Drizella Genet’s POV Si Pierre ang lalaking ipagmamalaki ko nang paulit-ulit at ipagtatanggol ko kahit saan pa ako dalhin ng tadhana ko. Ang alam lang ng iba, walang kwentang Aceves si Pierre dahil mas gusto nito na mag punta sa club at uminom pero ‘yon nakita ko kanina, mas malalang Pierre Aceves. Kahit na gaano pa kabato ang puso niya, handa pa rin siya sa pangalawang pagkakataon para sa mga magulang niya. Kung paano niya itayo ang ama niya gamit ang mga salita niya— I am so proud of him. Nakaya niyang magpatawad at pagbigyan muli ang mga taon kinalimutan iparamdam sa kaniya ang pagiging pamilya. “How about me, honey?” tanong niya at ramdam ko ang pagkalabag sa loob niya. “Babalik ka sa pamilya mo pero paano ako? Iiwan mo na ako—” “Syempre hindi. Uuwi pa tayo sa bahay n