Drizella Genet’s POV
Kulang isang oras din ang naging byahe namin para lang makarating sa gustong kainan ni Pierre. Isang banana pie store pala ang gusto niya pera kape lang naman ang in-order niya.
“Hindi ka kakain?” tanong ko sa kanya na malayo ang tanaw sa labas ng store.
Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang masayang ngiti. Sumimsim siya sa kape na hawak niya at ibinaba ang baso.
“Mamaya,” tipid na sagot niya sa akin.
Humiwa ang sa banana pie ko at kumagat ng kaonti. Akala ko nagyaya lang siya na rito kumain para lang uminom siya ng kape at panoorin nang panoorin ang buong Arena. Nasa labas na naman kasi ng store ang tingin niya. Sinundan ko ang mga tingin niya, mga hinete na nag-eensayo para sa karera.
Mataas na lugar ang pwesto ng banana pie store. Mula sa pwesto namin dito sa taas, sa tabi ng salamin ay kitang-kita naming ang Arena. Ang Arena na kami mismo ang may-ari. Ang pamilya namin ang may sikat na sikat na lugar kung saan nagkakarera ang mga kabayo.
“Mangabayo tayo sa Arena minsan,” anyaya ko sa kanya dahil mukhang interesado siya sa nakikita niya sa Arena.
Muli akong tumingin sa lamesa naming at kumuha ng banana pie. Tumaas ang tingin ko sa kanya pagkasubo ko. Hindi ako makanguya sa klase ng titig ng mga matang ‘yon.
“Tayong dalawa?” nakangising tanong niya sa akin.
Oh! Baka ano ang maisip niya sa anyaya ko.
“Kasama sila Kuya Damien. Sina Dexter din,” sambit ko.
Naalis kaagad ang ngisi sa labi niya. Blangko ang mukha o mas magandang sabihin na masama na ang timpla niya. Para na rin siyang mapait na kape na iniinom niya.
“Pierre?” tawag ko sa kanya.
“Marami akong gagawin. Sa susunod na lang,” aniya na ang tinutukoy ay ang pangangabayo.
Tumango naman ako sa kanya. Ayoko rin naman siyang pilitin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko ng biglang namutawi ang katahimikan sa lamesa naming dalawa. Hindi ako sanay na walang nagsasalita habang kumakain ako.
“Waiter,” taas kamay na tawag ni Pierre.
Lumapit naman agad ang isang lalaking nakasuot ng pang-waiter. Bitbit nito ang isang maliit na papel at ballpen.
“Apple cake,” he ordered.
“’Yon lang po ba?” tanong nito at tumingin sa akin.
“Wala na akong order,” saad ko at tumingin kay Pierre na tahimik na ulit. Mukhang wala na rin naman siya. “Ayan lang.”
Yumukod ang lalaki sa amin at tumalikod. Naiwan na naman kaming dalawa sa gitna ng katahimikan. Napatingin ako sa paligid namin. Ngayon ko lang napansin na nasa amin pala ang tingin nila lalo na ng mga babae. Hindi na ako magugulat pa dahil isang Aceves ang kasama ko.
“Mahirap pala na makasama kang kumain sa labas,” saad ko sa gitna ng katahimikan.
Nagsalubong ang tingin naming dalawa. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Sanay naman ako sa ganitong tingin pero gusto ko lang na may pag-usapan kami. Ayoko na tahimik ang lamesa namin na parang parehas kaming napipilitan na kumain.
“Ang gwapo mo kaya tampulan ng tingin ang lamesa natin.”
Agad na nawala ang kilay niyang kunot. Tumaas ang magkabilang gilid ng labi at saglit siyang napayuko. Hindi siya nag-atubili na tignan ang mga tumitingin sa amin. Sinalubong niya ang tingin ko na good mood na ulit.
“Oh, really? Am I handsome?” he smirked.
‘Yon talaga ang bagay na napansin niya sa sinabi ko? Huwag naman sana maging iba ang dating sa kanya. Wala akong gusto sa kanya.
“Oo. Hindi naman ako mahilig magsinungaling,” nakangiting tugon ko. Kumagat ako ng maliit sa banana pie ko. Nginuya at nagsalita matapos. “Kahit sila Dexter, gwapo. Kayong magkakaibigan, gwapo. Lalo na ang Kuya ko.”
Ang Kuya ko ang pinakagwapo sa kanilang magkakaibigan. Kuya ko ‘yon kaya siya ang gwapo sa mga mata ko.
Nagwala ang ngiti sa labi niya at gumalaw ang kanang pisngi niya dahil sa pag galaw ng dila niya sa loob. Ito na naman siya sa kilos niyang parang lahat ng babae magkakagusto. Kung hindi siguro malaki ang pangarap ko na manalo sa Miss Universe baka isa ako sa nagkakandarapa sa kanya.
“Ito na po ang apple pie.”
Inilapag sa ibabaw ng lamesa namin ang apple pie na in-order ni Pierre. Nawala tuloy ang tingin ko sa kanya pero ramdam ko pa rin ang kanyang mga mata.
“Thank you,” saad ko. “And pa take-out ako ng buong apple pie and babana pie. Tig-tatlong box.”
“Noted po.” Mabilis din na umalis ito matapos kong sabihin ang order ko.
Gusto kong uwian sina Mommy ng pagkain. Siguradong kakainin din ‘to nila Kuya kaya dinamihan ko na.
Tinignan ko ulit si Pierre na nakatayo na pala sa harapan ko. Blangko lang ang tingin niya sa akin. Ako na nga lang ang magbabayad ng kinain naming. Treat ko na rin sa kanya at para hindi na siya magmukha na parang pinasabugan ang mukha niya.
“Bakit ka nakatayo?” tanong ko sa kanya na nakatingala.
“Magbabanyo lang ako.”
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero tinalikuran na niya rin ako agad. Napabuga ako ng hangin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Tapos na kasi si Pierre sa apple pie niya pero ako hindi pa rin matapos-tapos sa banana pie ko.
Ano bang problema ni Pierre? Ngingiti siya tapos mamaya lang din, kukunot na agad ang noo niya. Minsan naman parang ang sama-sama ng loob niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa. Pinupuri ko pa nga siya. Mabuti talaga ang nagkakaintindihan silang magkakaibigan. Puro sila may sayad.
Uminom ako sa banana juice ko matapos kong kumain. Napatigin ako sa gawi papunta ng banyo. Wala pa rin si Pierre hanggang ngayon. Tapos na ako lahat-lahat sa pagkain ko pero wala pa rin siya. Hindi ko na rin alam kung gaano ba siya katagal nanawala. Saan ba siya nagbanyo? Sa Escajeda pa?
“Drizella.”
Nagtataka na napatingin ako kay Pierre na naupo sa harapan ko. Lumingon ako sa likod ko kung saan siya nang galing. Hindi naman doon ang banyo. Daan palabras ang nasa likod ko.
“Sinong tinitignan mo?” Humarap ako kay Pierre na magkasalubong ang kilay tulad ko.
“Saan ka galling? Akala ko ba nagbanyo ka?” tanong ko ng hindi sinasagot ang katanungan niya. “Bakit dito ka galing--”
“Sa banyo ako galing,” putol niya sa sasabihin ko pa.
Tumango na lang ako sa kanya kahit na naguguluhan talaga ako. Wala naming banyo sa labas. Ano bang sinasabi niya?
“Tapos ka na? Nabusog ka ba?” walang emosyon na wika niya.
Tumango naman ako sa kanya na may pagtataka pa rin. Inilabas ko ang wallet ko, “Ako na lang ang magbabayad, Pierre.”
“Ako na,” matigas na saad niya at naglabas din ng wallet.
“No, ako na. Treat ko na rin ‘to kasi ikaw ang nagyaya. Sa susunod ka na lang magbayad…” mababang boses na saad ko sa huli.
Huli ko nang napagtanto ang huling sinabi ko. Parang sinabi ko na rin na may susunod pa talaga na kaming dalawa lang. Ayokong bigyan ng iba pang kahulugan pero mukha kaming nag da-date.
“Ako sa susunod,” pag sang-ayon niya sa sinabi ko at binalik ang wallet sa bulsa niya.
Napapunas ako sa pawis ko na mas malamig pa yata sa aircon dito. Ano ba ‘tong nangyayari sa amin ng kaibigan ng kapatid ko? Nakasabay ko rin naman na kumain ang makukulit na sila Dexter pero hindi ganito.
“Ma’am, ito na po ang order niyo.” Inilapag ng waiter sa ibabaw ng lamesa ang mga plastic.
“Bill namin?” mahinahon na may ngiting tanong ko.
“Ito po.” Inabot niya sa akin ang bill book.
Binuksan ko ito para malaman ang presyo. Nang malaman agad akong naglabas ng pera mula sa wallet ko at inipit dito. Dinagdagan ko na rin para sa tip.
“Thank you so much.” Ngiting inabot ko sa kanya ang bill book.
“Thank you rin po, ma’am. Balik po kayo,” masayang saad nito.
Tumango ako at binulsa ang wallet ko. Tumayo ako at kukunin sana ang mga plastic na pina-take-out ko nang mahawakan ko ang kamay ni Pierre na nauna na humawak sa supot. Parang napaso ang kamay ko kaya dali-dali kong inilayo sa kanya.
“Ako na ang magdadala.” Tumango ako sa gusto niya.
“Bagay na bagay po kayo ni sir, ma’am. Siguradong gwapo at maganda ang magiging anak niyo.”
Laglag ang panga na humarap ako kay Pierre. Kung ano ang naramdaman ko sa sinabi ni Manang kanina ay ganoon din sa waiter na ‘to. Bakit ba napagkakamalan kaming mag-asawa?”
“Hindi ko siya boyfriend o asawa,” nakangiting saad ko.
Napakamot siya sa ulo niya dahil sa mali niyang nasabi sa amin, “Pasensya na po, ma’am.”
Ngumiti ako at nauna ng lumabas. Hindi na ako nag-atubili na tignan ang reaskyon ni Pierre sa sinabi ng waiter. Ang lalaki ang unang madalas na tumatanggi pero si Pierre, hindi man lang siya nagsasalita kapag pinagkakamalan kami.
Pinindot ko ang remote ng kotse para ma-unlock. Huminto ako sa harap ng kotse namin at humarap kay Pierre. Ang ngisi sa labi niya ang unang nakita ko.
“Akin na ang plastic. Lalagay ko sa back seat para hindi ka na mahirapan.”
“Buksan mo na lang ang kotse. Ako na ang magpapasok.”
Binuksan ko naman ang back seat ng hilux at pinanood ko siya na maayos na pinasok ang mga binili ko. Hawak ko ang pinto para hindi rin siya maipit.
“Salamat,” saad ko matapos niyang ayusin.
Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa gilid ng pinto. Saglit akong nagulat. Nagsawalang bahala ako na hinila ang kamay ko na nakalapat sa pinto. Sinara niya ang pinto ng back seat at lumapit siya sa driver seat. Binuksan niya ito.
“Sakay na,” nakangising saad niya.
Sana talaga palagi na lang siyang good mood. Mas maganda na nakangisi siya. Hindi man ngiti pero at least may emosyon ang mukha niya. Huwag nga lang ‘yong galit na emosyon.
“Drizella, sakay na,” ulit niya ng hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko.
Natauhan ako sa malalim na pag-iisip at sumakay na. Masyado akong natuwa sa pagtitig sa ngisi niya na sigurado akong daan-daang babae ang mahuhulog. Maliban sa akin. Sumakay ako sa driver seat at kinabit ang seat belt ko.
“Sige na. Sumakay ka na sa motor mo,” sambit ko.
Siya naman palagi ang pinapauna ko. Sinara niya ang pinto ng hilux. Ibinaba ko naman ang bintana ng kotse ko para hindi ako mahirapan. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya sa ducatti niya. Hindi ito nag start.
“May problema ba?” takang tanong ko sa kanya.
Inalis niya ang helmet niya at tumingin sa gawi ko. “May sira.”
Umalis siya sa motor niya na ayaw mag start. Mukhang hindi niya magagamit ang motor niya pauwi. Ayos na ayos naman ‘yon kanina pero ngayon hindi na.
“Sumakay ka na lang sa kotse. Umuwi na tayo,” anyaya ko sa kanya.
Pwede naman siyang iwanan diyan ang motor niya. Wala naming kukuha niyan. Balikan niya na lang kapag may kasama na siyang mekaniko.
“Tara na, Pierre.”
Umikot siya sa kabila. Sinara ko na ang bintana ng kotse at in-start ko ito pagkasakay na pagkasakay niya. Inatras ko ang kotse para makalabas ng parking area.
“I like the point of view in the shot-gun-seat when you are the one who was driving.”
Napahawak ako ng mahigpit sa kambyo. Nanatili ang tingin ko sa daan kahit na ramdam na ramdam ko ang mga mata niya na naglalaro sa gawi ko.
“Thanks,” mahinang tugon ko.
Ito ang ikalawang beses na nakasakay siya sa kotse namin na ako ang nagmamaneho. Iba ang pakiramdam ko kapag siya ang katabi ko sa front seat. Hindi ako mapakali dahil sa tuwing nakikita ko siya mula sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin, nawawala ako sa pokus.
“Mas maganda pala na ikaw na lang palagi ang magmaneho.” Sigurado ako na nakangisi na naman siya.
“Alam ko naman ‘yon dahil maingat ako magmaneho--”
“Nah,” agad na putol niya sa sinasabi ko.
“Ano ang dahilan mo?” tanong ko sa kanya.
Gusto ko siyang kausap-usapin lalo na kapag ganitong maganda ang mood niya sa akin.
“Gusto kong pinapanood ka. Hindi ko magagawa ‘yon kung ako ang magmamaneho.”