“PAANO ang kotse ko?” tanong ni Cathy kay Andrei.
“Don’t worry, Cath. Ipahahatid ko na lang sa penthouse mo ’yan bukas ng umaga.”
Dinala siya nito sa Shangri-La Plaza Hotel. Nagulat si Cathy nang salubungin sila ng mga camera. Hinila agad siya ni Andrei papasok sa elevator kasunod ang dalawang lalaki na may mga hawak na kahon at paper bag. Umakyat sila sa suite nito.
“Bakit tayo nandito, Andrei?”
“Cath, faster. Late na tayo.”
Itinulak siya ni Andrei sa malaking room saka ibinaba ang box at paper bag.
“I’ll give you ten minutes.” Saka siya nito tinalikuran. Nagmamadali naman ang kilos ng dalaga na binuksan ang mga kahon at paper bag. Tumambad sa kanya ang isang see-through gown.
“OMG! How can I wear this?” Naiinis si Cathy na sumungaw ang ulo sa labas ng suite pero walang tao. Napilitan siyang isuot iyon. Luwa ang dibdib niya sa lalim ng neck line ng gown.
Napamura ang dalaga at asar na hinintay si Andrei. Bumukas ang pinto.
“Bakit ito? Tingnan mo nga, halos nakalabas na ang bo—” Natigilan si Cathy dahil hindi si Andrei ang nasa pintuan. “D-Dale . . .” Biglang tumalikod si Cathy. Nahihiya siya sa suot niya saka siguradong magagalit ito sa kanya. “B-Bakit nandito ka?” Nangatal ang boses niya.
“Hmm. Kaya pala naka-off maghapon ang phone mo. Pero nasaan si Andrei? Bakit siya ang hinahanap mo? Ako ang kaharap mo.” May halong diin ang pananalita ni Dale. “Let’s go, we’re late.”
Naguguluhan man ay sumunod si Cathy rito. Habang naglalakad, kinakabahan at naiilang si Cathy sa suot niya.
Pagpasok sa elevator ay bigla siyang siniil ng halik ni Dale saka binitiwan. “You’re mine!” Tulala naman ang dalaga at naguguluhan sa mga nangyayari. “Now prove me kung mahal mo talaga ako, Dra. Cathy Villegas.”
Pagbukas ng elevator, nagkikislapan ang mga camera. Panay naman ang harang ng mga bodyguard ni Dale habang papasok sila sa malaking bulwagan.
“Stay here at least three minutes, then you can walk straight.” At nawala na sa dilim si Dale.
Malakas ang kabog ng dibdib ng dalaga habang nakatayo sa dilim, hanggang bigla iyong nagliwanag at isang malaking spotlight ang nakatutok sa kanya.
Ang bilin ni Dale ay maglakad lang siya nang deretso kaya iyon ang ginawa niya. Nang tumigil siya sa pinakagitna ng bulwagan ay tumigil din ang spotlight sa kinatatayuan ng dalaga. Bigla ang kaba niya nang isa pang spotlight ang umilaw at iniluwa n’on si Dale na guwapong-guwapo sa suot nitong navy blue tux. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Napakatahimik ng lugar at tanging kalabog lang ng dibdib niya ang naririnig. Nang marating siya ni Dale ay nabigla si Cathy dahil bigla itong lumuhod sa harapan niya.
“Dra. Cathy Villegas, will you be my wife?” Sabay taas nito sa nakabukas na maliit na box.
Pagkabigla ang rumehistro sa mukha ni Cathy. Hindi niya ito inaasahan. Hindi siya makapagsalita. Parang nalulon niya ang sariling dila. Nakatitig lang ito kay Dale.
‘Please say yes, baby,’ dasal ni Dale. Umabot na ng isang minuto na nakaluhod si Dale. Nakatunghay lang si Cathy sa mga mata ni Dale.
Ang isang minutong usapan nila ni Andrei ay tapos na at hindi niya ito napa-oo. Dahan-dahang tumayo si Dale kasabay ng paglaglag ng isang butil ng luha nito. Mabilis na tumalikod si Dale at malalaki ang hakbang na lumayo..............
===============
TO BE CONTINUE.
AUTHOR NOTE;
Sa LIBRO (Hard Copies) nyo po mababasa ang karugtong.
Sa mga nais maka-Avail ng Libro (Hard Copies) Just PM lang po sa sss: Norvie Vargas or Page: Author Ladyindesert. Maraming salamat po.