Drizella Genet’s POV “Darating pala ang araw na makukuntento ako.” Isang matamis na halik galing kay Pierre ang natanggap ko at muli kong ipinik ang mga mata ko. Mabuti na lang at wala akong training ngayong araw kaya hindi ko kailangang bumangon ng maaga. “Anong gusto mong gawin ngayong araw?” tanong sa akin ni Pierre habang nakaunan ako sa dibdib niya. Wala naman akong naiisip na gagawin naming ngayong araw. Kami na lang ulit dalawa ang nasa mansyon dahil nagsibalikan na sila Kuya Damien. Tahimik na ulit pero hindi kasing tahimik ng dibdib ko na naglilikot sa tuwing kasama ko siya. “Wala naman akong plano,” sagot ko sa kanya. “Dito na lang pala tayong dalawa sa kama. Ubusin natin ang oras natin.” Napatalikod ako sa kanya at pinagmasdan ang bintana na nakasara