NAKAHIGA si Dale nang maisip niya ang laging laman ng panaginip niya. Lately, halos gabi-gabing nanaginip siya tungkol kay Cathy, ang dalagang naging private nurse niya many years ago. Aminado siyang tinamaan siya sa babaeng iyon at alam niya sa sarili na in love siya rito. Kaya lang ay matagal nang panahon ang lumipas at ang biglaang pagkawala ng dalaga ay tuluyan nang nagpawala sa kanya ng pag-asa.
Alam ni Dale sa sarili niya na kahit mapaglaro siya sa mga babae, nangangarap din naman siyang makatagpo ng babaeng mamahalin siya nang totoo. Na may babaeng tatanggap sa kanya at hindi paglalaruan lamang. Sa ilang taon na pagiging easy-go-lucky niya ay wala siyang sineryosong babae. Just plain s*x lang ang habol niya sa mga nakaka-partner niya sa kama at minsan nakararamdam na rin siya ng pagod. Ngayon na malapit na siyang mawala sa kalendaryo ay wala pa rin siyang nakikilala na karapat-dapat niyang mahalin. Kung bibilangin siguro ang mga babaeng nadala niya sa kama ay over hundreds na, at ni isa ay wala siyang natandaang pangalan.
Kinabukasan ay nakatanggap si Dale ng tawag from London mula sa kanyang ama.
“Yes, Dad?”
“Ipinapaalam ko lang sa ’yo na back to normal na ang lahat sa Kuya Dave mo. Babalik na siya sa company at siya na ang mamahala doon.”
“Sige po, Dad. Maraming salamat at ipinaalam mo agad sa akin.”
Ang Kuya Dave niya ay babalik na sa puwesto nito kaya masaya siya para sa kakambal. Nagising na siguro ito sa kabaliwan kay Trisha. Alam ni Dale na may mga anak na ang kapatid sa babaeng iyon. Pero may reason naman si Trisha kaya iniwan nito ang kuya niya.
Nang sumunod na gabi ay laman na naman ng bar si Dale.
“Talaga bang sa London ka na mamamalagi, pare?”
“’Yon ang gusto ni Daddy. Naka-recover na raw si Kuya Dave kaya back to company na siya at wala na akong papel dito.”
Lasing na si Dale nang lumabas siya sa bar ni Tyron. Pagewang-gewang siyang naglakad patungo ng parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Muntik na siyang masagasaan ng isang Porsche kung ’di agad nakapag-break ang nagmamaneho nito na walang iba kundi si Cathy. Nang mahimasmasan si Cathy ay nanlalaki ang mga matang bumaba siya. Nilapitan niya si Dale na halos mabuwal na sa pagkakahawak sa gilid ng nakaparadang sasakyan. Nilapitan agad niya ito at inalalayan.
“Sir, are you okay?”
Sa halip na sagutin siya ni Dale ay sumubsob ito sa dibdib ni Cathy. Wala siyang choice kundi ang hilahin ito sa kanyang Porsche. Maingat niyang iniupo ito at nilagyan ng seat belt. Ang planong pagpasok sa bar ay hindi na niya naituloy. Hindi niya puwedeng talikuran ang dating amo.
Hindi alam ni Cathy kung saan niya ito dadalhin kaya minabuti niyang iuwi ito sa penthouse niya. Nagpatulong siya sa guard na maipasok sa elevator si Dale. Wala namang ibang sumakay kaya mabilis silang nakarating sa 10th floor. Hirap si Cathy dahil napakabigat ni Dale, sa tangkad ba naman nitong anim na talampakan at dalawang pulgada, kaya nang marating ang pintuan ng penthouse, agad niyang itinapat ang kanyang palad sa scanner ng pinto at agad namang bumukas iyon.
Inihiga niya ito sa mahabang sofa at inilapag ang kanyang shoulder bag para kumuha ng malinis na towel at mainit na tubig. Lumuhod siya sa carpet at inumpisahang punasan ito sa mukha. Napaungol naman si Dale dahil siguro nainitan, pero pagkatapos n’on ay natahimik na ito. Nanginginig ang mga kamay ni Cathy nang hubarin niya ang pang-itaas ni Dale. Halos mapalunok siya sa ganda ng katawang nakalatag sa harapan niya na mayroong six-pack abs.
Nang matapos niya itong mapunasan ay tumayo na siya para iligpit ang mga ginamit niya. Pumasok siya sa kuwarto niya at kumuha ng unan at comforter. Iniangat ni Cathy ang ulo ni Dale at nilagyan ito ng unan. Tatayo na sana siya para abutin ang comforter nang bigla siya nitong hilahin. Bumagsak siya sa katawan ni Dale habang namumungay ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Umangat ang kamay ni Dale at hinaplos ang pisngi ni Cathy.
“I miss you.” Sabay kabig nito sa kanya at mapusok siyang hinalikan sa labi.
Gustong itulak ni Cathy si Dale at pigilan ang ginagawa nito sa kanya, pero ang traydor niyang katawan ay ayaw sumunod, bagkus ay tinugon niya ang masarap na halik ni Dale. Dahil expert sa babae ay madaling nahubaran ni Dale si Cathy.
Nangangatal ang katawan ni Cathy. Hindi niya malaman kung dahil ba sa lamig o sa pagnanasa, kaya hindi na niya napansin ang pagmamadali ni Dale na hubarin ang sariling pantalon nito kasama ang boxer shorts. Umigkas ang naghuhumindig na p*********i nito.
Hindi na nakatutol si Cathy nang ihiga siya ni Dale sa carpet at doon pinaliguan ng halik. Halos mabaliw siya sa sarap habang sinasamba ni Dale ang p********e niya. Alam ni Cathy sa sarili niya na hindi na niya kayang tanggihan ito. Ano nga ba ang irereklamo niya samantalang matagal na niyang pinangarap ito?
“I’ll take you now . . .” anas ni Dale sa kanya na tinanguan lang niya. Pumwesto ito sa pagitan ng mga hita niya at lalo pang ibinuka iyon. Siniil siya ng mapusok na halik sa labi ni Dale kasabay ang malakas na ulos na ikinasigaw niya. Dahil nakainom ito ay hindi nito napansin ang luhang kumawala mula sa mata niya. Isa pang malakas na ulos at halos mawalan ng ulirat si Cathy sa sobrang sakit, kaya naman napayakap siya nang mahipit kay Dale sabay kagat sa balikat nito.
“Please don’t move, ang sakit . . .” Patuloy ang pag-agos ng luha niya.
Parang nawala ang pagkalasing ni Dale. Awa ang bumalot sa mukha niya nang mapagmasdan ang magandang mukha ni Cathy na nakangiwi sa sakit.
“I’m so sorry, baby,” bulong niya kasabay ng isang matamis na halik. Ramdam ni Dale ang sugat sa balikat niya sa pagkakakagat nito sa kanya, pero hindi niya iyon ininda dahil ang atensiyon niya ay nasa babaeng laman lang dati ng mga panaginip niya.
Nang masiguro ni Dale na nakapag-adjust na ito ay dahan-dahan na siyang naglabas-masok dito. Sa umpisa ay mahapdi iyon pero nang tumagal ay napalitan na ito ng luwalhati. Ang bawat ulos ni Dale ay sinasalubong na ng balakang ni Cathy habang umuungol nang malakas.
“Masakit pa ba?” malambing na tanong ni Dale.
Umiling si Cathy. “M-Masarap na.” Kaya binilisan na ni Dale ang pag-ulos sa p********e nito na lalo pang nagpalakas ng ungol ni Cathy.
Hindi na kayang pigilan ni Dale ang luwalhating nararamdaman, kaya kasabay ng malakas na halinghing ni Cathy ay sumabog ang katas niya na pumuno sa p********e nito. Hinalikan niya si Cathy sa labi at dahan-dahan niyang hinugot ang kanyang kahabaan sa kaibuturan ni Cathy. Binuhat niya ito at dinala sa kuwarto nito. Pumasok siya sa banyo at naghanap ng towel na malinis, binasa iyon ng maligamgam na tubig, at pumwesto sa pagitan ng mga hita ni Cathy. Nakatingin lang ito kay Dale dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Halos hindi na siya makagalaw.
Maingat na pinaghiwalay ni Dale ang mga hita niya at idinampi ang mainit na towel sa hiwa ng p********e niya. Pagkatapos ay bumaba ang mukha nito at inilapat ang mga labi sa kanyang hiyas para halikan siya roon. Ipinatong niya ang towel sa side table at maingat siyang kinumutan.
Bago lumabas ng room si Dale ay hinalikan siya nito sa noo. “Sleep well,” bulong nito saka siya tinalikuran at lumabas.
***
“NASA’N ako at kaninong bahay ’to?” Nagising si Dale sa sakit ng ulo kaya bumangon siya nang matilihan. Sumilip siya sa bintana pero madilim pa sa labas. Nakaawang ang isang pinto kaya lumapit siya para silipin kung may iba pa bang tao sa bahay na iyon. Maingat siyang pumasok at tiningnan ang taong nakahiga sa ibabaw ng kama. Naipilig niya ang kanyang ulo, iniisip kung totoo ba ang nasa harapan niya. “Cathy?”
‘Bakit ako nandito sa penthouse na ’to? At bakit magkasama kami?’
Nasa pinakagilid si Cathy nang mapansin niya ang bloodstain sa puting bedsheet. Sa pagkakatagilid nito ay alam ni Dale na wala itong saplot. Nagmadali siyang lumabas.
Kinakabahan si Dale habang nasa elevator sa kaalamang magkasama sila ni Cathy. Nasa taxi na siya at pinipilit alalahanin kung paano sila nagkita at ano ang nangyari. Iniisip niya kung totoo bang nag-s*x sila nito o panaginip lang iyon. Bakit wala siyang damit nang magising at gano’n din si Cathy? At ang hindi mawala sa isipan ni Dale ay ’yong dugo sa kama. Pero kung totoo iyon na nangyari sa kanila ay kasiyahan iyon para kay Dale.
Pagdating sa bahay ay dumeretso agad siya sa kuwarto at nagpalit ng damit.
‘Hell yeah, Dale. Bakit kung kailan lasing ka, saka pa kayo nagkita?’
Nag-aalmusal na siya nang kausapin siya ng kuya niya na kararating lang din daw.
“Prepare your things, ihahatid kita sa airport. Daddy called yesterday and he needs you there.”
“How long will I stay there, Kuya?”
“I don’t know, Dale. Depende siguro kung maagang ma-solve ni Lath ang problema sa China.”
“What happened?”
“May isang pasahero na nahulihan ng ilegal sa shipping lines, so kailangan si Lath doon for investigation.”
Matamlay na nag-impake si Dale dahil wala siyang choice kaya isinaisantabi na lang muna niya ang nangyari sa kanila ni Cathy. Kahit naman easy-go-lucky siya ay responsable naman siya pagdating sa mga negosyo nila.
***
NASA waiting area na ng airport si Dale. Blangko ang isipan niya. Hindi niya pansin ang mga taong nagbubulungan, lalo na ang mga babae. Tumayo siya at naghanap ng puwede niyang mabilhan ng maiinom, nanunuyo kasi ang lalamunan niya dahil sa hangover.
Humantong siya sa isang cofee shop. Habang nakapila ay nakatungo siya dahil masakit ang ulo niya. Isang bata ang nakita niyang tumatakbo nang bigla itong madapa. Naaawang nilapitan iyon ni Dale at binuhat. Dahil sa lakas ng iyak nito ay nakakuha ito ng atensiyon sa mga taong naroroon.
“Kiddo, stop crying. Where’s your mom? Nasaktan ka ba?” Pero sa halip na sumagot ang bata ay nagpatuloy lang ang pagtulo ng luha nito, kaya naman niyakap ito ni Dale. Kinarga ni Dale ang bata papunta sa counter. “Pineapple juice, pakilagyan din ng maraming ice. How about you, kiddo? Do you want anything?”
“I want this,” turo ng bata sa cake na sandaling natigil sa pag-iyak.
Nakaupo na sila pero wala pa ring nagki-claim sa bata. Panay ang linga ni Dale dahil malapit na ang boarding time niya.
“How old are you, kiddo?”
“Five years old po.”
“Can I see your small bag, please?”
Nakaekis sa katawan ng bata ang maliit na bag kaya si Dale na ang nag-alis nito. Walang ibang laman ang maliit na bag kundi passport, plane ticket at boarding pass, at iisa ang plane na sasakyan nila. Napansin ni Dale na pareho pa sila ng family name ng bata.
Nag-announce na for boarding ang eroplanong sasakyan ni Dale. Isasara na lang sana niya ang bag nang mapansin ang isang sobre. Tumayo na sila at naglakad habang nakahawak ang bata sa kamay niya. Hindi muna sila pumila dahil maraming pasahero kaya naupo muna siya katabi ang bata. Binuksan niya ang sobre at namangha siya nang mabasa ang sulat na naroroon.
Mr. Montemayor,
Please take care of him. He is your son. Alam kong hindi ka maniniwala, pero totoo ang sinasabi ko. Nalaman kong aalis ka ng bansa kaya sinikap kong maihabol ang bata. I’m his auntie. Masakit man na malayo sa amin ang bata pero alam namin na magiging maganda ang buhay niya sa piling mo.
My ate is sick at ilang buwan na lang ang ibinigay ng doktor sa kanya. Ito lang ang kahilingan niya, na maibigay sa ’yo ang bata. Kalakip nito ang birth certificate niya. Please mahalin mo siya. Sana matanggap mo si Baby Julius Deile Villaflor-Montemayor
Nilapitan sila ng staff dahil sila na lang ang nakaupo sa waiting area, tulog na rin ang bata sa tabi niya. Kinarga ito ni Dale at iniabot ang boarding pass nila sa staff.
Habang papasok sa eroplano ay hindi maiwasan ni Dale na makaramdam ng kaligayahan. Siguro tama ang kasabihan. ‘Lukso ng dugo’ ang naramdaman niya kanina nang makitang umiiyak ito. Magkaiba sila ng seat number, lalo pa at nasa VIP si Dale habang ang bata ay nasa business class lang.
Kinausap nito ang staff na kung puwede ay ilipat sa VIP ang bata. Hindi makapag-decide ang staff kaya humingi ito ng ilang minuto. Agad namang tinawagan ni Dale ang airline company, at dahil kilala ang mga Montemayor ay agad silang nag-utos sa mga staff na ilipat ang bata.
Habang inaayos ni Dale ang kumot ng bata ay hindi pa rin siya makapaniwala na anak niya ito. Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa ulo.
“Sorry, baby. Daddy don’t know na anak ka niya.” Naisipan niyang buksan ang bag nito at kinuha ang birth certificate. Inalam niya ang pangalan ng mommy nito. ‘Anna Rica Villaflor.’
Sa dinami-rami ng babaeng dumaan sa buhay niya ay hindi niya kilala ang mga iyon, pero isa lang ang naisip niya. Lately, nanaginip siya tungkol sa nagngangalang rica. ‘Posible kaya na siya ang babaeng ito?’
***
NAALIMPUNGATAN si Dale sa hikbing narinig niya. Bumaling siya katabi at parang nadurog ang puso niya nang makita ang pamumula ng mga mata ng anak niya sa kaiiyak.
“Baby, sshh, stop crying.” Niyakap niya ito nang mahigpit.
“Uncle, nasaan po tayo at nasaan ang auntie ko?”
“Listen to me and look at me.” Sinunod naman siya ng bata. Dinukot ni Dale ang passport niya at ang passport nito. Ipinakita niya iyon sa bata. “My name is Mark Dale dela Fuente-Montemayor and you are Julius Deile Villaflor-Montemayor. Can you see it, baby? Pareho tayo ng family name.” Tango lang ang isinagot ng bata, halatang naguguluhan. “Baby, I’m your daddy. Iniwan ka ng auntie mo sa akin dahil iyon ang gusto ng mommy mo.”
“Totoo po na ikaw ang daddy ko? Eh, bakit ngayon lang po kita nakita?” inosenteng tanong ng bata.
“Kasi busy si Daddy sa trabaho at laging nasa ibang bansa kaya hindi mo ako nakikita.” Niyakap ni Dale ang anak. “Baby, okay ka na ba? Please, h’wag ka na uli iiyak, ha? Daddy loves you so much.” Naramdaman ni Dale na gumanti ito ng yakap sa kanya.
“Opo, daddy ko. Promise, hindi na po ako iiyak uli, at promise mo rin, Daddy, na hindi mo na ’ko iiwan uli dahil sa trabaho mo . . . Promise, daddy, that you will always be by my side.”
Ginulo ni Dale ang buhok ng anak at inilabas ang kanyang iPad at may ipinakita roon.
“Look, this is Lola and Lolo. Sila ang pupuntahan natin ngayon, kaya smile ka pagdating natin, ha?”
“Okay po, Daddy.” At nag-thumbs up pa ito kay Dale.