SI Dale ang pinakabunso sa billionaire’s triplets, isang lalaking nagmahal nang lubos. Wala siyang itinira sa kanyang sarili, lahat ay ibinigay niya sa babaeng kaisa-isang minahal. Ngunit hindi niya namalayan na niloloko lang pala siya nito.
Nabuntis ang kanyang girlfriend subalit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. Ang masakit pa ay nalaman din niya na ginamit lang ng babae ang yaman niya. Dahil ang babaeng ’yon pala ay naghihiganti sa pagkamatay ng ina nito na ang kanyang ama raw ang may kagagawan. Hindi niya iyon matanggap dahil sobrang mahal na mahal niya ang dalaga.
Hanggang isang gabi ay harapang ipinakita sa kanya ng babae ang pakikipagtalik nito sa ibang lalaki. Sa puntong iyon ay hindi na niya kinaya, hanggang natagpuan niya ang sariling lulong sa ipinagbabawal na gamot. Nang sabihin ng girlfriend niya na magpakamatay na lang siya ay kanya itong sinunod. Ang akala niya ay iyon na ang katapusan niya ngunit mahal pa rin pala siya ng Diyos, sapagkat makalipas ang maraming buwan ay nagising siya mula sa coma.
Magmula noon ay sumumpa siya sa sarili na hinding-hindi na muling magmamahal. Itinanim din niya sa puso at isipan na ang mga babae ay dapat gawing laruan lamang.
Kaya ngayon, ang dating mabait at mapagmahal na si Dale, ay naging easy-go-lucky, heartless at arrogante.
***
“BROTHER, saan ka pupunta?”
“Bibisitahin ko lang ang kaibigan ko, Kuya Dave. Hindi naman ako magtatagal doon.”
“Dale, hindi sa pinagbabawalan kita, pero huwag ka sanang iinom ng alak.”
“Don’t worry, Kuya Dave, hindi na ako ang dating Dale. Marami nang nagbago kaya ipanatag mo ang iyong isipan. Walang mangyayari sa aking masama. Tama na ’yong isang beses, wala nang pangalawa pa.”
“Salamat naman kung gano’n. Ingat ka.”
“I will, Kuya Dave.”
Sakay siya ng latest model ng isang Hummer at nagtungo sa bar na pagmamay-ari ng kaibigang si Tyron. Pagdating niya sa loob ay nanibago niya sa paligid. Mukhang bagong renovate ang loob ng bar.
“Pareng Dale, ikaw ba ’yan?”
“Bakit? Meron pa bang iba?”
“Baka kasi namali ako sa inyong tatlo, mabuti na ang naninigurado.”
“’Tado! It’s me.”
“Long time no see. Where have you been? Aba, ilang taon kang hindi nagpakita dito sa bar, na-miss ka na ng mga baso dito,” biro sa kanya ng kabigan.
“Ah, na-assign ako sa ibang bansa kaya ngayon lang uli nakapasyal dito. Kumusta? Mukhang asensado na ang bar mo, ah. Malaki na rin ang espasyo.”
“Medyo may kaunting suwerte lang, pare.”
“How about chicks? Marami pa rin ba?”
“’Pag babae ang usapan, walang pagbabago: mas lalo pang dumami at mga bata pa. Bakit? Gusto mo ng babae? Pero bawal magseryoso. Alam mo naman na puro pang-one-time lang ang mga babaeng nagpupunta dito.”
“Siyempre naman. Hindi na ako kagaya ng dati. Marami nang nagbago, Pareng Tyron. Saka wala na sa bokabularyo ko ang mga babae.”
“Kaya pala ang tagal mong hindi nagpakita. Don’t tell me . . . Oh, God. F*ck, man, nakabuntis ka?”
“F*ck you too. Hindi, ’no.” Sabay lagok ng whisky. Nakalimang shots din siya at lumabas na ng bar. Medyo tipsy na siya kaya hindi niya napansin ang kanyang nabangga.
“F*ck! What the hell!” Sabay tulak sa kanya ng nakabangga. Bumaling si Dale para suntukin sana ito.
“You!” Sabay pa silang nagkagulatan.
“I’m so sorry. Medyo tinamaan ako sa ininom ko. Nasaktan ka ba?”
“No, I’m okay. Kumusta, sir?”
“Masyado namang formal ang sir. Call me Dale. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ’yo noon, bigla ka kasing nawala.”
“Actually, muntik na nga sanang ma-cancel ang pag-alis ko noon dahil masyado na akong late. Four months din akong na-delay dahil sa pakiusap ng isang kaibigan na maging isang private nurse ng isang coma patient.”
“Ehem! So, kasalanan ko?” Pilit na ngumiti si Dale.
“By the way, I just arrived two days ago. Galing akong UK.”
Gusto pa sanang makipagkuwentuhan ni Dale dito pero dahil tipsy na siya at nakakahiya naman na sa ganito pang sitwasyon sila nagkitang muli, he decided to go. Nagpaalam na siya sa babae para umalis.
“Thanks.” At kumaway na lang siya.
Pasakay na siya sa kanyang kotse nang may maalala siya. Lumingon pa siya pero wala na ang dalaga.
Nanghihinayang siya na hindi niya nakuha ang mobile number nito. Kahit natanong man lang niya sana ang address nito.
Pagdating ni Dale sa mansiyon, nagulat siya sa sumalubong sa kanya.
“What the hell are you doing, Dale? Gusto mo bang atakihin si Daddy? Hindi ka ba napapagod sa pinaggagawa mo? Alam mo bang malapit nang malaman ni Mommy ang kagag*han mo? Every time na tatawag sila ay wala ka. Kahit mobile mo, hindi ma-contact!” galit na sermon ng Kuya Dave niya.
“I’m sorry, Kuya, but please h’wag ngayon. Pagod ako at gusto ko nang matulog.”
Nalanghap ni Dave ang hininga niyang amoy alak at napailing na lang siya sa kapatid.
“Hanggang kailan ka magiging ganyan, Dale?” bulong ni Dave sa hangin.
Nakaunan si Dale sa mga kamay niya habang nakatingin sa kisame. ‘Miss Cathy Villegas, lalo siyang gumanda. May BF na kaya siya? F*ck naman, bakit ka pa bumalik?’ May pait sa ngiti niya.
Hindi niya deserve magmahal at alam niya na masasaktan lang ito kaya dapat iwasan na niya ito at iwaglit sa isipan ang babaeng unang nagpatibok sa puso niya mula nang magising siya sa pagkaka-coma.
***
KINABUKASAN, Dale is so bored kaya naisipan niyang puntahan ang kapatid sa opisina nito.
“What are you doing here?” singhal ni Dave sa kanya.
“Wala na ba akong karapatang tumapak sa opisina mo at kumustahin ang kuya ko? I know you are busy. Let’s go somewhere, Kuya. Bonding naman tayo.” Sabay hila niya sa kamay ni Dave na naiinis pa rin.
“Where are we going, Dale?”
“Sa hacienda, Kuya. I need fresh air at kailangan ko ng kausap.”
“What? Alam mong busy ako at—”
“Stop! Hindi ko tinatanggap ang reason mo,” putol niya sa sasabihin pa ni Dave.
“Dale, ano ba’ng problema mo? Ang tagal mong nawala dahil sa mga kagag*hang pinaggagawa mo! Ilang babae na naman ba ang kakatok sa mansiyon para i-claim na GF or fiancée mo? Can you please stop, Dale? Hindi ka ba naaawa sa mga babaeng pinapaiyak mo?”
“Wala akong ipinangako sa kanila, Kuya, kaya h’wag mong i-blame sa akin ang mga nangyayari sa mga babaeng iyon! From the start alam nila, no string attached. At payag naman sila, kaya wala akong responsibility for them. By the way, Kuya, she’s back and I don’t know what to do.”
“Who?” naguguluhang tanong ni Dave sa kapatid.
“Miss Cathy Villegas.”
“O, akala ko ba, nakalimutan mo na siya?”
“Akala ko rin, Kuya. Ngunit nang makita ko siya kahapon, nothing has change at all, she’s still here . . .” Itinuro ni Dale ang tapat ng puso niya. “. . . at lalo pa siyang gumanda.”
“Akala mo ba, mamahalin ka niya ’pag nalaman niya na isa kang gag*?”
“Oh, come on, Kuya. Kaya nga kita isinama ngayon dahil kailangan ko ng tulong mo.”
“No, Dale. Hindi ko magagawa ang gusto mo. You are crazy sa mga pinaplano mo.”
“Siguro nga, Kuya, baliw na ako. Kung ayaw mo akong tulungan, ako na lang ang kikilos mag-isa.”
***
PAGKARATING nila sa hacienda ay nagmadali nang umakyat sa kuwarto si Dave. Pagod siya at ayaw niya munang pakinggan ang kapritso ng kapatid. Kahit pa mahal ni Dave ang kakambal at hindi niya kayang tiisin ito, ayaw niyang sumakit ang ulo niya.
Kinabukasan ay maagang kumatok si Dale sa kuwarto ni Dave.
“Kuya, let’s go!” Sabay pihit sa seradura ng pinto at tuluyang pumasok para tumabi pa kay Dave sa higaan.
“Ang aga naman, Dale. Saan ba tayo pupunta?”
“Sa falls,” mabilis na tugon niya sa nakasimangot na kapatid.
Sakay ng kabayo ang dalawa habang binabaybay ang manggahan.
“Napag-isipan mo na ba, Kuya?”
Hindi naman umimik si Dave at sinipa nang malakas sa tagiliran ang kabayo kaya mabilis itong kumaripas ng takbo.
Sa falls na inabutan ni Dale ang kuya niya. Kunot-noo siyang lumapit sa malaking bato. Hindi muna niya ito kakausapin, mamaya na lang ’pag malamig na ang ulo nito. Naupo na lang din siya sa ’di-kalayuan habang nakalubog ang mga paa sa tubig.
Nilapitan ni Dave ang kapatid at tinapik sa balikat. “Sigurado ka na ba sa plano mo? Nag-aalala ako sa gagawin mong ito, Dale. Hindi ko na hahayaang mangyari uli ang nangyari sa ’yo three years ago.”
“H’wag kang mag-alala, Kuya. Hindi ko na hahayaan na mangyari uli sa akin ang bagay na ’yon. Doon muna ako sa taas ng puno, Kuya. Gusto ko lang matulog kahit one hour.”
“Sige. Babalikan na lang kita at iikot lang ako sa manggahan.”
Wala na ang kapatid nang umakyat siya ng puno kung saan may tree house. Talagang napakaganda ng lugar na ito. Binuksan niya ang lahat ng bintana saka hubad-baro na nahiga sa ibabaw ng kama. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang dalaga. Hanggang hilahin na siya ng antok.
***
“SINO kayo? Ano’ng kailangan n’yo sa akin?” Naiiyak si Cathy habang nagpupumilit makawala. Tatlong lalaki ang kumakaladkad sa kanya papasok ng isang sasakyan.
“Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan!” sigaw ng isa at piniringan ang mga mata niya.
“Maawa kayo . . . Saan ninyo ako dadalhin? Please, pakawalan n’yo ’ko . . .”
Halos limang oras ang nakalipas nang tumigil ang sinasakyan nila. Nakiramdam siya sa paligid pero walang nagsasalita. Bukas-sarang pinto ang narinig ni Cathy. Maya-maya ay may narinig siyang mga yabag.
Nabigla si Cathy nang alisin ng kung sino ang piring sa mga mata niya.
“S-Sir!”
Sa takot niya ay yumakap siya nang mahigpit sa binata. Nanginginig ang buo niyang katawan.
“Please don’t leave me, sir. Tulungan mo ako. May mga lalaking kumidnap sa akin from Manila.”
“Who? Wala naman akong naabutan dito na iba. Nakasakay ako ng kabayo nang matanawan ko ang sasakyang ito na nakaparada dito. Hindi uso dito ang ganyan kagarang kotse kaya lumapit ako.”
“Kanina lang nandito sila, sir, at bigla na lang huminto dito. ’Tapos wala nang nagsalita at puro kaluskos na lang.”
“Are you okay, Ms. Cathy? Halika na at baka bumalik pa ang mga lalaking sinasabi mong kidnapper.”
Maingat na isinakay ni Dale sa kabayo ang dalaga saka mabilis na pinatakbo ito. Ramdam ni Dale ang bahagyang panginginig nito kaya ikinulong niya ito sa mga bisig niya habang tumatakbo sila.
“Relax, hindi kita iiwan. I will protect you at hindi ko hahayaang may manakit pa sa ’yo.”
Napanatag naman si Cathy at bahagyang sumandal pa ito kay Dale.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na sila sa isang malaking gate. Inalalayan siyang makababa ni Dale at pumasok sila sa loob ng bahay.
“Wow! Kaninong bahay ito, sir?”
“Hindi ba sabi ko, call me by my first name? This is Hacienda Montemayor, sa lolo at lola ko ito. Ngunit matagal na silang namayapa. Sina Mom and Dad naman, bihira lang makapasyal dito. Let’s eat. Feel at home. ’Pag ganitong oras, wala na ang caretaker. Halika na para makapagpahinga ka na rin.”
Isang malakas na katok ang nagpabalikwas kay Dale. Panaginip. Akala niya ay totoo na.
“Dale, akala ko ba, one hour lang? Kanina pa ako sa baba naghihintay sa ’yo. Kung hindi pa kita inakyat dito, hindi ka pa magigising.”
“Wrong timing ka nga, eh.”
“Bakit naman? H’wag mong sabihin na antok ka pa? Pag-usapan na natin ang plano mo. Alam mo na hindi ako maaaring magtagal dito.”
“Sige, Kuya, susunod na ako.”
Ngunit hindi pa man nakabababa si Dale ay isang tawag ang natanggap ni Dave.
“You need to go back to Manila as soon as possible. Magkita tayo sa opisina mo after 2 hours.”
“Brother, sorry. Reschedule mo na lang, hindi na ako maaaring magtagal dahil kailangan ako sa opisina.”
Napatango na lang siya sa kapatid. Siguro nga ay hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
***
MAKALIPAS ang ilang buwan, biglaan ang pag-alis ng kanyang Kuya Dave kaya wala siyang choice kundi hawakan ang iniwan ng kuya niya.
Alam niyang malaki ang problema ng Kuya Dave niya. Ngunit hanggang kailan ba niya hahawakan ang iniwan nitong malaking responsabilidad? Mula nang gumising siya sa pagkaka-coma ay nagkaganito na ang kuya niya. Hindi masyadong malinaw sa kanya ang sinabi ng mommy nila. Subalit dahil kapatid niya ito at tumatayong panganay ay malaki ang respeto niya rito. Easy-go-lucky man siya pero hindi niya hahayaang maapektuhan ang kompanya.
Ilang taon na rin siya sa ganitong buhay: babae rito, babae ro’n. Hindi niya kasalanan na habulin siya ng mga babae. Hindi rin niya kasalanan na nagkalat ang mga babaeng payag sa one-night stand. Lalong hindi naman niya pinapaasa ang mga ’yon. Una pa lang, sinasabi na niya ang rules niya at payag naman silang lahat. Minsan na siyang nabaliw nang dahil sa pagmamahal na muntik na niyang ikamatay. Kaya hinding-hindi na siya magpapaloko sa mga babae.
After work ay tumuloy siya sa bar. Dating gawi.
“Ano, pare? May bago ba?” tanong niya sa kaharap na si Tyron.
“Lagi namang may bago, kailan ba nawalan? Pero, pare, bilib din ako sa ’yo, wala kang kasawa-sawa. Ilang taon ka na bang ganyan? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Papaano kung makakuha ka ng sakit sa mga babaeng ’yan?”
Binatukan ni Dale si Tyron instead na sagutin ang mga sinasabi niya. “Akala mo matino ka kung makapag-advise ka sa akin. F*ck you!”
“Oh, sh*t!” Muntik nang masubsob si Tyron. “Hindi kaya kita painumin dito?” Sabay hagis ng beer-in-can dito na nasalo naman agad ni Dale.
Isang babae ang namataan ni Dale kaya iniwan nito si Tyron sa counter at nilapitan ang babae.
“Hi, I’m Dale,” pakilala nito sabay abot ng kamay. Mabilis namang itinaas ng babae ang kamay kaya hinila niya agad iyon. Sa lakas ng pagkakahila niya ay napasubsob ang mukha nito sa dibdib niya sabay pulupot niya ng braso sa waist nito. Hinapit niya agad ang babae nang mahigpit. “Let’s go somewhere.” Agad na pumulupot ang katawan nito sa kanya at nagmamadali na silang lumabas.
Pagdating sa parking ay pumasok agad sila sa kanyang kotse.
“Get in.” Ang akala marahil ng babae ay pagbubuksan siya ng pinto ni Dale kaya kahit disappointed, napilitan itong buksan ang kotse. Pinaharurot agad ni Dale ang sasakyan at dumeretso sila sa isang beach. Na-excite naman ang babae pero agad din iyong nawala nang itigil ni Dale ang kotse sa gilid ng daan.
Lumabas ito at hinila siya para lumipat sila sa likuran ng sasakyan. Agad na itinulak niya ang babae at walang-sabi-sabing hinubaran ito kasabay ng paggalugad niya sa labi ng natulalang babae. Pero nang matikman nito ang matamis na halik kahit mapagparusa iyon, kusa iyong tinugon ng babae.
Mabilis ang pangyayari, pareho na silang hubad-baro. Walang ibang maririnig kundi ang malalakas nilang ungol. Mabilis na dinukot ni Dale ang condom sa bulsa at isinuot sa sarili. Walang-ingat na pinasok niya ang p********e nito na nagpahugot dito ng malakas na paghinga.
“Ouch!” Dahil hindi masyadong basa ay nakaramdam ng kirot ang katalik. Si Dale ay walang pakialam sa katalik. Binayo niya nang binayo ang p********e nito.
Sa halip na itulak siya nito ay hinila pa siya at ipinulupot ang mga hita sa baywang niya para salubungin ang marahas na paglalabas-masok niya. At dahil eksperto sa pakikipagtalik ay halos maduling sa sarap ang babaeng kaulayaw niya.
“Oh, f*ck me hard, baby! Ahh, sh*t! You’re so big and long. Ahh, deeper, baby!” Halos isigaw na ng babae ang nararasanasang kakaibang luwalhati ng p*********i niya.
Hindi nagtagal ay sabay nilang naabot ang sukdulan. Humihingal na umalis agad sa ibabaw ng babae si Dale at hinugot ang condom na inihagis niya lang sa kung saan.
“Get dress.” Sabay labas ni Dale para lumipat sa driver’s seat. Matapos makaupo ang babae ay agad niyang pinasibad ang sasakyan. Walang-imik na bumalik sila sa bar at pinababa niya ang babae. Ang akala nito ay ipa-parking niya lang ang kotse pero sa halip ay humarurot siya palayo.
Bumalik ang babae sa loob ng bar at naiinis na umupo sa counter saka nag-order ng inumin.
“O, ang bilis n’yo, ah?” tanong ni Tyron sa babae.
“Do you know him?” tanong ng babae sa kanya.
“Yeah. He’s my friend. Why?” nagtatakang tanong niya sa babae.
“He’s a jerk! Kahit man lang thank you, wala!” galit na sagot ng babae.
“Wala kang aasahan sa kanya, ganyan talaga ang kaibigan ko.”
“Sino ba ang lalaking ’yon na akala mo ay sino kung umasta?”
“He’s a Montemayor, so forget it kung anuman ang namagitan sa inyo.”
“Montemayor?” Napatayo sa kinauupuan ang babae.
Napansin ni Tyron na nanahimik ang babae, ngunit alam niyang may ibang iniisip ito.
“Mas mabuting kalimutan mo na siya, miss, dahil sigurado na hindi mo na rin ’yon makikita.”