Chapter- 15

1365 Words
NAG-ONE WEEK leave si Cathy sa ospital na pinapasukan para makasama ang mga anak na napakatagal na panahong nawalay sa kanya. Dumeretso sa paboritong boutique si Cathy para mamili ng mga gamit niya. Dumaan din siya sa men’s shop para mamili para sa mag-aama, pati na kay Deile. Dumaan din siya sa Jollibee para mag-take out dahil paborito ng mga anak niya ito. Hindi namalayan ni Cathy na tatlong oras din siya sa loob ng mall saka lang niya naalalang silipin ang kanyang cell phone pero wala pala iyon sa bulsa niya. Nagmamadali siyang dumeretso sa parking area. Pasakay na sana siya nang magulat siya sa nakita. “Dale!” Nagsalubong ang mga mata nila. Halos hindi makagalaw si Cathy. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sakit. Tiim ang bagang na sumakay siya ng kotse. ‘Kung hindi ka man para sa akin, Dale, ipaglalaban ko ang karapatan ko sa mga anak ko.’ Dumeretso siya ng mansiyon at iniwan sa gilid ang sasakyan niya. Pinapasok naman agad siya ng guwardiya at taas-noong pumasok sa kabahayan. Nabutan niya ang mga kasambahay. “Ang mga anak ko, manang?” “Nasa kuwarto ho nila, ma’am. Gusto n’yo po bang kumain muna?” “No, I’m full. Thank you.” Bitbit ang biniling pagkain ay pumasok siya sa kuwarto ng mga anak. “Mommy!” Sabay yakap nang mahigpit sa kanya ng kambal. “Mommy, you’re late. Daddy’s looking for you kaya wala siya dito,” sumbong ng isang anak niya. “Don’t worry, baby. Maybe dad is busy. How’s your day?” “We’re good, Mom. Dad said we’re going to the beach tomorrow?” “Yes. So you need to sleep now. Mommy have to go back to the hospital.” “Okay, Mommy. Take care po.” Natulog na ang kanyang mga anak at nagmamadali siyang umalis agad ng mansiyon. Nakasunod lang ng tingin ang ilang kasambahay sa kanya. Tumuloy si Cathy sa isang hotel dahil kung uuwi siya sa penthouse, paniguradong aabutan niya roon si Dale. Hindi makatulog si Cathy kaya bumangon siya at nag-shower. Nang matapos ay nagsuot siya ng maiksing mini skirt, sleeveless loose blouse at three inches heels. Mas mabuting mag-bar na lang muna siya. Naalala niya ang kaibigan ni Dale, may-ari iyon ng sikat na bar and resto. Minsan na siyang nakapunta roon noong kababalik lang niya mula sa ibang bansa ‘Tama na ang pagpapakamartir, Cathy. Baka mabaril ka sa Luneta,’ utos ng isipan niya. Lumabas siya ng hotel at dumeretso sa bar at pumwesto sa tapat ng counter. “Hi. It’s been a long time, miss. Kumusta? Napasyal ka yata sa ganitong lugar?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Wala ba akong karapatan sa lugar na ’to? Sinabihan ka ba ng kaibigan mong si Dale Montemayor na huwag akong papasukin dito? May pinipili ba ang puwedeng pumasok dito?” “No! I mean, sa pagkakaalam ko, hindi ka mahilig sa ganito dahil lahat ng oras mo ay nasa ospital.” “Iyon ba ang sinasabi sa ’yo ng kaibigan mo?” “Hindi, ah. Natanong ko lang kasi kahit isang beses pa lang tayong nagkita noon ay parang wala kang hilig sa ganitong lugar.” Tumawa nang mapakla si Cathy. “Don’t mention it, Tyron. People change, you know.” At nginitian lang niya ito. “If I know, pareho lang kayo ng likaw ng bituka ni Dale.” Malakas na tawa ang sagot ni Tyron sa kanya. Nakaapat na shot na ng tequila si Cathy at nag-iinit na ang kanyang katawan. Gusto niyang sumayaw at magwala, bakasakaling mabawasan ang frustration niya. Halos pagkaguluhan si Cathy ng mga kalalakihan sa dance floor. Malalakas na sigawan ang maririnig sa loob ng bar. Minsan lang magwala si Cathy kaya lulubos-lubusin na niya. Walang panama ang mga dancer sa galing sumayaw ni Cathy. Maya-maya lang ay naramdaman niyang may pumulupot na kamay sa baywang niya. Pasimple niya itong nilingon at nahindik siya sa kaguwapuhan nito. “Nice move, honey. You’re so hot.” Halos maghalikan na sila sa sobrang lapit ng bibig nito sa kanya para lang magkarinigan sila. Kailangan niyang dumistansiya rito. Mahirap na, baka hindi niya mapigilan ang sarili lalo na ngayong lasing na siya. Baka mapatulan niya ito para makaganti kay Dale. Nakaramdam na ng kakaiba si Cathy. Kailangan na niyang makaalis sa lugar, kundi baka abutan siya ni Dale dito. Alam niyang natawagan na ito ni Tyron. Nagmamadaling iniwan niya ang lalaki sa dance floor at kinuha ang bag saka iniwan ang pera sa ibabaw ng counter. Mabilis siyang sumakay sa kotse at pinaharurot iyon pabalik sa hotel na tinutuluyan. *** KINABUKASAN, masakit ang ulo ni Cathy dahil sa hangover. Sinilip niya ang phone. Napailing siya. Over hundreds lang naman ang missed call ni Dale. Nagmadali na siyang naligo at alam niyang late na siya kanina pa. Siguro nasa Palawan na ang mag-aama. Nakabihis na siya nang maalala ang mga ipinamili. Bumaba siya sa parking area at kinuha ang mga ’yon sa compartment. Itinext niya si Dale. From: Mr. D*ckhead Give me your exact location asap! Dale calling . . . To: Mr. D*ckhead I don’t want to talk to you! Just give me your exact location! Pagkatapos ma-receive ang hinihingi niya ay ini-off niya na ang phone. Dumeretso siya sa airport at hapon na nang makasakay si Cathy sa eroplano. Halos dumidilim na nang dumating siya sa Palawan. Ini-on niya ang phone para i-text si Dale. To: Mr. D*ckhead I’m here na sa Palawan. Ano’ng sasakyan ko papunta d’yan? From: Mr. D*ckhead Wait for me there, at Starbucks. Pumasok siya sa loob ng Starbucks at pumwesto sa pinakagilid saka nag-order ng maiinom. Napansin niyang maraming nakatingin sa kanya kaya kinuha niya ang phone at nag-browse sa f*******:. Maya-maya ay may pumasok na text galing sa kasamahan niya sa hospital. From: Head Nurse Ano’ng nangyari sa ’yo, Doctora Cathy? Open your social media account. Hindi na siya nag-reply at mabilis na nagbukas ng socila media. “OMG! What the hell!” Ano’ng gagawin niya? Naroon ang pagsasayaw niya sa bar at ang lalaking nakapulupot ang mga braso sa baywang niya. Pero sa halip na manlupaypay ay biglang nabuhayan ng loob si Cathy dahil nakaganti na rin siya kay Dale. Nagulat na lang siya nang may marahas na kamay na humila sa kanya. Natigilan siya nang makitang si Dale iyon. “Let me go!” matigas niyang sigaw rito pero hindi siya nito binitiwan. Halos makaladkad na siya nito palabas ng Starbucks. Marahas siya nitong itinulak papasok ng kotse. Sinenyasan nito ang isang lalaki para kuhanin ang bag niya saka ito naupo sa driver’s seat at pinaharurot ang sasakyan. Hindi siya nagsasalita at nakabaling lang ang mukha niya sa labas ng bintana. Nanginginig ang katawan ni Cathy sa sobrang galit at kitang-kita iyon ni Dale. Gusto siyang komprontahin ni Dale tungkol sa kumalat niyang video sa social media. Hindi matanggap ni Dale na may lalaking nakapulupot ang braso sa baywang nito. Pero sa nakikita niya ngayon kay Cathy, first time niya itong makita na sobrang galit. Pinausad niya ang kotse at dumeretso na sila sa naghihintay na speed boat. Wala silang imikan hanggang narating nila ang private resort ng mga Montemayor. Mabilis na bumaba si Cathy. Hindi niya hahayaan na makalapit si Dale sa kanya. Halos takbuhin niya ang malaking bahay maiwasan lang ito. “Hi,” bati ni Cathy sa may-edad na kasambahay. “Where’s my son po?” “Ah, nasa room na, ma’am. Napagod ho sa kakalangoy kanina kaya maagang nagsitulog.” “Saan ho ang kuwarto na puwede kong gamitin?” “Ah, eh . . .” “Sa kuwarto ko,” sagot ng kapapasok lang na si Dale. Pero sa halip na sumagot ay mabilis na tinalikuran ito ni Cathy. Umakyat siya sa mga room at hinanap ang mga anak. Hindi naman nagtagal ay nakita agad niya ang mga ito. Masarap ang tulog ng dalawa. Nilapitan niya ang mga ito at hinalikan sa noo saka hinaplos ang buhok. Tumayo siya at pumasok sa banyo saka mabilis na nag-shower. Matapos maligo ay tumabi na siya sa mga anak. Hindi napigilan ni Cathy na dumaloy ang luha hanggang sa makatulog siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD