Drizella Genet's POV
Nakatulugan ko na halos ang pag-iisip sa polaroid picture ko. Hindi ko malaman kung sino ang kumuha no'n. Ayoko naman na tanungin si Pierre dahil baka lumabas pa sa kanya na siya ang sinisisi ko.
Ayokong mag bintang na naman tapos mali pala. Five-thirty na nang umaga at dumiretso agad ako sa kwarto ng kapatid ko matapos kong maligo at magsuot ng crop top spaghetti at cottong short.
"Oh..."
Isang malinis na kama. Walang kalukot-lukot na sapin. Halatang hindi nagalaw.
"Ma'am Drizella."
Isinara ko ang kwarto ni Kuya at humarap sa tumawag sa akin. Ang kasam-bahay namin.
"Nasaan si Kuya?" tanong ko agad.
Hindi pwedeng umalis siya ng bahay kagabi nang tulog na ako.
"Magandang umaga, Ma'am. Nasa itaas pa rin po sila sir kasama ang mga kaibigan niya. Doon na po sila nakatulog."
Malalim akong napabuntong hininga at napailing na lamang sa kasam-bahay namin. Bagsak na naman ang magaling kong kapatid.
"Sige ho. Maglilinis pa po ako."
Tumango ako at hinayaan na umalis ang kasam-bahay namin sa harap ko. Binitawan ko ang door knob ng kwarto ni Kuya at pumunta sa hagdan patungo sa roof deck.
Siguradong mamayang tanghali pa sila magigising. Mga lango sa alak. Kaya ayaw pang magsihanap ng mga asawa kahit na malapit na sila mawala sa kalendaryo dahil sa bisyo nila.
Binuksan ko ang bakal na pinto ng roof deck. Napabuntong hininga ako ng makita ang magkakayakap na lalaki sa sahig. Si Dexter, Marlo, Marky at Kuya.
Pero wala si Pierre.
Inikot ko ang mga mata ko sa malawak na roof deck ng bahay namin. Puro mga nakakalat na bote at mga pulutan lang nila ang nasa paligid.
Narinig ko ang pagkalasag ng pinto kaya mabilis ang mga mata ko na napatingin sa banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na lumabas mula roon si Pierre. Parang hindi siya uminom kagabi.
"Nandiyan ka lang pala," saad ko at naupo sa sofa ng roof deck.
May mini living room dito kung saan may mga nakakalat sa center table na nasa harapan ko.
"Hinanap mo ako?" tanong nito sa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya.
Lumapit siya sa katapat kong long sofa at naupo siya roon. Mas attractive siya kapag white t-shirt lang at kupas na pantalon kaysa sa jackey na sinusuot niya. Lumilitaw ang biceps niya.
"Pagpasok ko kasi, ikaw lang ang hindi ko nakita. Baka kasi kung saan-saan ka nagpunta. Nakainom ka pa naman," saad ko.
Hindi lang basta ngisi ang nasa labi niya dahil isang ngiti na. Hindi ko mapigilan na lumabas ang sarili kong ngiti dahil sa ngiti niya. Nakakahawa.
"Gaano ba karami ang ininom niyo?" natatawang tanong ko at napatingin sa apat na bagsak pa rin.
Masyadong enjoy nila ang buhay na pagiging binata. Hindi naiisip kung kailan sila bubuo ng sarili nilang pamilya dahil ang pagkakaibigan nila ay parang pamilya na rin. Pamilya na sila-sila ang bumuo.
"Tatlo o apat na case?" hindi sigurado na sagot sa akin ni Pierre.
Napatingin muli ako kay Pierre na parang walang hangover.
"Uminom ka rin ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko na mabilang kung ilan ang nainom ko," sagot niya sa akin.
Kung may contest lang talaga rito na paramihan ng ininom na alak baka silang lima na ang nanalo.
"Wala kang hangover? Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong ko pa.
"I'm okay," nakangiting tipid na sagot nito sa akin.
Mukha namang okay na okay nga siya. Parang walang bakas na uminom siya dahil maayos na maayos pa rin ang damit niya. Siya na ang hari ng mga laklakero ng alak.
"Mabuti naman," saad ko at naalala muli ang polaroid picture ko.
Gusto ko talaga na itanong sa kanya ang bagay na 'yon. Pero paano ko itatanong ng hindi lumalabas na nagbibintang ako? Huwag na nga. Baka hindi niya rin naman napansin kung nasaan ba 'yon.
"Drizella."
"Yes?" mabilis na tanong ko sa kanya.
Bumaba ang tingin nito sa balakang ko. Saglit lang at sinalubong niya na muli ang tingin ko.
"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"Wala. Ikaw? Anong kailangan mo?" maagap na balik tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pag galaw ng kanang pisngi niya dahil sa pag galaw ng dila niya sa loob. Napapunas ako sa noo ko ng makita ko kung gaano siya ka sexy sa ginawa niya.
May tao pa lang napaka-sexy pa rin kahit na nakaupo lang. Iba talaga ang Aceves. Hindi lang kilala dahil sa yaman dahil kilala rin sa ganda ng lahi.
Kaya sobrang daming gustong makipagkaibigan sa mga Aceves. Isa ang pamilya ko sa kaibigan nila.
"May itatanong ka ba sa akin?" diretsong sambit niya sa akin.
Bigla kong naalala ang polaroid picture ko na nawala na sa isip ko dahil sa kanya.
"Ah, wala naman—"
"Say it."
Mas maikli pa ang pasensya niya kaysa sa suot ko.
"Gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya.
Kahit na hindi naman talaga 'yon ang tanong na gusto ko.
"Really?" nakangising sabi niya.
Tumango na lang ako. Confident ako sa lahat ng bagay pero pagdating sa isang Aceves, nawawala ako sa sarili ko.
"Oo, Pierre. Siguradong mamayang tanghali pa ang gising nilang apat," tumingin ako sa apat at binalik din agad sa kanya ang tingin ko. "Sila Mommy at Daddy naman mamayang eight or nine ang baba nila. Baka magutom ka."
Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa.
"Tara," anyaya niya.
Tumayo rin ako at sabay kaming naglakad palabas ng roof deck. Iniwan namin ang apat na sobrang himbing ng tulog.
"Anong gusto mo? Ipapaluto ko sa chef namin," saad ko.
Wala akong balak na magluto ngayon. Si Kuya lang din naman ang dahilan kaya nagluluto ako.
"Gusto kong lumabas," sagot niya sa akin habang naglalakad kami pababa. "Sa labas na lang tayo kumain. Tayong dalawa lang naman kaya bakit magluluto pa."
Tama naman siya. Gusto ko na rin makakain sa labas. Matagal na rin ng huling kumain ako sa isang fascinated restaurant.
"Sige—"
Bigla niyang hinawakan ang siko ko kaya napahinto ako. Nagtatakang napatingin ako sa kamay niyang sakop-sakop ang siko.
"Pierre?"
"Hindi tayo pwedeng umalis ng ganyan ang suot mo."
Napatawa ako dahil tama nga naman siya. Inalis niya ang kamay niya sa siko ko. Napatingin siya sa kanan niya. Sinundan ko ang tingin niya. Nasa tapat pala kami ng kwarto ko.
"Hihintayin kita sa baba."
Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko kaya agad akong pumasok. Pinanood ko siya na isara rin ito.
Nagtungo ako sa walk-in-closet ko at kumuha agad ng damit ko. Isang white t-shirt na may design na smiley face sa gitna. Isang skinny jeans naman sa pambaba.
Mabilis akong nagpalit para hindi paghintayin ng matagas si Pierre. Hinayaan ko lang na lumaylay ang mahaba kong kulot na buhok. Dinala ko rin ang wallet ko.
Lumabas ako ng kwarto at mabilis na naglakad pababa. Sakto at nakasalubong ko pa ang isang kasam-bahay.
"Manang, pakitawag ang mga tauhan ni Daddy. Utusan mo sila na dalhin sa mga kwarto ang apat sa taas para makahiga sila ng komportable."
Agad akong umalis sa harapan ni Manang at humakbang hanggang sa makarating ako sa living room sa unang palapag. Ang nakatalikod na blonde hair na si Pierre. Suot na niya ang jacket niya.
Kahit nakatalikod siya parang handang-handa pa rin siya na rumampa.
"Pierre, tara na."
Humarap siya sa akin. Dinampot niya ang helmet niya sa sofa. Nauna akong maglakad sa kanya palapit sa pintuan. Kinuha ko ang nakasabit na susi sa giliid ng pinto.
"Sa motor ka na sumakay."
"Kotse na lang ako. Susundan ko na lang ang motor mo," saad ko pa.
Nagtungo ako sa garahe ng bahay namin at napatayo sa gilid ng hilux ni Papa. Agad naman na huminto sa harapan ko si Pierre.
"Sa iisang sasakyan na lang tayo—"
"Ayoko kasing sumakay ng motor," amindong sagot ko. Lumingon ako sa likod niya kung nasaan nakaparada ang motor niya.
Hindi ako sanay na umaangkas sa motor. Hindi ko pa nasubukan kahit na minsan. Mas kaya ko nga na magpatakbo ng kabayo kaysa ang sumakay sa motor kahit angkas lang.
Tumango siya sa akin pero parang labas sa ilong ang pag payag niya dahil sa nakakunot niyang noo. Napatingin siya sa t-shirt na suot ko. Nawala ang pagsasalubong ng kilay niya.
Umarko ang labi niya ng isang malaking ngisi. Ipinatong niya ang helmet niya sa ibabaw ng motor niya at inalis niya ang suot niyang jacket.
Mas lalong naging gwapo si Pierre dahil nawala ang jacket niya. Napaka-gwapo niya pa naman sa paningin ko kapag simpleng tees ang suot niya.
"Ma'am Drizella—"
Napalingon ako kay Manang na nakatakip na ang tapat ng labi kaya hindi niya natapos ang sasabihin niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa suot namin ni Pierre.
"Bakit, Manang?" tanong ko.
Parang nag nining-ning sa tuwa ang mga mata ng isag senior citizen na sobrang tagal ng nasa bahay namin.
"Ang cute niyo ni sir!" tuwang-tuwang na saad nito na parang wala akong tanong. Naglakad pa palapit sa amin si Manang. "Mukha kayong mag-asawa dahil sa parehas na kulay ng damit niyo."
"Manang," kalmadong saad ko at tumigil siya sa harapan ko.
Wala sa isip ko ang bagay na 'yan ng pinili ko na isuot ang damit kong 'to.
"Sorry, Ma'am Drizella, natuwa lang po ako. Ang ganda niyo po kasi tignan ni sir Pierre."
Dahil sa sinabi ni Manang, nahiya na akong lingunin si Pierre.
"Manang, tama na po," mahinang saad ko. "Ano po ba ang kailangan niyo?" tanong ko para maiba naman.
Kakain pa naman kaming dalawa sa labas tapos ganito pa.
"Ah, Ma'am Drizella, nilipat na po sila ng mga tauhan ng Daddy niyo sa kwarto ng hindi nagigising."
"Salamat sa inyo, Manang. Aalis lang po kami. Paki-sabi na lang po kila Daddy kapag maaga silang nagising," nakangiting saad ko.
Tatalikod na ako kay Manang ng magsalita na naman ito, "Saan po ang punta niyo?"
Nagtataka ako na sinalubong ang tingin ni Manang. Kailan pa siya naging interesado na magtanong kung saan ako pupunta? Wala naman siyang pakialam noon kapag umaalis ako.
"Ay sorry, Ma'am kung matanong ako ngayong umaga," nahihiyang saad ni Manang. "Gusto ko lang po malaman para may isasagot ako sa Daddy niyo kapag nagtanong siya.
Nag-aalangan na tumango ako sa dahilan ni Manang. Ngayon lang talaga 'to.
"Ah, kakain lang kami sa labas ni Pierre—"
"Talaga, Ma'am?!" tuwang-tuwang sa galak na saad niya at napatingin kay Pierre.
Hindi ko naman makita ang reaksyon ni Pierre ngayon dahil nahihiya ako. Nagbalik tingin sa akin si Manang.
"Ano po bang nangyayari sa inyo?"
"Wala naman po, Ma'am. Sige po, umalis na po kayo. Bubuksan ko na rin ang gate," ani pa nito.
Pinagmasdan ko si Manang na naglalakad papunta sa gate namin na parang hawak niya ang kasiyahan sa mundo. Anong mayroon? Anong magandang balita?
"Mukhang mag-asawa huh."
Hindi ko napigilan na lingunin siya na malawak ang ngiti sa labi.
"Pati ba naman ikaw?" kalmadong saad ko.
Hindi man lang ba siya nailang sa sinabi ng kasam-bahay namin? Parang gustong-gusto pa nga niya. Konti na lang talaga, iisipin ko na talaga na gusto niya nga talaga ako.
"What? Anong masama sa inisip ni Manang? Single ka at single ako."
Inilahad niya sa tapat ko ang jacket niya. Napatingin ako rito at nagtataka na tinanggap.
"Anong gagawin ko rito, Pierre—"
"Ilagay mo sa loob ng kotse mo dahil wala akong balak na isuot 'yan."
Tumango ako sa kanya. Balak niya bang baguhin ang style niya? Hilig niya ang pagsusuot ng jacket hah. Denim jacket o lether man. Sana iniwan niya na lang sa bahay.
"Sige, papasok na ako sa kotse."
Binuksan ko ang pinto ng hilux at sumakay sa driver seat. Inilagay ko ang jacket niya sa shot-gun-seat at inilagay ang susi. Ini-start ko ang kotse at humalimuyak agad ang amoy ni Pierre kahit na hindi ko naman siya kasama sa kotse.
Ang jacket niya.
Napatingin ako sa side ko dahil sa katok sa bintana. Ibinaba ko ang bintana ng kotse.
"May kailangan ka pa, Pierre?"
"Ingat sa pagmamaneho, Drizella."