Chapter- 12

1921 Words
ILANG araw nang hindi makatulog si Cathy sa kaiisip sa sinabi ng kaibigan ni Dale doon sa bar. “Iisang babae lang ang minamahal n’on hanggang ngayon; ’yong taga-UK. Siguro napakaganda ng babaeng iyon, dahil sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa mga kamay niya ay iyon lang ang iniyakan niya, lalo na nitong last two years.” Who’s that girl? Masasabi niyang napakasuwerte naman n’on para iyakan ng isang Montemayor. Lumipas ang linggo na hindi nakikita ni Cathy ang mga anak at araw-araw na luha ang karamay niya. Nag-umpisa nang magtabaho si Cathy at naging busy na siya sa dami ng operation schedule niya. Pati ang paglilipat ng bahay ay hindi na niya magawa. Inutusan na lang niya ang kanyang mga kasambahay na unti-untiing iimpake ang mga gamit at ’pag ready na ay ipahahakot na lang nila iyon sa delivery truck. Sinubukan ni Cathy na humanap ng magaling na lawyer, pero lahat ng pinupuntahan niya ay ayaw siyang tanggapin kahit may pera naman siyang pambayad. Then lately, nalaman niya na hinaharang pala ni Dale ang mga ’yon. Araw-araw pagkatapos ng duty, nagbababad si Cathy sa chapel para ipagdasal ang kaligtasan ng mga anak. Kung puwede nga lang sa chapel na siya tumira kaysa sa kanilang bahay. Pagod na si Cathy na lumaban. Alam naman niyang hindi rin niya makakamit ang ipinaglalaban. Ipauubaya na lang niya sa Diyos ang lahat. Kahit sobrang sakit na mawala ang mga anak ay titiisin na lang niya ’yon, dahil alam naman niyang nasa mabuting kalagayan ang mga ito. *** ISANG gabi, ’di na makayanan ni Cathy ang pangungulila sa mga anak kaya nag-drive siya papunta sa mansiyon, bakasakaling masilip niya ang mga anak. “Ma’am, ano ho’ng ginagawa n’yo diyan? Bawal ho kayo diyan, trespassing ho iyan. Please umuwi na ho kayo.” “Guard, kahit saglit lang ho. Gusto ko lang masilip ang mga bata. Promise, saglit lang po,” pakiusap ni Cathy sa guwardiya. Isang malakas na busina ang nagpapitlag kay Cathy. Nagmamadaling sumakay siya ng kotse at pinaharurot iyon palayo. Hindi naman nakaligtas kay Dale ang tagpong iyon kaya tinawag niya ang guwardiya. “Ano’ng ginagawa ng babaeng ’yon dito sa gate?” “A-Ah, s-sir, kanina ko pa nga po pinapaalis, kaya lang nagmamakaawa na masilip daw ang mga bata sa loob. Nakakaawa nga po. Pasensiya na kayo, sir, hindi na ho mauulit.” Sa halip na pumasok ang sasakyan sa mansiyon ay nag-U-turn si Dale at pinaharurot ang sasakyan palayo. Sinundan niya si Cathy pero ibang direksiyon ang tinatahak nito at hindi patungo sa bahay nito. Patungo itong Makati kaya hindi niya hinayaang makalayo ito hanggang tumigil ito sa harapan ng isang penthouse. Nakita niyang sumaludo pa ang guard nang pumasok ang sasakyan ni Cathy kaya sinundan niya iyon. Haharangin sana siya ng guard kaya agad niyang ipinakita ang ID niya. Nagulat ito nang mabasa iyon kaya agad itong nagbigay-galang at pinapasok siya. Pero instead na pumasok ay nag-stop siya at kinausap ang guard. Kinuha niya ang complete information ni Cathy at mabilis na tinawagan ang kapatid. “I need one room, Laurice, sa twentieth floor.” “Kuya, bakit d’yan pa sa Makati? Marami naman sa iba nating penthouse.” “Gawin mo na lang ang sinabi ko. I need it tomorrow.” “Okay, Kuya. Ipapadala ko na lang sa opisina mo ang key card.” *** KINABUKASAN, agad na kinompleto ni Dale ang mga gamit sa penthouse na kailangan niya. After office hour ay dumeretso agad siya sa penthouse. Sa mismong katabing pinto ni Cathy ang room na okupado niya. Bandang alas-otso ng gabi, naulinigan niya ang pagbukas ng pinto sa tabi niya. Mabilis siyang naligo at nagsuot lang ng jeans and white T-shirt at pinatungan iyon ng black blazer. Nag-doorbell siya pero walang sumasagot o nagbubukas man lang. Kaya bumalik siya sa loob at kinuha ang duplicate ng card key na sikretong kinuha niya sa kapatid na si Laurice para makapasok sa kuwarto ni Cathy. Nang naroon na siya sa loob ay agad niyang ni-lock ang pinto. Pagkatapos ay pumasok na sa kabahayan. ‘Nasaan kaya ang babaeng yon?’ tanong ng kanyang isipan. Sumilip pa siya sa veranda at wala rin doon ang hinahanap niya. Nagtungo siya sa nakaawang na pinto at narinig niya na may lagaslas ng tubig. Mabilis siyang pumasok doon. Subalit napahinto siya sa pagpasok nang marinig niyang sumara ang gripo. Bago pa lumabas ang dalaga ay nakapagtago na siya sa likuran ng makapal na kurtina. Samantala, dahil mag-isa lang si Cathy ay hindi na siya nag-abalang magtapis ng tuwalya. Mabilis siyang nagtungo sa closet habang nagpupunas ng towel sa basa niyang buhok. Hindi sinasadyang mapatingin siya sa salamin. Nahagip ng mga mata niya ang paggalaw ng kurtina. Akmang isusuot niya ang nahagilap na bathrobe nang biglang lumabas sa pinagtataguan si Dale. “Ano’ng ginagawa mo dito sa kuwarto ko?” Sinikap niyang maging matapang. Subalit hindi maitago ang takot na lumukob sa kanyang dibdib nang makita niyang humakbang palapit sa kinatatayuan niya si Dale. “Stop!” malakas niyang sigaw. Huminto naman ito. Mabilis niyang isinuot ang bathrobe at ibinuhol iyon nang mahigpit. “Alam mo, Ms. Villegas, kahit higpitan mo pa ang pagkakatali niyan ay madali ko lang ’yan matatanggal.” “Umalis ka nga dito!” “At bakit mo ako pinapaalis? Kararating ko nga lang. Dapat ang gawin mo ay tanungin ako kung ano’ng gusto kong inumin o kainin?” “Wala ’kong panahon sa bagay na ’yon, Mr. Montemayor. Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ba at nasa ’yo na ang mga bata? Bakit ka pa nagpunta dito?” sunod-sunod na tanong ni Cathy sa kanya. “Anak ko rin ang mga ’yon kaya kung gusto ko silang kunin ay karapatan ko!” Hindi siya nakasagot dahil may point naman si Dale. Subalit hindi pa rin tama na kunin nito nang wala siyang ibinigay na pahintulot. “Ipaubaya mo na sa akin ang mga bata. Puwede naman kayong magkaroon ng anak ni Mr. Mondragon.” Nahimigan ni Cathy ang pait sa boses nito ngunit hindi niya iyon binigyang-pansin. Galit siya sa ginawa nito kaya minabuti niyang talikuran na lang ito. “Saan ka pupunta?” “Ayaw mong umalis kaya ako ang aalis!” “Hindi ka aalis, lalong hindi ka lalabas ng bahay na ’to!” “At sino ka para pagbawalan ako? Hindi kita boyfriend, lalong hindi asawa!” inis niyang sigaw kay Dale. Humakbang siyang muli, ngunit bigla siyang hinila ng binata at sumalpok ang mukha niya sa dibdib nito. “Puwes! Bibigyan ko ng karapatan ang aking sarili!” At sinibasib siya nito ng halik. Ngunit hindi siya gumanti, kahit ibuka ang labi ay hindi niya ginawa. “F*ck!” malakas na mura ni Dale sabay bitiw kay Cathy. “Tandaan mo ito, Ms. Villegas. Hinding-hindi mo makukuha ang mga bata!” Nasasaktan si Cathy sa mga binibitiwang salita ni Dale. Mahal na mahal niya ang binata ngunit sa mga nangyari sa kanila ay nahihirapan siya. Sa isiping hindi na niya makikita ang mga anak ay tuluyan siyang napaiyak. “Ano’ng iniiyak-iyak mo? Nariyan naman si Mondragon. Kahit ilang anak ay maaari kayong gumawa.” “Ang dali lang sabihin ’yan, Dale. Hindi mo alam kung paano magbuntis at dalhin sila nang siyam na buwan nang mag-isa!” Wala siyang narinig na sagot mula sa binata. “Hindi ko naman sila kukunin sa ’yo. Pero sana kahit makita man lang sila ay payagan mo ako,” patuloy na pangungumbinsi ni Cathy sa kanya. Bigla na lang nagbagsakan ang nabasag na salamin dahil sa lakas ng suntok doon ni Dale. Nag-panic si Cathy at agad nilapitan si Dale dahil sa sugat nito sa kamay. Hindi na niya napansin ang bubog at natapakan ito. “Ouch!” Napangiwi siya sa kirot. Tiniis niya ang hapdi at hinila si Dale papuntang sofa. Pinaupo niya ito roon at kumuha ng first aid kit. Lumuhod siya sa harapan nito at sinimulang linisin ang sugat nito. “Bakit mo binasag ang salamin? ’Ayan tuloy, nasugatan ka. Hindi naman iyan ang makakawala ng hinanakit ko sa ’yo.” Nakita niyang hinawakan siya nito sa kamay. Hinila siya nito at mahigpit na niyakap. “I'm sorry. Hindi ko lang matanggap na ipinagpalit mo ako sa lalaking ’yon. Alam kong hindi ko na siya kayang pantayan. Ang sakit-sakit dahil ikaw lang ang minahal ko nang ganito. Akala ko hindi ka magsasawang mahalin ako, akala ko ikaw na ’yong babaeng makakaunawa sa akin. I’m so sorry kung nasasaktan kita. Pero mas masakit ang ginawa mo sa akin. At sa pangalawang pagkakataon, muli na naman akong nasaktan. Hindi lang ’yon, mas doble pa ang sakit.” Dahan-dahang tumayo si Dale at iniwan siya. “D-Dale . . .” Nang marinig ni Dale na tinawag ni Cathy ang pangalan niya ay agad siyang humakbang pabalik. Hinila niya ang dalaga at siniil ng halik. At sa pagkakataong iyon ay hindi na siya pumayag na hindi ito mag-response. Hanggang naramdaman niyang bumuka ang labi nito. At tuluyan nilang inangkin ang isa’t-isa. “Ayos ka lang ba?” matapos ang mainit na pagniniig nila ay biglang tanong ni Dale. Hindi siya sumagot, bagkus ay pumikit lang siya at tumagilid ng higa. Ayaw niya itong sagutin o tingnan kaya nanatili siyang nakapikit. Naramdaman ni Cathy na yumakap ito sa kanya. Maya-maya pa ay bumangon ito at pumasok sa banyo. Naramdaman ni Cathy ang mainit na towel sa kanyang harapan. Gusto niyang gumalaw pero sobrang sakit ng katawan niya. Siguro nanibago siya dahil matagal na rin siyang walang nakakaulayaw. “Pasensiya ka na. Ikaw naman kasi, eh. Pinasabik mo ako nang sobra kaya hindi ako nakapagkontrol ng sarili.” Napansin niyang nanlaki ang mga mata ni Dale nang mapatingin siya sa pagitan ng mga hita niya. “Bakit?” Biglang kinapa ni Cathy ang magkabila niyang hita. Mabilis na nagtungo si Dale sa loob ng banyo at nang lumabas ay mayroong dalang bagong mainit na towel. “Ahm . . . Ilagay mo ito diyan. Bakit merong dugo?” Agad siyang bumangon nang marinig ang sinabi ni Dale. Kahit masakit ang katawan ay nagtungo siya sa loob ng banyo. Kaya naman pala, dumating na ang monthly period niya. Mabuti na lang at lagi siyang merong stock ng napkin. Binuksan niya ang drawer na naroon at kumuha ng underwear. Pagkabihis ay lumabas na siya at naabutan si Dale na parang balisa. “Wala kang dapat alalahanin, monthly period ko lang ’yon.” “Akala ko kung na paano ka na.” Nahiga siya sa gilid ng kama dahil nakararamdam na siya ng antok. “Gusto mong matulog muna?” “Oo, kaya paki-lock na lang ang pinto pag-alis mo.” “Sleep well. ’Pag tulog ka na, saka ako aalis.” Hindi na niya nagawang sumagot dahil antok na antok na siya. Nang tulog na si Cathy ay iniwan na niya ito. Nagluto siya para paggising nito ay may kainin siya. Nang makatapos magluto ay inilagay niya iyon sa isang bowl na may takip at dinala sa kuwarto nito. Ipinatong niya ito sa side table ng bed saka dinikitan ng note. Baby, Kainin mo itong niluto ko. I love you. Dale. *** CATHY decided to stay in the hospital dahil kung nasa bahay lang siya, lalo lang siyang mangungulila sa mga anak. Tinanggap na lang ni Cathy ang 24-hour on call duty niya sa ospital. Pero hindi pa rin maiwasan ni Cathy ang mag-isip. Normal lang siguro iyon sa isang ina dahil ilang buwan na niyang hindi nakikita ang mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD