ISANG linggo na ang nakararaan mula nang mailibing si Deile. Kausap ni Dale ang mga magulang para ipaalam dito na babalik na sila sa penthouse kasama ang mag-iina nito.
“Son . . .” baling ni lance sa anak.
“Yes, Dad?”
“Ano’ng plano mo? Lumalaki na ang mga anak mo, bakit hindi pa kayo magpakasal ni Cathy?”
“Hindi pa namin napag-uusapan ’yan, Dad.”
“At kailan ang balak mo? ’Pag tuluyan nang nawala ang mag-iina mo? Anak, hindi lingid sa amin ng mommy mo ang mga pinaggagawa mo. Kailan ka kikilos? Kung huli na ang lahat? Maraming lalaki at baka makatagpo si Cathy ng iba. At baka magising ka na lang na wala na ang mag-iina mo.
“You’re not getting younger, Dale. Nag-iisa lang sa mundo ang kagaya ni Cathy, once mo lang matatagpuan ang babaeng tunay na magmamahal sa ’yo. Sa kabila ng mga kalokohan mo ay minahal ka pa rin niya. It’s time na talikuran mo na ang mga maling gawain mo, anak. H’wag mong hayaang magaya ka sa akin.”
“What do you mean, Dad?”
“Ang nangyayari sa inyong tatlo ay bunga ng mga kalokohan ko noon. ’Yong nangyari sa ’yo at kay Jade, pati na ang ginawang revenge ni Dave kay Trisha, iisa ang ugat ng gulo: ang kahinaan ko noon. Ang lahat ay may kabayaran, anak, kaya sana hangga’t maaga ay tigilan mo na ’yan. Mahal na mahal ka ni Cathy, nakikita namin iyon ng mommy mo kaya pahalagahan mo siya.”
Matapos makapagpaalam nina Dale sa lahat ay umalis na sila ng mansiyon. Nakatulog na ang kambal habang si Cathy ay tahimik lang na nakasandal at nakatingin sa labas. Ginagap ni Dale ang kamay nito at mahigpit na hinawakan while driving.
Pagdating sa penthouse ay ginising niya ang nakatulog nang dalaga.
“Baby, we’re here. Wake up . . .”
Nang magmulat ng mga mata si Cathy ay luminga pa siya sa paligid. Pagkatapos ay bumaba siya at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan. Hinaplos niya ang mukha ng kambal at unti-unti namang nagising ang dalawa.
“Mommy, I want to eat Jollibee po,” agad na hiling ni Jordan sa ina.
“Okay, kaya bumaba na kayo diyan at magpapa-deliver tayo.”
“Yehey! Thank you po, Mommy,” wika naman ni Jayden habang malapad ang pagkakangiti.
Sinalubong agad sila ng dating yaya ng kambal.
One week ago, pinabalik ito ni Cathy at ipinalinis ang kabahayan, lalo na ang kuwarto ng kambal.
“Yaya!” magkapanabay na tawag ng dalawa rito. Miss na miss ng may-edad na babae ang dalawang bata kaya lumuhod ito at niyakap nang mahigpit ang kambal.
Nagpa-deliver agad si Dale sa Jollibee ng mga gustong kainin ng dalawang bata. Habang hinihintay ang order, tumakbo na sa kuwarto nila ang kambal.
Nang dumating ang in-order nilang pagkain, mayasang kumain ang mga bata kasama ang yaya nila at nagpaalam na sina Dale sa mga ito na magpapahinga sandali.
“Sons, please don’t disturb us, okay? Mommy needs to rest.” Saka makahulugang tumitig ang abuhing mata nito sa dalaga.
“Yes. Copy po, Dad.” Sabay thumbs up ng dalawang bata.
Pumasok agad sa banyo si Cathy para maligo. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya si Dale na humahaplos sa kahubaran niya. Ramdam ng dalaga ang naghuhumindig nitong kahabaan sa likuran niya habang panay ang hagod ng mga kamay ni Dale sa magkabila niyang dibdib. Hindi nagtagal, nauwi na naman sila sa matinding pagnanasa. Ang mga katawan nila ay walang-sawang nagniig dahil sa matinding init na gustong kumawala mula sa kanila.
Iniupo ni Dale ang dalaga sa sink at ibinuka ang mga hita nito saka mabilis na bumaba ang mukha. Paulit-ulit ang pagsamba ni Dale sa basang-basa niyang p********e habang ang dalaga ay hindi malaman kung saan kakapit sa matinding sarap na nararamdaman.
Parang mababaliw si Cathy sa luwalhating dulot ng pag-iisa ng mga katawan nila. Nanginig ang buong katawan nilang dalawa na bumagsak sa malambot na kama.
Walang kapaguran si Dale sa pag-angkin sa dalaga na wala namang tutol sa lahat ng gustong gawin ni Dale sa katawan niya. Paulit-ulit na nag-isa ang katawan nila hanggang manlupaypay sila at tuluyang makatulog.
***
MIDNIGHT nang magising si Dale nang makarinig siya ng ring ng phone. Hinanap niya iyon at natagpuan sa ilalim ng sofa; nasipa siguro kaya doon tumalsik. Gustong mainis ni Dale kung sino ang tumatawag sa phone ng dalaga. Sa inis ay ini-off niya ’yon.
‘Sino kaya ang tumatawag na unknown number?’ Nakaramdam ng selos si Dale nang maalala ang sinabi ng mga magulang.
“Kailan ka kikilos? Kung huli na ang lahat? Maraming lalaki at baka makatagpo si Cathy ng iba. At baka magising ka na lang na wala na ang mag-iina mo.”
Kinuha ni Dale ang phone ng dalaga at ini-on uli iyon. Wala iyong password kaya malaya niyang binuksan ang inbox nito. Puro message galing kay Andrei at ang iba ay unknown number. Pati call log ay gano’n din lahat. Hinanap ni Dale ang phone niya at kinuha ang numero ni Andrei saka iyon ini-register sa kanyang phone book. In-open niya ang message ni Andrei at sinagot iyon.
To: Andrei
Where are you now?
From: Andrei
Bar. Come, Cath. I need you here now.
Binura agad ni Dale ang messages sa phone ng dalaga saka mabilis na ini-off iyon at ipinasok sa closet. Nagtuloy siya sa banyo at mabilis na nag-shower suot ang simpleng jeans at V-neck T-shirt na pinatungan ng isang blazer at nagmamadaling lumabas ng penthouse.
Hindi na nag-alinlangan si Dale kung saang bar ito naghihintay dahil iisa lang naman ang bar na pinupuntahan ni Cathy.
Nagulat si Tyron nang makita siya. “What the hell!”
“Tumabi ka, may mahalaga akong sadya dito!”
“What do you want? Whisky, tequila, or s*x on the rock?”
Tinaasan ito ng kilay ni Dale. “Whisky!” sagot nito kay Tyron at mabilis naman siyang inabutan nito.
Gumala ang tingin niya sa paligid pero wala roon ang pakay niya.
“Did you see him?”
“Who?” balik-tanong ni Tyron sa kanya. “Kung si Mr. Mondragon ang sadya mo, nasa VIP room ’yon.” Siya lang ang naka-register dito sa customer log book.
Tumayo agad si Dale at dumeretso sa VIP room. Hinarang si Dale ng mga tauhan ni Andrei pero tinabig lang niya ’yon.
“Tabi!” matigas na utos niya sa lalaki, pero sa halip na sundin siya ay umakto itong lalaban kaya mabilis na sinipa ito ni Dale. Napahiga ito sa sahig. Agad na itinulak ni Dale ang pinto saka ini-lock iyon.
Nag-angat ng mukha si Andrei nang maramdaman niyang may pumasok. Dalawang babae ang nasa tabi nito.
“O, pare, maupo ka.” Sinenyasan nito ang isang babae na asikasuhin siya kaya naman mabilis itong lumapit sa tabi niya. Halos ingudngod nito ang nakaluwa nitong cleavage sa balikat ni Dale. Balewala naman iyon sa kanya. Nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Andrei.
“What do you want to my woman?” matigas na tanong ni Dale.
“Sa amin na lang ’yon, pare. Bakit ka pala nandito? Hindi naman ikaw ang kailangan ko!” matigas na sagot ni Andrei kay Dale.
Tumayo si Dale at nilapitan si Andrei saka kinuwelyuhan ito. “Don’t come near her, or else—”
“Kaya mo akong patayin dahil nasa teritoryo mo ako?” putol ng binata sa sasabihin ni Dale.
“Exactly! Mabuti naman at alam mo pala.”
“Kung gusto mo akong lumayo kay Cath, make a deal.”
“What kind of deal, Mondragon?”
“Mag-propose ka sa kanya sa loob lamang ng isang minuto. ’Pag tinaggap ka niya, hindi ko na siya gagambalain pa. Deal?”
Hindi nakasagot si Dale.
“Unless naduduwag ka at natatakot dahil sisiguraduhin ko sa ’yo na ako ang mananalo!” Nanahimik si Dale na parang nag-iisip. “Kung hindi mo kaya, Montemayor, you may go. Nakakaabala ka!”
“Deal! Contact-in mo siya, pero ako ang makikipagkita sa kanya at gagawin ko ang deal nating dalawa. At ’pag nanalo ako, kahit hibla ng buhok mo, h’wag na h’wag kong makikita!” Saka nagmamadaling tinalikuran ito.
***
NAGISING si Cathy na wala si Dale sa tabi niya kaya lumabas siya ng room at hinanap ito. Madaling-araw pa lang. Sa ganitong oras na wala ang lalaki, isa lang ang ibig sabihin n’on. Parang sinaksak ang dalaga sa isiping baka nasa ibang kandungan si Dale. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kuwarto at hinanap ang kanyang phone. Nagtaka pa siya kung bakit naka-off iyon at nasa loob ng closet.
From: Andrei
Good night, Cath.
Napaisip si Cathy. Bakit gano’n ang message ni Andrei sa kanya? Bandang 12 midnight iyon at ngayon ay almost 4 a.m. na. Ini-scroll niya ang mga message pero mga old message lang ang nandoon.
Maliwanag na nang pumasok sa kuwarto si Dale at nakainom ito. Patay-malisya naman si Cathy na nagtulog-tulugan. Isang buntonghininga ang narinig niya kay Dale saka ito tumalikod sa kanya. Halos twenty minutes na nakiramdam ang dalaga kung tulog na ba ito saka siya bumangon.
Nagbihis si Cathy ng pan-jogging at maingat na lumabas. Nag-jogging ang dalaga habang nag-iisip kung saan nanggaling si Dale. Hindi namalayan ni Cathy na dalawang oras na siya roon. Pawisan siyang dumaan ng supermarket saka bumili ng maluluto para sa breakfast.
Nang makapagluto ay nag-shower si Cathy saka nagbihis ng simpleng skinny jeans at loose hanging blouse saka nagsuot ng three inches heels. Umalis siya dala ang isang shoulder bag. Tumuloy siya sa paborito niyang salon. Gusto niyang mag-relax. Ini-off niya ang phone para walang istorbo sa kanya. Nagpa-body scrub siya, massage, rebond, haircut, foot spa, hair color, pedicure, manicure, at lahat ng klaseng puwedeng gawin sa katawan niya.
Halos buong araw siya sa loob ng salon. Nang matapos siya ay hindi siya makapaniwala sa bagong look niya. Pagkalabas ng salon ay tumuloy naman siya sa paborito niyang botique. Namili siya ng mga damit dahil hanggang ngayo’y hindi na bumalik ang katawan niya. Slim na slim pa rin siya.
Lahat ng madaanan ni Cathy sa mall ay napapasunod ang tingin sa kanya. Saka pa lang naalala ng dalaga ang phone. Kinuha niya iyon at ini-on. Sunod-sunod na tunog ng mga message ang pumasok. Napakarami, galing kina Dale at Andrei.
May biglang tumawag sa kanya sa phone na agad naman niyang sinagot.
“Meet me.”