PAST 10 a.m. na nagising si Cathy. Namamadali siyang pumasok sa bathroom at mabilis na naligo. Lumabas siya na suot ang two-piece red bikini saka kinuha ang shades at white see-through. Ipinatong niya iyon sa kanyang katawan at lumabas na. Kapansin-pansin si Cathy sa bawat madaanan niya pero wala siyang pakialam. Dere-deretso lang siyang naglakad kung saan niya natanawan ang mga anak.
Para namang nakakita ng multo si Dale nang makita si Cathy. Nang hindi siya nito pinansin ay nag-init ang ulo niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Cathy na ikinabaling nito.
“Bakit ganyan ang suot mo?” Naggalit-galitan ito para mapagtakpan ang paghanga. Nagpanting naman ang tainga ni Cathy lalo pa at malaki ang kasalanan nito sa kanya.
Hinila bigla ni Cathy ang kamay niya rito sabay talikod at malalaki ang hakbang na umalis, but Dale tried to hold her again. Bigla siyang humarap dito sabay duro sa mukha ni Dale. “Don’t ever come near me!” Sabay tulak nito nang malakas sa dibdib ni Dale.
Gusto ni Dale na kausapin si Cathy tungkol sa nakita nito sa parking area ng mall pero umiiwas ito sa kanya. He knows kung ano’ng iniisip ng dalaga sa kanya kaya ito nagkakaganito. Lalong nanggalaiti si Dale nang hubarin ng dalaga ang see-through na suot nito.
Lalong dumami ang kalalakihan malapit kay Cathy na wala namang pakialam sa paligid ito. Napakakinis ng maputi nitong balat. Hindi mahahalata na may anak na ito at ang painakanakagigigil sa dalaga ay ang butt nito na napakatambok, pati na ang size C nitong dibdib. Tumayo si Cathy at mabagal na naglakad palapit sa tubig. Halos mabali ang leeg ng mga kalalakihan sa katitingin sa dalaga na lalong ikinagigil ni Dale.
Dapat siya lang ang nakakikita ng katawan nito. Kahit magwala pa ito ay hindi niya ito pakakawalan. Kailangang balutin niya ito nang hindi ma-expose sa mga lalaking nag-uumpisa nang maging manyak sa katitingin sa dalaga.
Mabilis na hinubad ni Dale ang pang-itaas na damit at naka-shorts itong tinakbo ang dalaga lalo na at napansin ni Dale na may mga papalapit dito.
Napasigaw naman si Cathy nang may yumakap sa likuran niya. Sisigaw na sana siya para humingi ng tulong pero bigla namang lumitaw ang mukha nito sa gilid ng tainga niya.
“Baby, let’s go. Pinagpipiyestahan ka na ng mga manyak.”
“Let me go!” mariing utos ni Cathy sa kanya pero hindi natinag si Dale, bagkus ay iniharap siya nito at walang-sabi-sabing binuhat. Dinala siya ni Dale sa puwesto ng mga anak at ibinaba saka mabilis na isinuot ang T-shirt nito sa kanya.
“Ano ba! Ayaw ko nito, saka gusto ko pang maligo!” Nakarinig si Cathy ng mga hagikgik. Nang lingunin niya ay ang kambal niya iyon, pinagtatawanan sila ng mga ito dahil sa paghihilahan nila ng T-shirt ni Dale. Sa sobrang inis ni Cathy dahil talo na naman siya nito, naupo na lang siya malapit sa mga anak at hindi na pinansin si Dale.
Maya-maya ay bumalik na si Dale sa puwesto nito kanina kung saan may nakaupo nang mga babaeng halos hubad na sa kapirasong telang nakatakip sa kanilang katawan.
“Mommy, look!” tawag ni Jayden sa kanya na sinundan naman niya ng tingin. Kitang-kita niya ang pakikipaglampungan nito sa isang babae. Hinila niya ang anak at tinakpan ang mga mata nito.
“Don’t look there, son.” Wala sa sariling napabaling si Cathy sa anak na si Jordan. Kitang-kita niya na nakatingin ito nang masama sa ama at halos mag-isang linya na lang ang mga mata.
Tumayo si Cathy at inakay ang dalawang bata saka mismong sa harap ng naglalampungang ama ng mga ito sila dumaan. Nang matapat si Cathy sa mga ito ay bigla niyang hinawakan ang ulo ng babaeng higad at isinubsob sa mukha ni Dale.
“’Ayan, lamunin mo ang nguso niyan para hindi nakikita ng mga anak mo, p*****t! Kahit kailan, hinding-hindi ka na magbabago! Magsama kayo ng higad na ’yan!” Saka mabilis na tinalikuran ang nabiglang si Dale.
Nabigla ang kahalikan ni Dale na parang napahiya sa pagkakangudngod nito kaya binuweltahan nito si Cathy at hinila ang buhok. “You b*tch!” Saka siya malakas nitong sinampal.
Nagdilim ang paningin ni Cathy. Sa sobrang galit, binitiwan niya ang mga anak at binigyan ito ng matinding sipa. Sapul ang mukha ng higad. Tatayo sana ito ngunit sinipa pa ito nang isa ni Cathy. Halos mawalan ng ulirat ang babae. Hindi pa nakontento si Cathy, nilapitan niya ito saka dinuraan sa mukha at sinampal.
“Para ’yan sa kakatihan mo. At ikaw . . .” Binalingan niya si Dale na hindi nakahuma sa nasaksihan. Tinuhod niya ito sa harapan. Namilipit ito sa sakit. “. . . para ’yan sa mga panggagag* mo sa ’kin mula noon hanggang ngayon. Ito ang ilagay mo sa kokote mo, Dale Montemayor: Hindi na ako ang Cathy na iyakin at palagi mong sasaktan. Next time, hindi lang ’yan ang ipatitikim ko sa ’yo once na lumapit ka pa sa akin! D’yan ka, magpakasawa ka sa mga higad na ’yan, bagay kayo! Let’s go, sons. We’re going back to Manila right now!”
Sobrang galit ang makikita sa mukha ng dalaga habang tumutulo ang luha.
Akay ang mga anak na binaybay nila ang dalampasigan patungo sa mga nakaparadang speed boat pero walang gustong maghatid sa kanila. ’Yon daw ang bilin ni Dale.
Walang nagawa si Cathy kaya naghanap na lang siya ng puwede nilang matuluyang mag-iina. Nakakita sila ng maliit na kainan at dinala niya roon ang mga anak dahil kahit siya ay gutom na rin. Puro seafoods ang pagkain kaya iyon na lang ang ipinaluto ni Cathy para makakain na ang mga anak.
Nang matapos silang kumain ay nagtanong-tanong si Cathy kung saan sila puwedeng magpalipas ng gabi. Biglang naalala ni Cathy si Andrei. Ngunit nahihiya naman siya na istorbohin ito. Isa pa, ano naman ang magagawa ng binata kung wala naman ito sa bansa? Pero walang ibang maaaring tumulong sa kanila. Kaya sinubukan niya itong tawagan. Ang dasal niya ay sana nasa Pilipinas ito.
“Hi, narito ka ba sa Pilipinas ngayon?”
“Yes, kararating ko lang a week ago. Kumusta?”
“Busy ka?
“No. Why?”
“Can I ask you a favor? Wala lang talaga akong ibang mahingan ng tulong, eh.” Halos maiyak na si Cathy.
“What happened?” tanong ni Andrei sa kanya.
“Can you pick us up? Kasama ko ang mga anak ko.”
“Where are you?” tanong nito sa kanya.
“Somewhere in Palawan.”
“Okay. Send me your exact location and I’ll be there.”
Hindi kabisado ni Cathy ang lugar lalo at private resort iyon kaya sinabi na lang niya kay Andrei na i-locate na lang sila gamit ang GPS.
Medyo madilim na kaya nagmadali na sila sa paglalakad patungo sa dalampasigan. Tumunog ang phone ni Cathy. Mabilis niya itong sinagot.
“Baka harangin kami d’yan. Private resort ’yan ng mga Montemayor,” sabi ni Andrei sa kanya. “I advise you na stay there sa dalampasigan para mabilis ko kayong ma-pickup. Be ready.”
Isang malaking speed boat ang namataan ni Cathy. Kahit madilim na ay naaninag niya iyon dahil sa liwanag ng buwan. Tumigil iyon ’di-kalayuan mula sa kinatatayuan nilang mag-iina. Nakatanggap si Cathy ng message mula kay Dale at kay Andrei binasa niya agad ang kay Andrei.
From: Andrei
Tatlo kami papunta d’yan.
Maya-maya lang ay may narinig silang paparating na speed boat. Kinabahan si Cathy, nagdasal na sana hindi sila maabutan ni Dale. Tatlong lalaki ang naaninag ni Cathy na tumatakbo palapit sa kanila.
“Cath!” Boses iyon ni Andrei. Mabilis nilang sinalubong iyon. “Let’s go, bilis! Mukhang parating na si Montemayor.” Kinarga agad ng dalawang lalaki ang kambal at hinila siya ni Andrei. “Kaya mo bang lumangoy?”
“Yes, kaya ko,” sagot niya.
Mabilis silang lumangoy papunta sa speed boat. Nang marating nila ito ay agad silang umakyat dahil malapit na ang parating na speed boat. Nag-menor ang mga ’yon at tinutukan sila ng spotlight. Mabilis silang itinago ni Andrei.
“Sir, mawalang-galang na ho. Private resort ho ito, bawal kayo dito.”
“Naku, pasensiya na, mga boss. Naubusan kami ng gas kaya nag-stop kami dito. Mabuti at nakabili naman agad kami.” Pinaandar agad ni Andrei ang speed boat at mabilis na sinenyasan ang kasama nito na magpaalam na. “Pasensiya na, mga sir.” At pinasibad na agad ni Andrei iyon.
Halos dalawang oras din silang nagbiyahe. Tumigil sila sa isang malaking yacht na may nakasulat na ‘Mondragon.’
“For the mean time, dito muna kayo.” Inihatid sila ni Andrei sa isang malaking cabin at binuksan ang mga closet. “Ikaw na ang bahala mamili ng puwede mong isuot. Ang kambal, ’yon munang T-shirt ko. Wala naman kasi ditong bata.” Napakamot ito sa ulo.
Natatawa ang kambal sa itsura nila dahil sa laki ng T-shirt na suot nila ’tapos wala pa silang brief. Ibinuhol ni Cathy ang laylayan ng T-shirt sa pagitan ng hita ng mga ito kaya okay lang kahit wala silang panloob. Nasa harap na ang pagkain, tawa pa rin nang tawa ang dalawa.
“Enough na, sons.”
“What’s funny?” Nagtataka si Andrei na nakatingin kay Cathy. Itinuro ni Cathy ang suot nila at ang pagkakabuhol ng laylayan ng T-shirt. Pati si Andrei ay napahalakhak din.
Pagtapos kumain ay naglaro na ang kambal. Sina Cathy at Andrei naman ay lumabas ng cabin.
“Ano’ng nangyari, Cath?”
Isinalaysay niya rito ang lahat.
“Kung papayag ka, susuntukin ko ’yang si Montemayor para maiganti kita.” Natawa naman si Cathy. “I know you love him, Cath. Kaya nga until now, tinitiis mo ang lahat. Pero hanggang saan, Cath?”
“Hanggang mahal ko siya, Andrei. Hindi ko alam kung kailan susuko ang puso ko.
“By the way, thank you. Mabuti pala at timing na malapit kayo sa Palawan.”
“Yeah. Three days na kami rito. Gusto ko kasing makapag-isip.”
“Bakit may problema ka ba, Andrei?”
“Parang gano’n na nga,” sagot naman nito sa kanya. “About my fiancée. I love her, but . . .”
“What?” tanong niya rito.
“Bigla ko na lang naramdaman na hindi pa pala ako handa. Samantalang sabi niya, gusto na niyang magpakasal kami soon. But I felt something, saka I have some other priority.” Hindi lang masabi ni Andrei na nalilito siya kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Cathy at sa kanyang fiancée. ’Pag magkasama sila ni Cathy ay masaya siya at palagay ang kanyang loob.
“Well, kung feeling mo hindi ka pa ready, h’wag ka munang magpakasal. Ipaliwanag mo sa kanya. Hindi naman dapat minamadali ’yan, eh. Kung meant to be kayo, kahit harangan pa kayo ng bomba, magiging kayo pa rin at walang makakapigil n’on.”
“Bakit kasi ayaw mo sa akin? Mas guwapo naman ako kay Montemayor. Mas mabait din ako at sigurado ka na ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Hindi alam ni Andrei kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Biro ba iyon o totoong nararamdaman niya?
Napatitig naman si Cathy dito. Nilapitan niya ito sabay pisil nang malakas sa matangos nitong ilong.
“Ouch, Cath! Masakit, ah!”
“Alam mo, Andrei, kung puwede lang, matagal ka nang nakatali sa akin. Kaya lang, hindi tayo ang meant to be at walang forever sa ating dalawa.” Saka niya niyakap si Andrei. “Thank you, Andrei, for coming into my life as a brother.”
“You’re welcome.” Saka siya nito hinalikan sa buhok. “Eww, ang baho ng buhok mo, Cath. Amoy maalat!” At malakas silang nagkatawanan.