Pierre Auguste’s POV Nalaman man o hindi ng kung sino, walang pwedeng mag-utos sa akin na tigilan si Drizella. Wala akong oras na sumunod kung kanino lang. Hindi ako papayag na hindi mo malapitan si Drizella. “Pierre!” si Marlo. “Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Inaantay ka namin sa roof deck.” Tumaas ang tingin ko sa bintana ng kwarto ni Drizella. I am f*****g worried about her. Hindi ko gusto ang paghawak sa kanya ni Damien kaninang umaga. Nasira ang buong araw ko dahil doon. “Pierre, tara na. Hinahanap ka na rin ni Damien.” Tumaaas ang sulok ng labi ko. Hinahanap pa rin ako ng gagong ‘yon pagkatapos niyang makipag-away sa akin kanina. Mukhang walang kalam-alam ang mga ‘to na may nangyari kaninang umaga. “Susunod na lang ako.” Nanatili akong nakasandal sa motor ko. Gusto kong