Drizella Genet’s POV “Hoy pota!” malakas na sigaw ni Dexter ng lumabas ang nakakatakot na mukha na pinapanood namin. Kalalaking tao pero siya ang pinakamalakas na sigaw rito sa sala. Humilig si Pierre sa balikat ko habang tahimik siya na nanonood. Gabi na pero nagkayayaan pa na manood ng nakakatakot sa sala. Nasa dulo ng mahabang sofa si Pierre habang nakadantay sa akin ang ulo niya. Sa tabi ko naman ay si Alijin at si Geriane. Habang sila Kuya ay nakaupo sa carpet kaya nakikita namin kapag napapatalon sila sa gulat. “Para kang hindi lalaki!” bulyaw ni Geriane kay Dexter. Hindi siya sinagot ni Dexter na nakatakip ang mga kamay sa tapat ng mukha. Pinagsiklop ko na lang ang mga kamay namin ni Pierre. Malapit ng matapos ang pinapanood namin pero tahimik lang sa tabi ko