Chapter- 17

1883 Words
MALAKAS ang kutob ni Dale na ang malaking speed boat na nakita ng mga tauhan niya ang sinakyan ng mag-iina. Hindi na rin niya ma-contact si Cathy. Naka-off na ang phone nito. Parang lalo nang lumabo ang pag-asa niya na mabuo pa sila. Gusto lang naman niyang subukan si Cathy kung talagang mahal siya nito. Pero ang ginawa niya ay iniwan siya ng kanyang mag-iina. Palagi naman kasing palpak ang plano niya. Ni hindi man lang siya nakapagpaliwanag sa dalaga. Kung bakit naman bigla na lang siyang natulala at hindi man lang niya nagawang pigilan ang babae nang saktan nito si Cathy. Isa pa, sinamantala din ng babaeng ’yon na halikan siya kahit palabas lang naman niya iyon upang pagselosin si Cathy. Walang alam si Dale na may kamag-anak pa si Cathy sa Pilipinas. Ang alam niya ay ang lola na lang nito at nasa UK iyon. Malaki na ang ipinagbago ni Cathy. Kahit ang nangyari sa beach ay hindi niya inasahan. Ang dating iyakin na Cathy ay tumigas na at hindi na basta-basta. Iba na ang nakita ni Dale sa mga mata nito. Poot, galit at hinanakit. Bakit nangyari ito sa kanila ng mahal niya? Tumayo siya at wala sa sariling lumabas ng resort. Naglakad siya sa dalampasigan kahit dis-oras ng gabi. Tama si Cathy, hindi na siya magbabago pa. Ngayon wala nang kasiguraduhan kung makikita pa niya ang mag-iina. Siguro ito na ang karma niya sa p*******t sa mga babae. At sa kawalang maisipang gawin ay bumalik siya sa loob at kumuha ng alak bago bumalik sa dalampasigan at magpatuloy sa paglalakad. Halos maubos na ni Dale ang isang boteng whisky kaya nakararamdam na siya ng pagkahilo. “Hi, babe. Are you alone?” Tiningala niya kung sino ang babaeng kumakausap sa kanya. “What do you want, woman?” seryoso niyang tanong sa babaeng hindi niya kilala. “I’m bored, so I want someone else . . .” Tumawa nang pagak si Dale. “Tell me. What do you want?” Hinila nito ang hawak na bote ni Dale at ibinato iyon sa kung saan. She pushed him to the sand at umibabaw sa kanya saka siya siniil ng halik. Ngunit malakas niya itong itinulak. “Hindi ako papatol sa ’yo.” At nagmamadaling tumayo saka iniwan ang babae. *** KANINA pa nagkahiga si Dale pero hindi siya dalawin ng antok. Ngayon pa lang, miss na miss na niya ang mga anak, lalo na ang ina ng mga ito. Pero sa tuwing maaalala niya ang galit nito sa kanya ay nanghihina siya. Hindi naman niya ito masisisi dahil siya ang may kasalanan. Many times na niya itong sinaktan at tama lang siguro na iwan siya nito nang tuluyan dahil wala siyang kuwentang tao. Ilang araw nang napapansin ni Dale na tahimik si Deile at nag-aalala na siya rito. Baka bumalik na naman ang sakit nito. Siguro nagtatampo rin ito sa kanya dahil masyado siyang busy nitong mga nakalipas na linggo. Mula nang bumalik sila ng Manila ay hindi na sila nakapag-uusap ng anak, lalo’t tambak ang mga papeles sa desk niya, dumagdag pa ang araw-araw na pagbabakasakali niya sa bahay ng lola ni Cathy. “Dad, can we talk?” “Yes, son. Go ahead.” “Why did you hurt her? Ang sabi mo mahal mo siya, kaya nga hindi mo nagawang mahalin ang mommy ko noon. Why, Dad? Ang mga kapatid ko, hindi ka ba nag-aalala sa kanila? I love my brothers, and I love her. She’s like a real mother to me. Hindi ka pa po ba nagsasawa sa mga babaeng nakakasama mo? I’m sorry, Dad, but I hate you!” Saka siya mabilis na iniwan nito. Kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ni Dale. Tama ang anak niya. For the first time, napagsalitaan siya ng panganay na anak. Isang malakas na sigaw ang narinig ni Dale. “Sir Dale!” sigaw ng kasambahay. “Sir, si Deile, bumagsak sa sahig! Nawalan ng malay!” Mabilis na binuhat ni Dale ang anak nang makita niya ito sa sahig at walang-malay. Dali-dali niya itong isinakay sa kotse at itinakbo sa ospital. Sa emergency room ay hindi magkamayaw ang mga doktor dahil wala nang pulse ito. “8:45 p.m. Julius Deille Villamor-Montemayor passed away.” Halos mabaliw si Dale sa sinapit ng anak na panganay. Panay ang sigaw niya at halos madurog na ang kamay sa kasusuntok sa pader. Mabagal ang mga hakbang ni Dale papasok sa morgue. Gusto niyang yakapin ang anak kahit sa huling sandali at makahingi ng tawad dito. Walang-tigil ang agos ng luha ni Dale habang pinagmamasdan ang wala nang buhay na anak. “This is my fault!” Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Wala rin siyang karapatang magmakaawa pa sa Diyos. Ilang beses na siyang nangako na magbabago siya, pagalingin lang ang anak, pero hindi niya iyon natupad. Mahigpit niyang niyakap ang anak saka paulit-ulit na humihingi ng tawad dito. Ano pa nga ba ang magagawa ng paghingi niya ng tawad sa anak? Nangyari na ang lahat. Ang dapat niyang hingan ng tawad ay ang Diyos at ang mga buhay pa at hindi ang patay na. Hindi alam ni Dale kung sino ang nag-asikaso ng funeral ng anak dahil ilang araw siyang tulala at palaging lasing. Hindi rin niya namalayan na dumating ang buong pamilya nila from London. Hindi iyon importante sa kanya. Wala na ang mga mahal niya at tuluyan na siyang iniwan ng mga ito. *** SA Paris ay busy si Cathy sa isang ospital. Ilang buwan na rin mula nang mag-umpisa siya sa bago niyang trabaho. Nag-ring ang phone niya. “O, napatawag ka, Andrei?” “Mag-file ka ng emergency leave sa ospital na pinapasukan mo. We’re going back to the Philippines soon.” “W-Why? Anong sasabihin kong dahilan sa trabaho? At nasaan ka pala ngayon?” “Bahala ka nang magdahilan, ’yong alam mong hindi ka nila mahihindian. Later, sasabihin ko sa ’yo ang reason, Cath. Basta sundin mo ang sinasabi ko. By the way, naririto ako sa Europe, sa bahay ng ama ko.” Nang matapos makipag-usap ay nagtungo siya sa president’s office ng kanyang pinagtatrabahuhang ospital. Humingi siya ng emergency leave at pinayagan naman siya nito. Pagdating sa bahay ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula kay Andrei. Sinabi ng binata sa kanya na dadaanan daw sila nito. Mabagal na nag-ayos ng gamit si Cathy. Bakit naman kasi ngayon pa? Mabuti na lang at pinayagan siya ng president nila. Kapapasok pa lang niya sa trabaho at kailangan niya ng pera para sa mga anak. Makalipas ang ilang oras ay bumukas ang main gate ng bahay nina Cathy. Alam niyang si Andrei na ’yon kaya nagmamadaling bumaba siya ng sala. “Why so sudden, Andrei? Alam mo namang kapapasok ko pa lang sa—” “Deile passed away three days ago at alam kong mahal mo—” “Andrei, hindi totoo ’yan!” histerikal na si Cathy. “Hindi ako naniniwala sa ’yo! Hindi kami iiwan ni Deile nang gano’n lang.” “Calm down, Cath. Alam kong anak na ang turing mo sa batang iyon at kapatid iyon ng mga anak mo. Isa pa, ikaw ang doktor dati ng batang iyon, and I know na kailangan ka ni Montemayor sa mga oras na ito. Hindi mo man sabihin, Cath, pero alam kong mahal na mahal mo pa rin siya. Be ready. Tonight, I will pick you up, may pupuntahan lang akong importante.” “Saan pala tayo sasakay? Wala pa kaming ticket.” “Private jet ang sasakyan natin.” “Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Jayden. “Sa daddy mo, he need us, anak.” *** KINAGABIHAN, pagkatapos ma-check ni Cathy ang kanilang mga gamit ay tamang-tama namang dumating si Andrei. Yumakap nang mahigpit si Cathy rito. “Thank you so much, Andrei. Alam kong sobra-sobra na ang nagawa mo sa aming mag-iina. Every time na lang, ikaw ang palaging nand’yan para sa amin. Hindi ko na alam kung papaano pa kita masusuklian sa mga kabutihan mo sa akin.” Hinaplos naman nito ang buhok niya. “Tama na. Please stop crying. Instrumento lang siguro ako ng Diyos para may makatuwang ka. Dahil mabait ka, Cathy, kaya hindi ka pinababayaan ng Diyos.” *** GINISING ni Andrei si Cathy nang lumapag na sila sa NAIA. Wala naman gaanong bagahe ang mag-iina kaya wala silang masyadong aalalahanin. Akay niya ang isang kambal at kay Andrei naman ang isa. Mabilis ang mga hakbang ni Andrei at nakasunod lang sa kanya si Cathy. Isang limo ang sinakyan nila. “Sa Montemayor mansion,” utos nito sa driver. Napakaraming tao sa malawak na chapel. “Mga anak, greet your grandparents, okay?” “Yes, Mommy,” magkapanabay na sagot ng kambal. “Mommy, bakit po maraming tao? Ano’ng meron dito?” tanong ni Jordan sa ina. “Ah, kasi, anak . . .” “Your brother Deile passed away,” mabilis na sagot ni Andrei. Ang dalawang kambal ay biglang pumalahaw ng iyak at tumakbo agad kung saan nakaburol ang kapatid. “Kuya ko!” palahaw ng dalawa. Pinagtinginan sila ng mga tao. Gusto sanang habulin ni Cathy ang kambal pero masyadong mabilis ang dalawa. Sa loob ng chapel, nagulat ang lahat nang magkasunod na tumakbo ang dalawang bata at malakas ang iyak ng mga ito. “Kuya ko! Why? Sabi mo, hihintayin mo kami? Pero bakit, Kuya, hindi mo kami hinintay? Babalik naman agad kami.” Naluha ang mga tao sa sa paligid dahil sa dalawang bata. Hindi nagtagal, kasunod na ni Cathy si Andrei na papalapit na sa burol ni Deile. Panay ang tulo ng luha ni Cathy nang masilayan ang walang-buhay na bata. Itinuring niya itong parang tunay na anak. Mahal na mahal niya ang ama nito kaya gano’n din ang ang pamamahal niya rito. Lumapit ang ama’t ina ni Dale sa kambal. “Mga apo, tama na. H’wag na kayong malungkot. Kapiling na ni Papa God ang kuya ninyo.” Yumakap ang kambal sa mga lolo at lola nila. Si Cathy naman ay humalik sa mga ito. “Mathew Andrei Monteverde-Mondragon. Nice to meet you, sir, ma’am,” pagbibigay-galang ni Andrei sa mag-asawa. Iginiya sila ng ina ni Dale sa upuan saka sinenyasan nito ang ibang tauhan para asikasuhin ang kambal. “Cath, go ahead. Hindi na rin ako magtatagal. Babalik na lang ako sa araw ng libing,” paalam nito kay Cathy. Tumayo naman agad siya para ihatid ito sa hanggang sa gate. Matapos kamayan ang mga magulang ni Dale ay umalis na ang mga ito. Palinga-linga si Cathy, nagbabakasakaling makita si Dale, hanggang sa mamataan niya ang kuya nito. “K-Kuya Dave?” alanganing tawag niya rito. “No, I’m Jade.” “Cathy po, sir.” “Oh, hi. Mabuti naman at nakarating ka?” “Kahapon ko lang po nalaman sa isang kaibigan.” “Saan ka ba naka-base ngayon?” “Sa Paris, sir.” “Ano ka ba? H’wag mo nga akong tawaging sir. By the way, kasama mo ba ang kambal?” “Y-Yes. Ah, eh, itatanong ko lang kung nasaan ang kapatid mo?” “Mula nang mamatay ang anak niya, hindi na ’yon lumalabas ng kuwarto. Please puntahan mo siya sa master’s bedroom.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD