MASAKIT ang buong katawan ni Cathy, nahihirapan din siyang maglakad dahil pakiramdam niya ay nakapasok pa rin ang kahabaan ni Dale sa kaibuturan niya. No’ng magising siya kaninang umaga ay wala na ito, ni wala man lang note na iniwan kaya hindi naiwasan ni Cathy na maiyak. Wala siyang karapatan na mag-senti dahil wala naman silang relasyon ni Dale. Isa pa, kasalanan din niya ang nangyari kung bakit bumigay siya agad dito.
Pitong taon, akala niya ay nakalimutan na niya si Dale, pero no’ng magkita sila, she realized that she still loves him. Hindi siya dapat mag-expect mula kay Dale. Hindi ito ordinary man na kagaya ng iba; isa itong billionaire, kaya sino ba siya para pag-ukulan ng pansin ng isang Montemayor? Pero gano’n pa man ay hindi niya pinagsisisihan na ibinigay niya kay Dale ang virginity niya. Mahal na mahal niya ito. Sana nga magbunga ang p********k nila para may maiwan ito sa kanya. Posibleng mabuntis siya nito, at ’pag nangyari ’yon, kahit wala si Dale sa buhay niya ay magiging masaya pa rin siya.
Hindi na isang nurse si Cathy, isa na siyang magaling na doktor. Sa UK siya nag-aral ng medisina. Nagbakasakali siyang mapansin ni Dale dahil noon, isa lang siyang private nurse nito. Pero sa mga nangyari ngayon ay malabo na siyang pansinin nito, lalo at agad-agad siyang bumigay rito. Gusto niyang matawa sa sarili. Kung kailan naging doktor na siya, saka pa siya nagpakatanga. Anyway, it’s fate. Pampalubag-loob na lang ni Cathy ang isiping magbubunga ang pinagsaluhan nila ni Dale.
***
Two months later…
NAG-ALALA si Cathy nang ’di sinasadyang mapatingin siya sa kalendaryo. Agad siyang kinabahan nang maisip na matagal na pala siyang hindi dinadatnan ng buwanang dalaw. At para makumpirma ang kinatatakutan, lumabas siya at bumili ng pregnancy test kit. Dinalawa pa niya iyon upang masiguro na walang magiging mali sa test na gagawin niya. Pagdating sa bahay ay agad siyang pumasok sa bathroom at ginawa ang mga test. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa maaaring maging resulta.
Ilang minuto pa ang lumipas at saka niya iyon sinilip. Nakaramdam siya ng panghihina nang makita ang dalawang linya. At the same time, nakaramdam ang puso niya ng saya. Dahil magkakaanak na sila ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal. Nagtataka lang siya: bakit wala siyang kakaibang nararamdaman? Posible pala na hindi siya nakararamdam ng pagkahilo?
Subalit nasagot ang katanungan sa isipan niya nang sumapit ang ika-tatlong buwan. Nagsimula na ang kanyang paglilihi at kahit nahihirapan ay masayang-masaya naman siya dahil ang batang nasa sinapupunan ay mula sa kaisa-isang lalaking minamahal. Ipinangako niya sa sarili na mamahalin niya ito nang higit pa sa lahat, at kahit wala itong kikilalaning ama ay okay lang iyon sa kanya. Dahil magmula nang may mangyari sa kanilang dalawa ay hindi na nagpakita sa kanya ang binata. Gano’n pa man ay lubos pa rin ang pasasalamat niya.
‘Thank you, Dale, sa pagbibigay mo sa akin ng anak. Hindi man naging tayo, at least may naiwan ka naman sa aking alaala.’
***
Three years later . . .
MASAYANG-MASAYA ang mag-amang Dale at Deile sa London. Nakapag-adjust na rin sa kanya ang anak. Tatlong taon na sila sa London at kahit ano’ng busy ni Dale ay hindi siya nawawalan ng oras sa anak. Mahal na mahal din ito ng mga lolo at lola nito dahil para daw itong si Dale no’ng bata siya. Ganon pa man ay hindi pa rin nagbabago si Dale. Babaero pa rin ito at parang damit lang kung magpalit ng babae. Pero mas maingat na siya ngayon. Ayaw na niyang magkaanak uli sa labas, lalo at hindi niya kilala ang magiging ina, kagaya ng kay Deile na hindi niya kilala ang ina.
Ilang araw na lang at bakasyon na nina Deile sa school, makakapag-bonding na naman sila. Lahat ng free time ni Dale ay ibinibigay niya sa anak. Ngunit pinauuwi na sila ng daddy niya sa Pilipinas dahil kailangan na raw siya ng Kuya Dave niya. Wala siyang nagawa kundi sundin ito at umuwi silang mag-ama sa Pilipinas.
Private jet ang sinakyan nilang mag-ama pabalik ng Pilipinas, kasama nila si Lander at ang asawa nitong si Nicole.
“Napakabibo ng anak mo, Dale,” sabi ni Lander habang humahalakhak ito sa kalokohang pinaggagawa ng anak niya. “Kabaliktaran mo no’ng bata ka. Napakatahimik mo noon at palagi kang umiiyak dahil ambagal mong kumilos. Mabuti na lang at biniyak sa ’yo ang mukha ni Deile.”
“Ikaw nga raw ang tagapagtanggol ko noon sabi ni Daddy.”
“Yes, totoo ’yon.” Biglang nagseryoso si Lander. Kinabahan naman si Dale dahil alam niyang tungkol na naman sa pambababae niya ang sasabihin nito. “Nabanggit ko ba sa ’yo ’yong last kong uwi ng Pilipinas?”
“Hindi, Uncle. Why?”
“I think two and a half years ago, I saw Cathy, ’yong private nurse mo noon. Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya napunta ako sa ospital and siya yong attending physician ko dahil wala ang doktor ko. She’s a successful doctor now. Ang sabi ng kaibigan ko ay sa UK daw ito nagpakadalubhasa.”
‘Mabuti naman kung gano’n. Malayo na pala ang narating niya,’ bulong ng isipan ni Dale.
“Mabait na bata iyon, suwerte ng lalaking pinakasalan niya.”
Parang may tumusok sa puso ni Dale sa narinig.
“I see. Nag-asawa na pala siya,” wala sa sariling bulong ni Dale na malinaw na narinig ng uncle niya.
“Malamang. Buntis nga no’ng makita ko, ang laki ng tiyan. Ang sabi ng kaibigan ko, kambal daw kaya sobrang laki ng tummy.”
Nasasaktan pa rin siya kahit sampung taon na mula nang magising siya sa coma, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman niya? Iniwasan na nga niya ito at ibinaon sa limot dahil alam niyang hindi siya kailanman mamahalin nito, lalo na’t nalalaman nito na isa siyang heartless na hindi na mabilang ang mga babaeng dumaan sa mga kamay niya at umiyak sa kanya. But how can he forget her?
Ipinilig ni Dale ang ulo at pilit na iwinaksi sa isipan ang tungkol kay Cathy. Inayos niya ang kumot ng anak at saka pumikit.
Pumasok sa alaala niya ang gabing nilisan niya ang penthouse ni Cathy. Alam niyang may nangyari sa kanila, hindi man ito masyadong malinaw. Ang hindi niya lubos maisip, bakit sa kanya ipinagkaloob ni Cathy ang virginity nito kung ito pala ay may plano nang mag-asawa noon?
Pagkalapag ng eroplano ay naghiwalay na sila ng Uncle Lander niya at ng asawa nito. Hindi ito sa Montemayor mansion tumuloy kundi sa sarili nilang mansiyon.
Nadatnan ni Dale ang kuya niya na malalim ang iniisip. “Kuya!” malakas na tawag niya rito sabay yakap. “Kumusta?”
“Not good!” Nabaling ang tingin nito sa batang kasama niya. “Who’s this kid?” may pagtatakang tanong niya rito.
“He’s my son. Ah, Deile, come here, baby. Meet Uncle Dave,” sagot niya rito.
“What? Kailan ka pa nagkaanak? At bakit ngayon mo lang dinala dito?”
“I met him at the airport no’ng paalis ako papuntang London. Someone drop him. Pasensiya na, Kuya. Talagang sinadya kong hindi ipaalam sa ’yo ang tungkol sa kanya.”
“It’s okay brother, come, kiddo. Hug sa Tito. Teka, marunong bang mag-Tagalog ’to?”
“Yes. Alam mo naman si Mommy, gusto niya palaging priority ang sariling language.”
“Sino ang mommy niya?”
“The truth is, hindi ko kilala ang ina ng anak ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaanak. Hindi ko naman nakakalimutan ang condom. Pero no’ng lumabas ang DNA test, napatunayan kong anak ko talaga siya. Ang sabi sa sulat ay iyon daw ang huling kahilingan ng ina ni Deile: ibigay sa akin ang anak namin. She’s dying that time. Isa pa, nakapangalan sa akin ang anak ko kaya hindi ako nag-alinlangang isama siya.”
“Sana wala nang ibang bata na ipadala uli sa ’yo dahil anak mo na naman sa hindi mo kilalang babae.”
Napangiti lang si Dale sa kapatid.
“Baka puro panganay ang anak mo, Dale?” sita ni Dave sa kanya.
“Hindi naman, Kuya. Maingat na ako ngayon.”
“By the way, I saw Cathy’s twins. So cute, parehong lalaki. Naabutan ko sila no’ng napadaan ako sa ospital. Kung naging girlfriend mo si Cathy, iisipin kong anak mo ang kambal niya. Akala nga nila ako ang ama. Biniro pa ako ng kaibigan ko na may dugong Montemayor daw ang mga bata.”
May kabang bumundol sa dibdib ni Dale sa binanggit ng kuya niya.
***
KINABUKASAN, dinala ni Dale ang anak sa isang amusement park. Hindi matatawaran ang kasiyahang makikita sa mata nito. Halos lahat ng rides ay gusto nitong masakyan, kaya parang hilong talilong si Dale. Hindi naman kasi puwedeng hindi siya kasama nito sa mga rides.
“Are you hungry, anak?”
“Yes, Dad. Let’s go. I want to eat kare-kare saka alimasag po.” Sinunod naman agad ni Dale ang gusto ng anak.
Pumarada sila sa tapat ng isang seafood restaurant at excited na pumasok agad sa loob ang anak pagkababang-pagkababa ng kanyang sports car. Palinga-linga itong naghanap ng mauupuan nila ng ama. Halos nakatutok naman ang mga mata ng kababaihan kay Dale na iginagala ang mga mata para hanapin ang anak.
“Dad!” sigaw ni Deile habang kumakaway. “Here!” Mabilis niya itong nilapitan. Hindi naman pansin ni Dale ang mga babaeng nagtatangkang kuhain ang atensiyon niya. Nag-order agad sila ng lahat ng gustong kainin ng anak nang biglang tumunog ang cell phone niya.
“Yes, Kuya, we’re here.” At ibinaba niya ang tawag. Binalingan niya ang anak. “So ano’ng in-order ng baby ko?” Sa halip na sumagot ay sumimangot ito. “Oh, what happened?”
“Eh, Daddy, hindi na ako baby. Hindi mo ba nakikita na malaki na ako?” Sabay krus ng kamay sa tapat ng dibdib, kaya natawa si Dale sabay taas ng kamay.
“Okay, okay. Paumanhin.” Sabay kindat niya sa anak.
Si Dave na nakatayo sa gitna ay ida-dial na sana ang number ni Dale nang bigla siyang tawagin ni Deile na nagpalingon sa kanya.
“Uncle!” Tumakbo ito at yumakap sa tito niya.
“Bab—”
“Uncle, pati ba naman ikaw?” Nagtatampong humalukipkip si Deile sabay balik sa upuan.
“O, ano’ng nangyari?” baling ni Dave kay Dale.
“Ano pa? Eh ’di galit. Hindi na raw siya baby, big man na raw siya.”
“Come, big man. Sorry na.” Sabay kindat ni Dave na nagpabungisngis dito.
Dumating ang order nila at ganadong kumain ang tatlo. Isang babae ang hindi nakatiis at lumapit sa kanila. “Hi, handsome. Can I join you?” Sabay upo sa tabi ni Dale.
“Hey! Don’t seat near my daddy!” saway ni Deile sa babae.
“Eh ’di lumipat,” sagot naman nito at umupo sa tabi ni Dave.
“No! My uncle has a girlfriend na po at maganda ’yon.”
Parang napahiya naman ang babae kaya hindi agad ito nakapag-react.
“Pasensiya na, miss, sa anak ko,” paumanhin ni Dale dito na tumayo naman agad at umalis na.
“Nasaan pala si Ms. Modelo, Uncle Dave?”
“Ahm, busy sa pagmomodelo niya, naroon sa Paris.”
“I see, kailan po pala tayo mamamasyal?”
“Kailan mo ba gusto? At saan? Magsabi ka lang at gagala tayo.”
“Sige po, Uncle. Tatawagan ka ni Daddy ko ’pag ready na ako.”
“Sure, big man.”
Hindi na sila nagtagal pa at nagpaalam sila ng anak sa kapatid.
“Mauna na kami, Kuya Dave.”
“Okay, ingat kayo. Bye.”
“Bye, Uncle.” Kumaway si Deile kay Dave.
Pinaharurot na ni Dale ang kotse at bumaling naman agad sa kanya ang anak. Napansin niyang namumutla ang anak. Iginilid niya ang kotse at huminto.
“May masakit ba sa ’yo, anak?” Nagpa-panic na si Dale.
“Nahihirapan po akong huminga, Dad.”
Tinawagan niya agad ang kapatid. “Kuya Dave, si Deile, namumutla at nahihirapang huminga.”
“Bring him to the hospital, now! I’ll be there.”
Halos paliparin ni Dale ang kotse sa bilis ng pagmamaneho niya. Napansin niyang kakaiba na ang itsura ng anak at naninilaw na ito.
Halos sumadsad sila nang mag-stop si Dale sa emergency room ng ospital. Hindi na niya napatay ang makina ng kotse at patakbong binuhat ang anak.
“Hold on, son.” Halos maiyak si Dale dahil malamlam na ang mga mata ang anak. Sinalubong siya ng kaibigang doktor ng daddy niya.
“Ano’ng nangyari?” tanong nito.
“Galing kami sa seafood resto, Uncle Joshua, then after fifteen minutes, my son cannot breathe.”
“Call Doctora Villegas,” utos ng doktor sa isang nurse. Binalingan nito si Dale. “Doon ka na muna sa labas. I think, this is allergy. Mabuti at naitakbo mo agad siya rito. Delikado ang ganitong allergy, derekta sa puso niya.”
***
NAKATAYO si Dale sa gilid ng ER habang nakasubsob ang ulo sa dingding. Panay ang patak ng luha niya. Hindi niya kayang mawala ang anak.
‘Ito na ba ang karma ko? Please, Lord, h’wag ang anak ko,’ nagmamakaawang hiling niya sa Diyos.
Tinapik ni Dave ang balikat niya. “Ano’ng findings ng doktor?”
“Sabi ng kaibigan ni Uncle Joshua, mukhang allergy daw ’yong sakit niya at napakadelikado daw n’on, direct daw sa puso niya.”
“Magaling ang doktor, Dale. Gagaling si Deile.”
Halos thirty minutes bago lumabas ang mga doktor. Patakbong lumapit sina Dale at Dave sa mga ito.
“Doc, kumusta ang anak ko?” Saka lang nakilala ni Dale si Cathy nang magtanggal ito ng mask.
“He’s fine now, under observation na lang siya, Mr. Montemayor. Hindi pa lumalabas ang results ng examinations niya pero sa tingin ko, sa kinain niya kaya nagka-allergy ang anak mo. Ang posibleng maging problema natin ay ang heart niya. Mahina ang puso ng anak mo.”
“P-Please save him.” Sabay tungo niya dahil sa nag-uunahang pagpatak ng luha.
“Where’s his mother? I want to talk to her.”
“Sorry, but she passed away a long time ago.”
“Oh, sorry. Please come to my office, I have something to explain to you.”