pierre dahil sa tanong na binigay niya. Hindi niya rin sinagot ang sinabi ng kaibigan niyang si Marky. Nakatitig lang siya kay Daddy.   "Lalaki nga," sagot ni Daddy kay Pierre.   Walang ingay na binitawan ni Pierre ang kutsara at tinidor niya. Sumandal siya sa silya at tumaas ang sulok ng labi sa akin.   "May access din ako sa front row ng runway," wika niya.   Tumango ako sa sinabi niya. Hindi na nakakagulat 'yon lalo na sa kanya na Aceves. Lahat kayang makuha dahil sa yaman nila na hindi napapantayan basta-basta.   Ibinaba ko ang tingin ko sa pagkain ko at sumubo muli.   "Ako ang sasama sa'yo kung gusto mong manood ng runway sa France."   Napatigil ako sa pag nguya at mabilis na uminom ng tubig. Umalos ang tubig at kanin sa lalamunan ko. Natahimik ang buong hapag dahil kay Pierre.   "Tito, iniimbita ko ang anak niyo sa France," mahinahon at puno ng galang na sambit niya sa Daddy ko.   Unbelievable. Kaya pala niya sinabi na may access din siya kasi gusto niya na isama ako.                                  "Sige lang," sang-ayos ni Mommy.   "Okay din naman sa akin," sagot ni Daddy. "Mas kilala kita kumpara sa anak ng kumpare ko."   Tumingin sa akin si Pierre na parang may inaantay na sasabihin ko.   "Ayos lang din sa akin," sagot ko.   Wala naman akong pakialam kung sino ang kasama ko. Ang mahalaga makakanood ako ng runway.   "Sama ako," saad ni Kuya.   "Sasama rin kami!" sabay-sabay na sagot nila Dexter, Marlo at Marky.   "Ano namang gagawin niyo roon?" medyo iritado na tanong ni Pierre.   Mga kaibigan niya 'yan pero parang ayaw niyang kasama na umalis ng bansa ang mga kaibigan niya. Iba rin siya hah.   "Susuportahan ang baby sister namin!" sagot ni Marky. "Eh ikaw? Wala ka namang hilig sa panood ng mga ganyan—"   "Sumama na kayo," agad na sambit ni Pierre bago pa matapos sa sasabihin ang kaibigan niya.   Nagpalakpakan sila na parang mga bata. Hindi ko alam kung teenager pa ba ang mga lalaking 'to o matanda na.   "Baby sister mo ang mukha mo!" singit bigla ni Kuya. "Akin lang ang kapatid ko."   "Tama na 'yan," natatawang saad ni Mommy. "Parang mas matanda pa nga si Drizella sa inyo dahil kayong boys kung kumilos parang mga bata."   Tumango agad ako sa sinabi niya Mommy dahil totoo naman. Parang may kasama akong mga thirteen years old na mga lalaki sa tuwing nandito sila.   "Maliban kay Pierre," dagdag pa ni Mommy.   "Tama," sang-ayos ko muli.   Si Pierre ang mukhang mature sa kanilang magkakaibigan dahil sa pagiging seryoso nito.   "Hindi ko nga alam kung paano napasama sa inyo si Pierre," labas sa labi ko.   Maloko naman si Pierre at mahilig din gumimik pero sa kanilang magkakaibigan masasabi ko na tahimik lang si Pierre.   "Ganyan talaga ang magkakaibigan, anak," saad ni Daddy. "May isa talaga na naiiba."   Napatango ako sa sinabi ni Daddy dahil may point naman siya. Ganoon din naman sa aming magkakaibigan. May naiiba.   "Kumusta na pala ang pag-eensayo mo, Drizella?" tanong ni Daddy sa akin.   "Ayos naman," nakangiting sambit ko.   Gustong-gusto ko ang ginagawa ko. Ni hindi ko nga nararamdaman ang pagod ko kapag nag pra-practice ako dahil masaya. Alam ko na ang pangarap ko ang pupuntahan ko kaya enjoy na enjoy ako.   "Kayang-kaya ni Drizella 'yan, Tito," proud na saad ni Marlo. "Maganda siya, matalino siya at sigurado ako na siya ang mananalo."   Sana nga ako.   "Suportado ka namin, Drizella. Magpapagawa pa kami ng malaking banner para lang sa'yo," si Marky.   "Anong banner?" singit naman ni Dexter. "Pagawan na natin siya ng billboard!"   Napuno ang lamesa namin ng tawanan dahil sa sinabi ni Dexter. Mga wala kasing kapatid na babae kaya ganyan sila. Parang kapatid nila ako kung suportahan mula simula ng journey ko.   "Thank you hah," masayang sambit ko.   Dahil sa mga ganyan nila kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagtakpan sila sa tuwing gagawa sila ng gulo sa club. Para akong nagkaroon ng instant brother sa mga  kaibigan ni Kuya.   "Ibibigay ko talaga ang best ko para panalo," masayang saad ko.   "At nasa likod mo lang kami," si Kuya na ginulo ang nakatali kong buhok.   Parang hinahaplos ng napakalamot na palad ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang suporta nila sa akin.   "Anong pwede kong gawin?" singit bigla ni Pierre.   Nakangiti pa rin ako na sinalubong ang kanyang mga mata. Tumaas ang sulok ng labi niya sa akin na alam na alam kong maraming babae ang nagkakandarapa na halikan.   "Wala naman," kibit balikat na sagot ko sa kanya. "Tapusin mo na lang ang kinakain mo. Alam ko naman na gustong-gusto niyo ng uminom sa taas," natatawang saad ko.   Mga lasinggero yata ang nakasama ko sa lamesa. Mamamatay sila kapag walang ininom na alak o hindi nakakakita ng alak. Ginagawa na kasi nilang vitamins 'to kahit na nakakasira naman talaga ng kalusugan.   "Gusto ko rin suportahan ka," ani Pierre.   Nawala sa pagkaporma ng ngiti ang labi ko. Hindi pa gano'n katagal ang pinagsamahan namin kaya parang na ngangapa siya sa tanong niya.   "Mukhang gustong ipakita ng Aceves ang suporta niya sa'yo," makahulugang wika ni Daddy.   Kung kumilos si Pierre para bang may gusto siya sa akin. Ayokong mag expect pero 'yon ang nakikita ko sa kanya. Wala naman din siguro siyang balak na pag trip-an ako dahil ako ang kapatid ng kaibigan niya.   "That's good!" biglang singit ni Mommy sa katahimikan at sa iniisip ko.   Inalis ko ang tingin ko sa mala-kahoy na kulay ng mga mata ni Pierre at dumako kay Mommy.   "Susuportahan ang anak ko ng mga Aceves. Ang ganda no'n."   Sana nga hanggang suporta lang at mali ako ng iniisip. Ayoko na magustuhan ako ni Pierre.   "Okay na sa akin ang manood ka," sambit ko at napasubo sa pagkain ko.   Sa plato na lang ang tingin ko. Patapos na sila pero ako, wala pa sa kalahati ang pagkain ko. Konti lang ang pagkain ko kumpara sa sa kanila pero mukhang ako pa ang mahuhuling kumain.   "Kahit wala kang gawin, ayos lang. Basta alam ko na nakasuporta ka," sambit ko pa ng wala ng laman ang bibig ko.   Sumubo muli ako ng pagkain para hindi na mabakante ang bibig ko. Ayokong ako na naman ang mahuli sa kainan. Nagmumukha na mahina akong kumain.   "Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa pag eensayo."   Parang tumigil ang mga galaw ng tao sa paligid ko dahil sa sinabi ni Pierre. Alam kong may pag-aalala sa boses niya. Iba ang dating niya sa akin kumpara kila Dexter.   "Magpahinga ka rin. Kapag napagod ka nang napagod at bumigay ang katawan mo, paano ka lalaban?"   Napataas ang ulo ko at sinalubong ang tingin ni Pierre. Napatingin ako sa iba pa naming kasama sa hapag-kainan na tumatango-tango dahil sa pag sang-ayon nila kay Pierre.   Itinago ko ang pakabigla sa mukha ko. Napapunas ako sa noo ko. Bigla akong pinagpawisan. Hindi ko malaman ang dahilan.   "Salamat." Pinilit ko pa rin na ngumiti. "Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na bigyan ang sarili ko ng oras kasama ang mga kaibigan ko."   "Uy!" singit ni Dexter. "Bakit biglang naging maaalalahanin ka?" may tunog panunukso sa boses nito.   "Baka iba na 'yan," pangangatyaw pa ni Marky.   Hindi niya ako gusto. Alam ko na ang hilig niya at ay alak at party lang. Hindi ako katulad ng mga bagay na 'yon. Na pang gabing kasiyahan lang. Hindi rin ako pumapatol sa mga kaibigan ng Kuya ko.   "Anong iba?" natatawang tanong ko sa kanila. "Walang iba rito hah. Tumigil kayo sa pagbibigay ng malisya," kalmadong sambit ko sa dalawa.   Napataas naman sila ng dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. Puro kalokohan. Kaya palaging tumatagal ang hapunan namin kapag kasama sila dahil ang dami nilang sinasabi.   Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko. Tumayo ako mula sa silya ko at napahawak sa sandalan ng upuan ko.   "Kung ano ang turing niyo sa akin," sambit ko sa mga kaibigan ni Kuya na matagal ko ng nakasama. "Ganoon din ang turing ni Pierre sa akin."   Ibinigay ko ang tingin ko kay Pierre. Tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko.   "'Di ba, Pierre?"   "Uh huh," sagot nito at inilayo ang tingin sa akin.   Oh no. Sana talaga mali ang nasa isipan ko. Ayokong magustuhan ako ng isang lalaki na puro alak at party lang ang gusto. Lalo na ng kaibigan ng kapatid ko. Mabuti talaga wala akong oras sa mga ganitong bagay.   "Thanks for the dinner. Aakyat na ako," pagpapaalam ko sa kanila.   Naglakad ako paalis ng dining room at naglakad sa hagdanan ng pamamahay namin. Kailangan kong matulog ng maaga dahil maaga rin ang gising ko.   Gusto ko rin na mahimbing na ang tulog ko dahil baka marinig ko pa ang ingay nila Kuya sa roof deck kapag hindi pa ako natulog. Tatapusin ko rin syempre ang paglilinis sa kuko ko bago ako matulog.   Hindi ko pwedeng ipapabukas 'to dahil may gagawin din ako bukas ng tanghali at hapon. Kung sana lang may forty-eight hours ang bawat araw.   Pagpasok ko sa kwarto ko napatingin agad ako sa ilalim ng vanity table ko. Wala pa rin pala roon ang manicure kit ko. Akala ko na iakyat na.   Lumapit ako sa telepono na nakadikit sa pader ng mapansin ko na may kulang sa mga nakasabit kong polaroid. Kabisado ko ang bawat gamit ko sa kwarto ko kaya alam ko kung may nawawala.   "Nasaan 'yon?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa blangkong wooden clip.   Ang solo picture ko na nasa beach ako. Huling kita ko roon ay kanina lang. Nahawakan pa nga si Pierre at nakita rin mismo ng mga mata ko na binalik niya 'yon.   Hindi naman niya kukunin 'yon. Dahil para saan niya gagamitin? Wala naman.   "Saan napunta ang picture ko? Imposibleng nasa Aceves." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD