Pierre Auguste’s POV “Pierre, hindi talaga namin alam. Pinauna niya kami sa salon tapos ang tagal niya—” “Manahimik ka!” Ayoko man na magalit sa mga kaibigan ni Drizella pero nababaliw na ako. Magdidilim na pero hindi ko pa rin siya nakikita. “Pierre, wala sa bahay si Drizella,” si Damien na kakapasok lang. “Nakita ko ang mga magulang namin na inaayos ang kwarto ng kapatid ko pero wala siya roon—” “Sigurado ka? Hindi kaya tinatago lang nila sa akin si Drizella kasi alam nilang kukunin ko sa kanila ‘to?” “Wala siya ro’n. Sigurado ako.” “Put*ngina!” Hindi ko alam kung saan ako dadalhin kapag hindi ko nakita si Drizella. Dapat talaga hindi ko na siya hinayaan na umalis. Malaki ang tiwala ko na walang mangyayaring masama sa kanya dahil kasaman niya ang dalawang