Chapter- 4

1755 Words
NAIILANG si Cathy sa paghaharap nila ni Dale. “Mr. Montemayor, gusto ko sanang malaman kung may history ba kayo o ang ina ng bata ng sakit sa puso? How I wish na mali ako, pero may naririnig akong murmur sa puso niya. Kailangan niyang sumailalim sa 2D echocardiography para makita kung ano ang deperensiya.” “Sa pamilya ko, nakasisiguro akong wala kaming ganyang sakit, pero sa ina niya, I don’t know. Ni hindi ko nga siya kilala,” sagot ni Dale. “What do you mean?” walang siyang narinig na sagot mula sa binata. Ngunit namumula ang nakikiusap na mga mata ni Dale habang nakatitig kay Cathy. “Please, gawin mo ang lahat to save him.” Nawala na ang hiya ni Dale, hinayaan niyang pumatak ang mga luha niya sa harap ni Cathy. Tumayo si Cathy, binuksan ang mini refrigerator at kumuha ng tubig para iabot kay Dale. “Please drink this.” Sa halip na abutin ang tubig ay niyakap nito si Cathy at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Halos manlaki ang mga mata ni Cathy. Nag-init ang pakiramdam ni Cathy at namula ang kanyang mukha. Gusto niyang itulak ito pero sa halip ay hinaplos na lang niya ang buhok nito. “Please tama na, D-Dale. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa anak mo,” pagbibigay niya ng assurance dito. Para namang nagising si Dale sa pagkakatulog. Mabilis na lumayo si Dale kay Cathy at napapahiyang humingi ng paumanhin dito. “O-Okay lang, sir.” “Please call me by my first name. Hindi na kita private nurse para ’yan ang itawag mo sa akin kagaya noon. By the way, thanks, Cathy, I-I mean, Doc,” nauutal na pahayag ni Dale dito. Gustong batukan ni Dale ang sarili. Bakit ba hindi siya makapagsalita nang maayos sa harap nito? Ngumiti lang si Cathy. Mukhang wala nang reason para magtagal pa si Dale kaya nagpaalam na ito. Hindi nagtagal at nailipat na si Deile sa private room. Hindi maiwasang mangilid ang luha ni Dale dahil sa kung ano-anong nakakabit sa anak. Nanghihinang napatungo siya sa gilid ng kama ng anak. Halos maiyak din si Dave nang makita ang sitwasyon ng pamangkin. Hindi tuloy maiwasang maalala nito ang mga anak. Alam niya ang nararamdaman ngayon ng kakambal. Napakasakit sa isang ama na makitang nasa gano’ng kalagayan ang anak. Kinabukasan, kompleto na ang resulta ng examinations ng anak at na-confirm ni Doctora Villegas na may nagbabarang ugat sa puso ni Deile. Ang advise niya ay operahan ito. “Pag-isipan mong mabuti, Dale. Or kung gusto mo, humingi ka ng second opinion sa ibang ospital.” “No, Cathy. Kung iyon ang makabubuti sa anak ko, ipagkakatiwala ko siya sa ’yo. Please take care of him.” Nagsusumamo ang mga titig ni Dale. Lumapit naman ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. “No worries. I’ll do my best.” *** AFTER one week, magaling na ang allergy ni Deile kaya ipina-schedule agad ni Cathy ang operasyon nito. Panay ang dasal ni Dale para sa anak na sana maging succesful ang operation nito. Alam niyang sa dinami-rami ng kasalanan niya ay wala siyang karapatang humingi ng awa. Pero para sa anak, kahit ano ay gagawin niya para lang gumaling ito. Oras na ng operasyon, nag-stay si Dale sa chapel ng ospital at nakaluhod siyang paulit-ulit na nakikiusap sa Diyos na sana malampasan ng anak ang sakit nito at maging succesful ang gagawing surgery dito. Umuwi ng Pilipinas ang mommy at daddy niya pati na ang mga kapatid para suportahan siya. Gano’n silang pamilya; kahit busy sa mga negosyo, priority pa rin nila ang isa’t isa. “Kuya, magpahinga ka muna, ilang oras ka na dito. May awa ang Diyos, hindi Niya pababayaan ang anak mo.” “Laurice, ito na siguro ang karma ko. Kasalanan ko kung bakit ang anak ko ang nagsa-suffer.” “Hindi mo kasalanan, Kuya. Everything happens for a reason. Please be strong, ha?” Niyakap ni Laurice ang Kuya Dale niya. Tinapik ni Jade ang balikat nito. “Tama si Laurice, ang lahat ay may dahilan. Naranasan ko ’yan no’ng panahong lugmok ako sa kahinaan. Siguro tama lang na iparanas sa atin ang ganito para ma-realize natin ang mga pagkakamali natin. Tingnan mo ang nangyari sa akin at kay Kuya Dave. Maaaring ibinigay ng Diyos ang ganitong pagsubok para matutuhan natin kung paano pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa atin. Trials lang ang lahat ng ito sa ating triplets, hindi Niya ibibigay ang ganitong pagsubok kung hindi natin kaya.” Umabot ng walong oras ang operasyon ni Deile at si Doctora Villegas ay nanatili sa loob ng OP. Kagaya ng ipinangako niya kay Dale, ginawa niya ang lahat para makaligtas ang anak nito. Kaya kahit sobrang pagod ay hindi nito iniwan si Deile hanggang masigurong ligtas na ito. And finally, naging successful ang surgery. Nanghihinang lumabas ng OP si Cathy. Nadatnan niyang tulog sa upuan si Dale at ang mga kapatid nito. Nakaramdam ng awa si Cathy. Hindi niya napigilang lapitan ito at haplusin ang mukha. Napadilat si Dave at naudlot sa gagawing pagtatanong sana rito nang makita ang ginagawa nito sa kapatid. Alam niyang mahal pa rin nito si Dale, makikita sa mukha nito ang pag-aalala. Napakislot si Dale nang maramdaman ang haplos sa pisngi niya. Para namang napaso si Cathy na binitiwan iyon at lumayo nang kaunti. Doon na lumapit si Dave. “How’s my nephew, Doc?” Nagising si Dale at dali-daling tumayo. “Ang anak ko, Cathy. Kumusta ang anak ko.” “Don’t worry, he’s fine now. Successful ang operasyon. Pansamantala, ipapasok muna siya sa ICU.” Nakahinga nang maluwag si Dale. “Thanks.” Naupo siya. Parang umikot ang paningin niya dahil sa ilang araw na siyang walang tulog. Nang maipasok na sa ICU ang anak ay halos ayaw nang iwanan ito ni Dale. Matapos makita ang anak ay dumeretso na siya sa private room na kinuha niya para dito. Nahiga siya sa couch. Maayos na ang anak niya. Kahit papaano ay mapapanatag na siya. At tuluyan na siyang nakatulog. *** NAG-AALALA na ang mommy ni Dale kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ito. Over fifteen hours na pero tulog pa rin si Dale. Ilang oras na ring naipasok sa kuwarto si Deile at gising na ito. “Lola, it hurts,” turo ni Deile sa dibdib niya. “H’wag kang maysadong kumilos, apo. Dahil ’yan sa operasyon mo. But don’t worry, gagaling ka na.” Hinaplos ni Arriane ang pisngi ni Deile. Nagiging Xerox copy ni Dale ito habang lumalaki. “Lola, ang daddy ko, still sleeping?” “Yes, apo. Dahil ’yan sa ilang araw na walang tulog ang daddy mo.” Ngumiti siya sa apo. Pumasok si Cathy para silipin si Deile. “Hi, baby. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Ngumiti si Cathy rito, pero sa halip ay sinimangutan siya nito. “Oh, what happened? May masakit ba sa ’yo?” “W-Wala po, Doc,” mahinang sagot nito. “O, eh bakit ganyan ang itsura mo? Smile na.” “I’m not a baby anymore po, I am a big man!” “Ah, kaya pala nakasimangot ka. Oh, sorry na, Mr. Big man.” Napangiti naman agad ito. Bumaling siya sa ama at ina ni Dale. “Wala na ho kayong dapat alalahanin, stable na ho ang apo n’yo.” Malapad ang ngiti niya sa mga magulang ni Dale. “Thank you so much, Cathy. Napakabait mo talaga.” Ngumiti lang si Cathy. “Magpahinga na ho kayo. Ako na ang bahala sa apo n’yo. Hindi naman ako busy at konti lang ang pasyente ko ngayon, I will stay here.” Nagpaalam saglit ang pamilya ni Dale na uuwi muna sila sa mansiyon at babalik na lang uli. Naiwang nakikipagkuwentuhan si Cathy kay Deile pero maya-maya lang ay napahikab na ito. “I want to sleep, Doc.” “Sure, sleep well.” Lumapit siya sa tulog pa ring si Dale at niyugyog ito. “Dale, wake up.” Patuloy ang pag-alog niya kay Dale kaya hindi nagtagal ay nagdilat din ito. “My son!” Mabilis itong bumangon. “He’s sleeping now at kakatulog lang niya kaya h’wag mo siyang gigisingin. He need rest.” Lumapit si Dale sa anak at hinalikan ito sa noo saka bumaling sa kanya. “Thanks for saving him.” “Sige, maiwan na kita,” paalam ni Cathy kay Dale saka tumalikod na. Pumasok sa banyo si Dale para maghilamos at mag-toothbrush. Gusto sana niyang maligo, kaya lang wala siyang ekstrang damit. Tinawagan niya ang kapatid na babae. “Please bring my personal things. Ilang araw na akong hindi naliligo.” “I will, Kuya. Ipapadala ko na sa driver, ngayon din. Kumusta si Deile?” “He’s stable now sabi ng doktor niya.” “Thanks God. Hintayin mo na lang ang things mo. Bandang hapon pa ako makakapunta d’yan. Message mo ko kung may gusto kang ipabili.” Habang hinihintay ang driver ay naupo si Dale sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang anak. Ipahahanap niya ang puntod ng ina nito para makahingi siya ng tawad, gano’n din ang pamilya ng ina ni Deile. Hindi nagtagal, dumating ang driver nila kaya mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo. Naka-shorts lang si Dale habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok paglabas niya nang banyo nang makita niya si Cathy. Nabigla si Cathy sa nakitang hubad na katawan ni Dale. Gusto niyang iiwas ang tingin, pero sa halip ay napatitig pa ito sa magandang katawan na nasa harapan niya. Hindi nakaligtas sa paningin ni Dale ang sunod-sunod na paglunok nito. Kumilos si Dale para lapitan ito. Bigla namang tumalikod si Cathy. Hindi na itinuloy ni Dale ang planong lapitan si Cathy. Instead, binuksan niya ang kanyang bag at kumuha ng cotton white T-shirt at isinuot iyon. “Nakabihis na ako, Cathy. Puwede ka nang humarap.” Ngumiti siya. Mabilis na nagpaalam na lang si Cathy na lalabas na. Pakiramdam ni Cathy ay gusto niyang sugurin ng yakap si Dale, lalo na at amoy na amoy niya ang after shave and natural male scent nito. Napangiti si Dale. Apektado pa rin si Cathy sa presence niya. Ngunit bigla ring naglaho ang ngiti niya nang maalalang may asawa na ito at mga anak. Napaiiling na humiga na lang siya sa tabi ng anak. Hinalikan niya ito sa noo habang hinahaplos sa ulo. “Son, magpagaling ka na at dadalawin natin ang mommy mo,” bulong niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD