HALOS magsara na ang mga talukap ng mga mata ni Dale sa kaiiyak nito. Langong-lango na siya sa kaiinom. Nagkalat ang basyo ng beer sa carpet. Nakasalampak siya sa gilid ng sofa habang panay pa rin ang tungga kahit umaapaw na ang beer sa bibig niya. Ilang araw na rin siyang hindi naliligo. Kahit ang mga kasambahay ay hindi na matiis ang amoy niya, hindi lang nila mapabayaan dahil amo nila ito.
Nasalubong ni Cathy ang isang kasambahay habang pababa ito ng hagdan. “Ma’am Cathy, saan ho kayo pupunta? Bakit nandito kayo sa taas?”
“Where is Dale?”
“Naku, ma’am, h’wag na ho kayong pumasok sa room niya, bubulyawan lang kayo n’on. Sobrang napakasungit ho mula nang mamatay si Deile, saka hindi ninyo kakayanin ang amoy sa loob.”
Nakaramdam ng inis si Cathy. “Stop talking nonsense! Respect him. Boss mo pa rin siya!” Saka niya ito iniwan at dumeretso sa kuwarto ni Dale.
Sa halip na mandiri ay nahabag siya sa itsura ni Dale. Nagmamadaling nilapitan niya ito at inagaw ang hawak nitong beer.
“A-Ano ba! Layas! ’D-Di ba sabi ko, w-walang p-pa—” Pinutol ni Cathy ng halik ang paninigaw nito. Matagal sila sa gano’ng posisyon at kahit sobrang lasing si Dale, alam niyang amoy ni Cathy ’yon. Pero imposible dahil iniwan na siya nito. Hinawakan ni Dale ang balikat nito at malakas na itinulak. “W-Who are you?! A-And why did you k-kiss me?” Sa halip ay niyakap siya nito nang mahigpit.
“It’s me, babe.” Halos maiyak si Cathy sa nararamdamang awa kay Dale.
Kahit ang dungis-dungis nito ay walang pakialam si Cathy. Sobrang miss na miss na niya ang lalaking ito. Panay ang halik ng dalaga sa kanya sa mata, ilong, pisngi at sa mga labi niya.
Lingid sa kanilang dalawa, ay hindi umalis si Arianne. Bagkus ay bumalik ito matapos ihatid ni Cathy sa gate. At ngayon ay nakatayo ito sa nakaawang na pinto. Rinig at kitang-kita nito ang nagaganap. Ngayon ay nakaramdam ng kapanatagan si Arriane dahil alam niya na mahal na mahal ni Cathy ang anak niya. Hindi rin lingid kina Arriane at Lance ang mga kalokohan ng anak at ang paulit-ulit na p*******t ni Dale sa damdamin ng dalaga, pero hindi nito tuluyang maiwan-iwan si Dale kaya nagdesisyon si Arriane na gagawa siya ng paraan para makasal na ang mga ito. Isa pa, malalaki na ang kambal. Ini-lock ni Arriane ang pinto ng master’s bedroom at nagbilin sa mga kasambahay na h’wag iistorbuhin si Dale.
Sinikap na maiakyat ni Cathy si Dale sa malaking kama saka pumasok sa banyo at kinuha ang nakitang box. Inalis niya ang mga laman nitong men’s personal things. Nilagyan niya iyon ng mainit na tubig saka binuhusan ng body bath. Kumuha rin siya ng isang malinis na towel saka bumalik sa kinaroroonan ni Dale.
Isa-isang hinubad ng dalaga ang lahat ng suot ni Dale saka maingat na pinunasan ang buong katawan nito. Nakamasid lang ang namumungay na mga mata ni Dale sa kanya. Namumula ang mukha ni Cathy sa kaiiwas na mapatingin sa p*********i nito. Napalulunok ang dalaga habang pinupunasan ang dibdib ni Dale. Binuhat na niya ang box at dinala sa loob ng banyo, pinalitan iyon ng malinis na tubig saka kumuha ng panibagong towel at binalikan niya uli si Dale.
Mabilis na pumikit si Dale nang umakyat na ito sa kama. Maingat na pinunasan uli ni Cathy ang mukha niya pababa sa kanyang leeg, dibdib, tummy at sa matigas na p*********i niya. Maingat na idinampi ni Cathy ang mainit na towel sa pagitan ng mga hita ni Dale. Dahil unti-unti nang bumababa ang pagkalasing nito ay napapalitan naman ng matinding pagnanasa sa dalaga ang nararamdaman nito. Sobrang na-miss niya ito.
Matapos n’on ay hinila na ni Cathy ang comforter at kinumutan siya nito hanggang dibdib. Tumayo siya dala ang box at ang towel para bumalik sa loob ng banyo at iligpit iyon. Nang matapos na siya, sinubukang buksan ni Cathy ang pinto para sana lumabas na, kaya lang naka-lock na iyon, kaya bumalik na lang siya at iniligpit ang mga kalat ni Dale. Nalingunan niya si Dale na banayad nang nahihimbing. Naupo na lang siya sa gilid ng kama at hinaplos ang ulo nito.
Bumaling naman ng higa si Dale saka yumakap sa baywang niya. Dahil nakasandal si Cathy sa headboard ay nasa parteng puson niya ang mukha nito. Hindi rin napigilan ng dalaga at ginantihan niya ito ng mahigpit na yakap.
“I missed you, Dale. I’m so sorry dahil wala ako sa tabi mo nang may mangyari kay Deile . . .” Pabulong lang iyon pero malinaw iyong narinig ni Dale.
Pumatak ang luha ni Dale na hindi naman naging kaila sa dalaga. Walang salitang namutawi sa bawat isa pero ang mahihigpit nilang yakap ang nagsasabing nangungulila sila sa isa’t isa. Hinila siya ni Dale pababa para magpantay ang mukha nila saka siya nito mariing hinalikan hanggang mauwi ang halik na iyon sa matinding pagnanasa ng mga katawan nila. Bigla rin siyang binitiwan nito at walang-sabi-sabing tumayo saka pumasok sa banyo. Sinundan lang ng tingin ni Cathy ang hubad na katawan nito. Nagmamadaling naglinis si Dale ng katawan, nag-toothbrush, at saka bumalik agad sa kama.
Ramdam na ramdam ng dalawa ang pangangailangan nilang maging isa. Nakailang ulit siyang inangkin ni Dale no’ng gabing iyon. Halos mag-uumaga na nang pagpahingahin siya ni Dale.
“I love you so much, baby. At sana mapatawad mo ako. Alam kong paulit-ulit na lang ang paghingi ko ng kapatawaran sa ’yo at paulit-ulit din ang kasalanan ko. Thank you dahil binalikan mo ako.”
“Babe, ilang beses ka mang magkasala, masaktan mo man ako nang paulit-ulit, hinding-hindi ko magagawang magalit sa ’yo. Umalis man ako pero tandaan mo, babalik at babalik ako dahil ang puso ko ay pagmamay-ari mo. Sinabi ko noon na hindi ako martir pero heto ako, patuloy pa ring nagmamahal sa ’yo kahit alam kong kaakibat nito ay palaging luha at sakit dahil siguro itinalaga ako ng Diyos para sa ’yo.” Ilang butil ng luha ang nalaglag sa mata niya bago tuluyang hilahin ng antok.
***
NAGISING si Cathy sa banayad na haplos sa pisngi niya. Napabalikwas siya dahil mataas na ang sikat ng araw sa nakabukas na bintana. Nagmamadaling bumangon ang dalaga at hinila ang nabiglang si Dale. Dinala niya sa loob ng banyo ang wala pa ring saplot na lalaki. Dinampot niya ang shaving cream, nilagyan ang mahaba na nitong balbas, at maingat na inahitan ang parteng ’yon. Iniabot din niya ang toothbrush kay Dale saka binuksan ang shower at tinimpla ang tamang init. Binalingan niya ang nakatayong lalaki at hinila ito.
Itinapat niya si Dale sa shower saka kinuha ang shampoo at binuhusan ang buhok nito. Wala namang reklamo ang nangingiting si Dale sa ginagawa sa kanya ng dalaga. Natigilan si Cathy nang hawakan ni Dale ang mga kamay niya at igiya sa katawan nito para siya na ang magsabon. Namumula ang mukha ng dalaga nang hilahin ni Dale ang kamay niya patungo sa matigas na p*********i nito. Napahugot ng malalim na hininga si Dale sa bawat haplos ng dalaga habang nilalagyan ng mabulang shower gel ang ngayo’y naghuhumindig na kahabaan niya. Kumawala ang malakas na ungol ni Dale.
Sobrang pagpipigil ang ginawa nilang dalawa. Tama na muna ang naganap kagabi. Hindi ito ang tamang oras para unahin nila ang sarili habang ang anak na panganay ay nakaburol.
After shower ay tumuloy sa closet ni Dale ang dalaga para kuhaan ito ng damit na maisusuot. Isang black jeans and white CK polo shirt ang iniabot niya rito. Inayos ni Cathy ang kuwelyo ng suot ni Dale saka niya ito hinawakan sa magkabilng pisngi at hinalikan sa labi.
“Babe, naka-lock ang pinto. I need my things para makapagbihis ako.”
Niyakap siya sa likuran ni Dale. “Thank you, baby.” Saka siya hinalikan nito sa ulo.
Tinawagan ni Dale ang ina gamit ang phone ni Cathy dahil hindi na alam ni Dale kung nasaan ang phone niya.
“Mommy, we’re stuck here in my room. Somebody locked the door.”
“I will, son. Coming.”
***
ISANG malaking ngiti ang namutawi sa mga labi ni Arriane na hindi naman nakaligtas sa asawa nitong si Lance.
“Honey, what’s the big smile?”
Hinila siya nito at iniabot ang master’s bedroom key. “Ikaw na ang magbukas.”
Bumukas ang pinto at iniluwa ang mga magulang ni Dale. Nagulat ang dalawa. Pareho pa silang walang saplot kaya pulang-pula ang mukha ni Cathy na hindi makatingin sa mga ito. Patay-malisya naman ang mag-asawa.
“Oh, sorry.” Saka mabilis na hinila pasara ang pinto.
“Mom! Please pakisabi po sa maid na dalhin ang gamit ni Cathy dito.”
“Okay, son.” At nagkatinginang bumaba na ng hagdan ang mga ito.
***
SA silid ay binato ng unan ng dalaga si Dale.
“Ouch, baby!” Kunwari’y nasaktan si Dale.
“Sh*t! Nakakahiya sa parents mo! Bakit kasi hindi mo itinaas ang kumot?” sita nito kay Dale. Niyakap lang siya nito sa bandang likuran saka hinalikan sa buhok.
“Baby, I’m so happy dahil bumalik kayo ng mga bata kahit wala na si Deile.”
Humarap naman agad ang dalaga saka hinalikan si Dale. “I love you, Dale.”
Nagtaka ang mga kasambahay nang makita nila si Dale na fresh at guwapong-guwapo sa simpleng suot nitong black jeans at white polo shirt. Hila nito sa kamay si Cathy na dumeretso sa dining room. Nadatnan nila roon ang mga kapatid, mga pamangkin, at ang mga magulang ni Dale na nag-uumpisa nang mag-breakfast.
Parang natuka ng ahas ang mga ito maliban sa parents ni Dale. Tulalang nakamasid kay Dale ang lahat.
“O, bakit ganyan ang mga itsura n’yo? Ngayon lang kayo nakakita ng ganito kaguwapo sa umaga? Sit down, baby.” Iginiya nito ang dalaga sa bakanteng upuan.
“Mommy, Daddy!” magkasabay na sigaw ng kambal saka nagmamadaling lumapit sa kanilang dalawa. Nagmamadali namang kinarga ni Dale ang mga anak. Si Cathy na nakaupo na ay muling tumayo dahil baka mabitiwan ni Dale ang mga anak. Malalaki na ang mga ito para sabay na kargahin.
“Get down, sons. Baka mabitiwan kayo ng daddy n’yo.”
“Daddy, I missed you po.” Niyakap ni Jayden sa leeg ang ama, gano’n din si Jordan. Sabik na sabik si Dale sa mga anak kaya hindi nito naiwasang maluha lalo na nang maalala ang panganay na anak. Hinding-hindi na siya papayag na malayo pa uli sa kanya ang kambal.
Bumalik ang lungkot sa mga mata ni Dale. Kapansin-pansin iyon habang kumakain sila, kaya naman ginagap agad ni Cathy ang palad nito bilang suporta. Pinisil naman ni Dale ang kamay niya bilang pasasalamat.
Sa anim na araw na burol ni Deile ay ngayon lang nakapasok si Dale sa chapel. Nakaalalay naman si Cathy sa kanya. Panay ang patak ng luha niya habang nakatingin sa anak.
“I’m sorry, son, sa mga pagkukulang ko sa ’yo. Pangako, gagawin ko ang huling sinabi mo sa akin. Ipinapangako ko iyon, anak. I love you, son.”